CHAPTER 1

5 2 0
                                    

Merksi's POV

Puro puno lang nakikita ko sa labas ng sasakyan. It's been more than an hour pero wala parin akong ibang nakikita kundi puro puno. Nakatulog nalang ako at nagising ganon parin nakikita ko. Pupunta kaming probinsya for summer vacation, I mean ako lang pala, hinahatid lang ako.

Naramdaman kong biglang huminto yung sasakyan kaya napatingin ako sa harap. May nakikita akong nagtutumpukang tao na nakatingin sa kung saan. Nakita kong may papalapit na pulis sa sasakyan namin. Kumatok siya sa binata ng sasakyan namin kaya binaba ni papa ng bintana.

Naririnig ko silang nag-uusap pero di ko marinig kasi parang nagbubulongan lang sila. Ilang sandali pa ay umalis na ang pulis kaya tinaas na ulit ni papa ang bintana.

"Kailangan natin umikot sa kabila." Sabi niya habang nililiko ang sasakyan papunta sa kabilang daan.

"Bakit daw?" tanong ni mama.

"May nangyare lang daw na aksidente dun kaya kailangan nilang i-close muna yung daan, tsaka marami ring taong nakikiusyoso kaya di tayo makakadaan." Sagot niya pabalik. Di ko nalang pinansin ang usapan nila, kasi di naman ako interesado, tumingin nalang ako ulit sa labas at nakitang puro puno na naman. Puro puno nakikita ko, baka pahirapan humanap ng signal dito di ko kaya yun.

"Andito na tayo." Rinig kong sabi ni papa at huminto sa harap ng isang lumang bahay. Maayos pa naman pati yung gate pero mahahalata mo parin talagang luma na yung bahay. Lumabas na ako ng sasakyan at nakita si lola na nakatayo sa harap ng gate. Mukhang naghihintay siya sa amin.

"Lola!" sigaw ko at agad na lumapit sa kanya at yumakap. Yumakap naman siya pabalik at hinalikan ako sa pisnge. Ayokong pumunta dito kasi nga probinsya at di ako masyadong sanay pero kung makakasama ko naman si lola eh okay lang.

"Pasensya na po natagalan kami, umikot pa kasi papunta sa kabilang daan." Sabi ni papa habang nilalabas ang ilan sa mga gamit ko. Kinuha ko naman yung backpack ko at lumapit ulit kay lola.

"Ayos lang yun basta't makikita ko yung napakaganda kong apo." Sabi niya at hinimas ang ulo ko kaya napangiti ako, "Kailan pala kayo uuwi dalawa? Baka pwedeng dito muna kaya maghapunan?" tanong ni lola.

"Mamayang hapon na po ma, marami pa kasi kaming gagawing trabaho. Hinatid lang namin si Merksi dito kasi di naman yan marunong bumyahe mag isa." Rinig kong sagot ni papa. Nauna nalang akong pumasok ng gate at bumungad sa akin ang napakaraming paso ng bulaklak. Mukhang may pinagmanahan si mama.

"Magpapahinga ka ba muna apo o gusto mong kumain muna?" tanong sakin ni lola. Malapit na rin palang mag tanghalian.

"Kakain po muna ako, pero may convenience store po ba dito? May gusto lang po kasi sana akong bilhin." Tanong ko.

"Covenience store ba kamo? Meron naman kaso andon pa sa malayo. Nag-iisa lang kasi convenience store dito, pero baka meron naman siguro sa mga sari-sari store dyan yung gusto mong bilhin."

"Bibili po sana ako ice cream pero mamaya nalang po siguro, kakain na po muna ako." Sagot ko pabalik at pumasok nalang sa loob. Naiinitan kasi talaga ako at hindi sapat yung aircon o electric fan sa sobrang init. Nakita kong may ref naman si lola kaya pwede akong bumili ng marami mamaya, just in case mag crave ako bigla.

Habang kumakain kami ay ang daming kwento ni lola, na kesyo sobrang miss niya daw ako kasi sobrang tagal ko rin daw di naka bisita sa kanya. Ngayon lang din kasi ako pumayag na mag bakasyon dito, kung di dahil sa nangyare. Huling bisita ko sa kanya ay siguro nung 7 years old pa ako, 16 na ako this year so it's been 9 years already. May mga naging kaibigan din ako dito, people I don't know and have probably forgotten me.

Hindi ako nagsasalita habang kumakain at nakikinig lang ng may biglang tinanong si papa kay lola. "Alam niyo po yung nangyare dun sa may tulay ma?" biglaang tanong niya. Ibig niya sigurong sabihin eh yung nadaanan namin kanina. "Sa kabila kasi kami pinadaan ng mga pulis kanina eh, ang dami rin kasing taong andun."

MariposaKde žijí příběhy. Začni objevovat