2

10 1 0
                                    

MAGIC TESTING

°•°•°•°•°•°•°•°•°
(2nd month of Odyrich, day 1, year 2068 A.W — after war)

Nagising ako sa maingay na riot ng mga manok sa labas ng bahay. Ganito palagi ang nangyayari bawat umaga, kapag pinapakain sila ni mama, simula kasi ng namatay si papa ginagawa namin ni mama lahat upang maitaguyod ang bawat hamon ng buhay.

Arsyne, anak. Gumising ka na nakita kong naghahanda na yung mga kabataan sa bayan para sa Magic Testing doon sa Capital!” Dahil nasa labas si mama kailangan niyang sumigaw.

Gising na po ako,” sabay tayo at kuha sa mga bagay na kailangan ko papuntang Capital ng 5th Division.

Mayroong limang Division ang Emperyo at nasa ikalimang division kami ng Preyland. Malayong paglalakbay pala ang mangyayari sa'min ngayong araw, it takes half a day to get there, at malayo na para sa akin ang ganung paglalakbay.

Lumabas ako ng kubo, muntik ko ng makalimutan ang espadang nabili namin kahapon, binalikan ko ito at pinuntahan si mama. Nadatnan ko siyang na nagtatanim ng gulay sa kanyang harden,Mag-ingat ka dito ma, baka matatagalan ako sa Capital,” niyapos ko ang kanyang likod. Di pa ako nakalayo dito na-miss ko na agad siya.

“Ano ka ba, anak. Wag kang mag-alala sa'kin, ang importante ay ikaw. Isang malaking karangalan sa ating pamilya ang pagsali mo sa isang patimpalak upang maging legal na magic user. Paniguradong masaya ang papa mo ngayon.”

Ipagdasal niyo po ako kay, Karma.” Usal ko, tumungo siya sa akin na may mga ngiti sa labi.

Di na ako nagtagal pa, nilisan ko ang bahay namin. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa pwedeng mangyari sa patimpalak doon sa Capital.

Dumaan ako sa gate ng Zagdrra at nagbayad ng isang bronsi ng Korett may gate fee kasi dito, lesser value ng tax sa mga taong nakatira sa loob, mas malaki kasi sa kanila. Nadatnan ko sa plaza ang nagkumpulang mga kabataan. Hinanap agad ng aking mga mata si Curth at Nyssa. Isang malapad na ngiti na halos aabot na sa tenga ang nakita ko, kumaway silang dalawa sa'kin. Lumapit ako sa kanila at nagyakapan.

“Ba't ang tagal mo?” Tanong ni Curth sa akin.

“See, I'm already here nothing to worry,” bigla kong naibulalas ang mga salitang ekslusibong tinuturo sa mga mayayaman, unless pagtatyagaan mong aralin mag-isa. Pero sa sitwasyon ko, ewan, nandito na sa akin ang kaalamang ito, eh. Di naman ako tinuruan ni mama dahil kahit siya kunti lang ang nalaman. Nevermind.

Alam nilang marunong akong magsalita ng linggwahe ng mayayaman,“Tsk, halika na nga kayo.” Pag-aya ni Nyssa sa'min, may nag-aanounce kasi sa plaza.

Makinig kayo, karangalan ng bayan ng Zagdrra ang katapangan na pinapakita niyo sa mangyayaring magic testing sa Capital. Pinapaabot ng ating minamahal na lider, Zol Hort, ang kanyang buong pusong tiwala na isa sa inyu ay mag-uuwi ng titulo sa ating bayan. Maligayang paglalakbay, Zagdrrinians.”

Natapos ang kanyang mahabang salaysay. Sinimulan na naming sumakay sa mga karwaheng pinahiram ng aming lider. Hindi kami masyadong marami dahil yung iba mas piniling manatili dahil sa kawalan at kakulangan ng mahika.

The Firstborn DevilWhere stories live. Discover now