KABANATA 3: TRENDING

61 9 4
                                    

ELIANE'S POV

"Girl, trending ka..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabing iyon ni Rose. Trending? Ako? Bakit?

"B-b-bakit?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Ang ibig sabihin ni Rose is trending yung girl na nag-hoy kay Justin habang nagla-live siya," kalmadong paliwanag sa akin ni Chim kaya sunod-sunod na lunok ang ginawa ko.

"Maganda or pangit?" tanong ko saka umupo sa swivel chair ko.

"Both," sagot naman ni Kia kaya napahawak ako sa sentido ko. Great, ang matiwasay kong buhay ay magugulo dahil sa pag-hoy ko kay Jah.

"Pero wag ka mag-alala, nilinaw naman ni Jah yung ginawa mo kagabi," pagpapakalma sa akin ni Chim kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Yeah... Ang dami ng nagagalit sa live nila kagabi tas nung narinig sa live na sumara yung pinto saka lang nagpaliwanag si Jah," saad naman ni Kia.

"Paliwanag?" naguguluhang tanong ko. Wala naman kasing nabanggit sa akin si Jah kagabi nung hinatid niya ako about dito.

"Watch this..." wika ni Rose saka inabot sa akin ang phone niya.

Ito ay video mula nung nag-hoy ako kay Jah pagkatapos ay sabay-sabay silang lumingon sa akin then nung sumara na yung pinto ay bumalik na yung atensyon nilang lima sa live. Pagkatapos ay narinig ko ang boses nilang lima.

"Oy oy oy, wag niyong sabihan ng ganiyan yung tao," saway ni Stell sa camera.

"Oo nga," pagsang-ayun naman ni Ken.

"Guys, kalma kayo. Makinig muna kayo kay Justin," segunada naman ni Josh.

"Oh mga hotdog, magsikalma kayo diyan," saad naman ni Pablo.

"Guys, please wag niyo sabihan ng ganiyan yung best friend ko. Ganun lang talaga kami magbatian dalawa. Kapag pinagpatuloy niyo yan, masasaktan ako dahil inaaway niyo yung isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko...."

Nagulat naman ako ng biglang kunin ni Rose ang phone niya sa akin, "tama ka na. Ang lawak na ng ngiti mo diyan," nakasimangot niyang saad saka itinago ang phone niya.

"Ha?" pa-inosenteng saad ko saka pinigilan ang pag ngiti ko ngunit kusang gumuguhit ang ngiti sa labi ko.

"Asus, tama ka na girl. Yung lawak ng ngiti mo pwede ng daanan ng mga sasakyan na na-stranded sa traffic sa Edsa," pahayag ni Kia saka ako pabirong sinampal.

"Che! Bawal bang kiligin?!" asik ko sa kanila.

"Bawa!" nakasimangot na saad ni Rose kaya naman natawa ako. Alam ko naman na siya talaga ang magiging kontrabida sa akin pagdating kay Jah. Palibhasa ay si Jah ang bias niya at ina-angkin na niya ito.

"Wag mo nga inaaway yan si Liane. Diba sabi ni Jah nasasaktan daw siya kapag inaaway yung isa sa pinaka-importanteng tao---"

"Stop! Ayaw kong marinig," pagputol ni Rose sa sasabihin pa sana ni Chim.

Kaya naman hindi na namin napagilang humagalpak sa kakatawa dahil sa naging reaskyon ni Rose. Napatingin naman sa amin ang iba naming ka-trabaho dahil sa lakas ng pagkakatawa namin kaya napatikom ako ng bibig.

"Sige na, bumalik na kayo doon sa mga pwesto niyo. Ang aga pa para masungitan tayo ni visor," pagtataboy ko sa kanila. Aba baka mamaya may KJ na mag-report sa aming apat sa supervisor namin, mayari pa kami.

"Sus, porket masaya ka na, ginaganyan mo na kami! Samantalang kanina para kang iniwan ng kaluluwa mo," nakasimangot pa ring saad ni Rose.

"Paano ba naman kasi yung bungad mo! Muntik na akong atakihin sa puso," asik ko naman sa kaniya.

CLS#2: Love In The Spotlight | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now