CHAPTER 10

3 0 0
                                    

Sandra's POV

Nasa operation room na si Aica and thankfully wala namang masamang nangyare, they're currently attending to her right now kaya andito ako sa may lobby ng hospital.

Habang naglalakad at binubuksan yung binili kong softdrinks ay biglang may humablot ng braso ko, ang lakas ng pagkakahablot sakin kaya biglang natapon yung laman ng coke. Ohnaur!

Tiningnan ko kung sino yun at nakita si Jhorake na nakaupo sa sahig habang hinihingal. Tinakbo niya ba yung hospital?

Narinig kong may naglakad papalapit sakin kaya tumingala ako at nakita si Natalie na umiiling.

"Kung di ka ba naman kasi tanga. Sino ba nagsabi sayong takbuhin mo yung hospital eh may dala kang kotse?" sabi niya. Kaya naman pala eh. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at huminga ng maayos.

"Anong nangyare sa kapatid ko? Ba't may narinig akong ambulansya kanina? Sinong na-hospital?" sunod sunod niyang tanong. I just stood there staring at him as if he was the most dumbest person I've ever seen pero umiling nalang ako.

"As of now hindi ko pa alam kung anong nangyare. May ambulance kanina kasi may naaksidente. Si Aica yung na-hospital." sagot ko at uminom sa softdrinks na nasa kamay ko, buti nalang at kunti lang yung natapon. Pero di pa ako nakakalunok ng bigla niya na namang hinila ang braso ko, ano ba nakakakziabzjsbzhshs, "What the..."

"What do you mean hindi mo pa alam anong nangyare?" tanong niya ulit. Binawi ko naman ang braso ko at sinarado nalang yung iniinom ko baka hilain na naman braso ko itatapon ko na talaga sa kanya yung buong laman.

"Exactly what it means." sagot ko pabalik kaya nagtaka siya, nagsimula akong maglakad ng makitang nilabas na si Aica sa operation room at sinalubong si Artemis. "Kumusta si Aica?"

"Okay na raw siya, thankfully. Hindi rin siya nawalan ng maraming dugo kaya walang complications pero kailangan niya daw muna magpahinga." sagot niya. "Anong sasabihin ko sa magulang niya?"

"Sabihin mo nalang munang nagka-aksidente siya habang naglalaro sa gubat at nakasalubong natin siya." sagot ko kaya tumango lang siya. Napatingin naman siya sa likuran ko at nakita yung dalawa na nakatayo lang don.

"Nasabi mo na ba sa kanila yung sinabi ni Aica?" tanong ni Artemis pero umiling lang ako at naglakad papasok sa kwarto kung nasaan si Aica.

"Anong sinabi ni Aica?" rinig kong tanong ni Jhorake na sumunod sa akin.

"Nasa abandonadong mansion daw sila Hakob kasama si Lolo Mico." sagot ko habang nakatitig kay Aica. Tiningnan ko sila ulit bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Huling sinabi ni Aica bago siya nahimatay ay may nakita daw silang mga ulo."

"Ano?" tanong ni Artemis. Hindi niya pala narinig yung huling sinabi ni Aica bago siya mahimatay.

Binuksan ko ulit yung softdrinks na binili ko kasi nauuhaw na talaga ako. Napansin kong lalapit na naman si Jhorake kaya agad ko siyang pinigilan.

"Hilain mo ulit braso ko at itatapon ko na talaga sayo lahat ng laman ne'to. Isa pa talaga." sabi ko kaya di na siya lumapit ulit. Kaasar eh iinom yung tao hahablutin bigla, parang sinasadya niya na eh. "Oo Artemis may nakitang ulo, head, kabesa sila Aica sa abandonadong mansyon. Saan ba kamo? Malamang dun sa hidden basement nung mansyon."

"Hidden basement?" tanong ni Jhorake kaya sinulyapan ko siya habang iniinom yung sofdrinks at binubuksan yung dala kong chichirya, yung binili ko kanina sa convenience store. "Bakit alam mong may hidden basement dun?"

"Kasi ron ako tumatambay nung bata pa tayo. Alam niyo namang di ako mahilig makipag laro sa inyo sa dati kaya pag di ko kayo nakikitang naglalaro sa labas eh dun ako sa gubat nag-iikot." sagot ko. Napansin ko namang parang napangiwi si Artemis sa sinabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MariposaWhere stories live. Discover now