Chapter 8: Rematch

1K 46 1
                                    

Kaia's POV

Ngayong araw ang bout namin ng misteryosong babae na tumalo sa akin noong nakaraang friendly match namin. Buong linggo rin akong naghanda para rito kaya dapat lang na manalo ako. Napaupo ako nang makita na nanginginig ang kamay kong may hawak ng aking sword.

Baka kulang lang ako sa kain.

Pumunta ako sa mga gamit ko na nakapatong sa may bench para kunin ang baon kong snacks. Isang saging at isang Snickers bar. May 30 minutes pa naman bago ang nakatakdang laban namin.

"Are you alright?" tanong sa akin ni Sammie na siyang magiging referee namin ulit.

"Ayos lang," maikling sagot ko bago umupo at buksan ang pakete ng tsokolate.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga matapos ibaba ang dala niyang iPad kung saan siya nanonood ng hindi ko alam na palabas. But knowing my cousin, paniguradong sappy love story na naman 'yan.

"Sabi ko naman sa'yo bawal ka pa maglaro katulad ng dati. Ayan, tatakas-takas ka pa para magpractice. Kinausap ko na si Coach Trisha na huwag kang papasukin dito tuwing lunch time," panenermon niya.

Nahahawa na talaga siya kay Mommy.

"Ngayon lang naman. Kulang talaga ako sa practice. Ayokong matalo ulit. Lalaki na talaga ang ulo ng babaeng iyon," depensa ko sa aking sarili bago badtrip na kumagat ng malaki sa hawak kong snack.

Malaki na nga ang boobs niya tapos palalakihin ko pa ang ulo niya. No way!

"You should've just let it go, Kaia. It was one game at baka swerte lang iyong kalaban mo that time. Wala ka pa sa tamang kondisyon para pwersahin ulit ang mga braso mo sa practice. Remember kung ano ang sinabi ni Doc, okay?" muli niyang pagpapaalala na parang sirang plaka.

"Sammie, I know that, okay? I'm not going to participate in any major competition this year nga, di ba? Ibigay mo na sa'kin ito. Ngayon lang naman."

Nakakainis kasi kahit simpleng ganito ay kailangan ko pang mag justify. Dati-rati naman ay kahit buong araw akong nag-eensayo ay ayos lang. Pero ngayon ay kahit ilang oras na practice pa lang ay nararamdaman ko na agad ang reklamo ng balikat ko. Tsk.

Natapos ko ng kainin ang baon kong snacks kaya nagpapahinga na lang ako habang iyong pinsan ko naman ay nakatutok na ulit sa kanyang pinapanood. Napalingon ako sa kanyang gawi nang makarinig ng ungol ng babae. Wala kasing suot na earphones ang gagang ito.

"Porn ba iyang pinapanood mo, Sammie?" nakangising tanong ko sa kanya na ikinapula ng kanyang mukha.

"No!" mabilis na tanggi niya bago hinaan ang volume ng kanyang iPad.

"Huwag ka ng mahiya. Ako lang 'to oh. Gusto mong bigyan kita ng private lessons?" nanunuksong tanong ko sa kanya.

"Oh, gosh! Shut up!" Nagtakip pa siya ng kanyang mga tainga. "I don't want to hear about your sex life. Please, spare me."

Natawa ako kaya sinamaan niya ako ng tingin. Pulang-pula na ang buong mukha niya.

"Virgin pa ba ang little munchkin slash sweetheart slash baby girl ni Mommy?" muli kong tukso sa kanya gamit ang mga endearments na tinatawag sa kanya ni Mommy.

Sa sobrang inis niya ay iyong iPad na ang ibinato niya sa akin. Nakailag ako kaya sa sahig iyon bumagsak. Ayun, basag na siguro. Tumayo ako para pulutin iyon at iabot sa kanya.

"Tsk. Bakit ka nagsasayang ng iPad? Ang daming batang nagugutom sa kalsada na walang iPad," walang kwentang pagrarason ko sa kanya.

"Buy me another one," parang batang tampo niya matapos sulyapan ang kanyang gamit.

Flawed (5th)Where stories live. Discover now