CHAPTER 7

4 2 0
                                    

Sandra's POV

“ATE SANDRAAAA!” rinig kong sigaw sa labas. Agad ko namang tinakpan ng unan yung tenga ko kasi inaantok pa ako. Jusmiyo kakauwi ko lang kaninang hating gabi kulang pa tulog ko.

“Ashley ang ingay mo, baka natutulog pa.” rinig kong sabi ni Eraina. Ba't ba andito ng sobrang aga 'tong si Ashley at Eraina.

“Di yan, di naman siya umaalis ng bahay niya malamang sobra pa sa sakto yung tulog niya.” sagot ni Ashley. Inangyan kahit nakasarado yung bintana ng bahay naririnig ko parin sila sa labas. Agad akong bumangon at ginulo buhok ko, tangina wag na nga lang matulog.

“May hair clip ka ba Eraina?” rinig kong sabi ni Ashley. Napatingin ako sa monitor ng computer at galing pala sa cctv sa harap ng bahay ko yung boses niya, gago dito pala ako sa kabilang kwarto nakatulog.

“Gagawin mo sa hair clip? Wala akong hairclip nasa ulo mo lahat.” sagot ni Eraina sabay turo sa ulo ni Ashley. Ito talagang mga batang 'to, saan na naman kaya sila pupunta at ginigising ako ng maaga?

“Ila-lock pick ko'tong pinto pag ayaw bumukas sisirain ko nalang.” sabi ni Ashley kaya nagising kaluluwa ko, lakas ng loob ne'to manira ng bahay ng isang inspector. Ay di pala nila alam kasi di ko pinasabi, mahirap na baka maging mailap prime suspect ko.

Agad akong lumapit sa monitor at pinindot yung intercom sabay nagsalita sa mic.

“Wag mo sirain pinto ko Ashley, siraulo ka. Ang aga aga nanggugulo kayo natutulog pa yung tao.” sabi ko, nakita ko pa silang nagulat at napasigaw sabay hinanap kung nasaan ako.

Di ko nalang sila pinansin at bumama na ako. Ang sakit ng ulo ko, parang malalaglag mata ko pag yuyuko ako. Binuksan ko ang pinto kaya napasigaw na naman sila sa gulat.

“Ang ingay niyo naman. Parang puputok ugat ko sa utak sa ingay niyo.” sabi ko kaya natahimik sila. Inayos ko lang buhok ko at tinali bago sila pinapasok. “Ba't ba kayo andito?”

“Sasama ka po sana namin sa Rose Village, fiesta po sa kanila eh.” sabi ni Ashley habang nakaupo sa sofa, binuksan pa yung tv.

“Ang aga niyo namang mang aya.” sabi ko at uminom ng tubig.

“Wala ka naman pong ginagawa eh, tambay ka lang sa bahay mo. Sobrang putla mo na po oh, kaya sumama kana.” dagdag niya pa, tahimik lang si Eraina habang nanonood sa cartoon networks. Pa'nong di ako mamumutla eh palagi akong puyat tapos di pa maayos tulog ko dahil sa trabaho.

“Sige, maliligo lang ako.” sagot ko at umakyat papuntang kwarto. Mas mauuna pa akong mamatay sa lagay na'to kesa sa mahuli yung suspect sa Mariposa serial killing case namin. Di ko day-off ngayon pero bahala na si Batman, at si Team leader.

Pagkatapos ko maligo at mag ayos ay sinabihan ko silang buksan yung gate at maghintay sa labas. Kukuha sana ulit ako ng sandwich at peanut butter ng maalala kong naiwan ko pala yun sa station, di na nakapag pigil si Lorenz kinain niya na talaga pati peanut butter inubos.

“Asar.” sabi ko at lumabas nalang. Naabutan ko silang nagbabangayan sa labas, ang aga aga eh puro bangayan 'tong mga 'to. 6am pa ng umaga nang-aaya na agad gumala.

Agad ko nalang pinaandar yung sasakyan at nilabas ng gate. Inutosan ko muna silang isarado at ilock yung gate bago sila sumakay, dapat lang para naman may ambag pag gising nila sakin ng maaga.

Habang nagmamaneho ay nag request pa si Ashley na magpatugtog kaya inayawan ko, ang sakit ng ulo ko eh mag iingay pa. Dahil di ko siya hinayaang magpatugtog siya nalang yung kumanta, kaya binuksan ko yung bintana para di lang ako yung makarinig ng ingay niya.

7Am narin kami halos nakarating sa kabilang village.

Ito yung village na madadaanan muna bago makapunta sa town, yung gubat na madadaanan sakop pa ng Mariposa village hanggang sa dulo ng bridge papasok ng Rose Village. May isa pang village which is ang Bougainvillea village, yun yung town na madadaanan papuntang City. Ewan ba't ba ako nag explain bigla.

MariposaWhere stories live. Discover now