KABANATA 6: HARANA

52 10 2
                                    

LIANE'S POV

Kasalukuyan kong pinanonood ang presentation ng SB19 habang hawak-hawak ko ang aking camera. Naisipan ko kasing i-vlog ito dahil first time experience ko ito tapos gusto ko ring kuhanan ng litrato si Jah habang sumasayaw. Itatanong ko sana kay Athena, yung make-up artist ni Pablo ang tungkol sa title ng sinasayaw ng SB19 ngayon ngunit mukhang may hinahanap ito. Kanina pa kasi siya linga ng linga sa paligid.

Tinapik ko naman ito sa balikat, "psst, Athena!" tawag ko sa kaniya. "Sino ba yung hinahanap mo diyan at parang hindi ka naman mapakali?" tanong ko.

Lumingon naman ito sa akin sabay sabing, "De! Hinahanap ko kasi sina Aira, e," sagot niya. Sino naman yung mga yun?

Napatango na lamang ako, "hindi ba kayo nagsabay kanina papunta rito?" pahabol na tanong ko.

"Hindi e. Nauna kasi ako kanina. 7AM pa lang ay nandito na ako sa venue ng event," tugon niya. Grabe, humihilik pa ako ng time na iyon. Nakaka-amaze naman pala ang batang ito.

"Ahh!" tanging naging pahayag ko saka nagpokus na lamang kay Justin este sa concert.

***

" This is our zone break we are SB19!!! Hello A'TIN welcome to one zone an Sb19 half a decade celebration fan meeting concert!! " sabay-sabay nilang wika lima.

Napamaang na lamang ako dahil para yung button na pagkatapos pindutin ay nagsimula ng magtilian, sigawan, tulakan at hiyawan. Pati nga si Athena ay sobrang lakas ng tili, akala ko ay mabibingi na ako. Eh diba lagi naman niyang kasama ang mga ito? Bakit nakikitili pa rin siya? Ngayon ko lang din na-realize ang layo na ng narating ni Justin, hindi ko tuloy mapigilang manliit. He is so unreachable right now! Napailing na lamang ako sa iniisip ko at tumingin kay Athena.

"Grabe kayo no? Ganyan talaga cheering nyong ATIN? Kulang nalang lalabas na voice box nyo eh" natatawang wika ko kay Athena. Natawa naman din ito sa naging reaksyon ko.

" Pansin ko nga sayo Liane parang chill ka lang dyan at hindi nagwawala... Nag-eenjoy ka pa ba sa lagay na yan?" pabiro niyang wika sa akin na bahagya ko namang ikinatawa.

"Shh... Nood muna tayo..." tanging nasabi ko. Alangan naman sabihin ko sa kaniya na first time ko lang manood ng concert.

***

" A'TIN! Alam naming pagod na kayo at ganon din kami" natatawang biro ni Pablo. "De , gusto ko lang sabihin na ihanda nyo na ang mga sarili nyo dahil meron kaming special guest performers na tiyak kong ikagugulantang ng mga puso nyo! So stay stunned muna just for a minute" anunsyo niya. Ang taray may pa-special guest pa sila.

" Meron pa lang special guest. Akala ko kasi wala," natatawang wika ko kay Athena. Ngumiwi naman ito dahil sa sinabi ko.

" Meron pero they are not truly an artist talaga , they are a simple performer lang off cam," turan niya sa akin.

"Hmm.. so do you know them? Chika mo naman" wika ko. Ayaw ko naman maging masyadong clueless 'no.

Natawa naman si Athena dahil sa sinabi ko, "Umm.... I know them very well pero later na lang after con," niya. Ay grabe, may pa-bitin itong batang 'to.

Biglang dumilim ang buong paligid ng araneta at tanging yung bagay na mukhang flashlight na hawak ng mga fans ang tanging nagsilbing ilaw sa buong lugar. Nagsimula na magsalita yung emcee at maya-maya pa ay may lumabas na grupo. Gusto ko sanang tanungin si Athena ngunit nakita ko itong masayang nanonood kaya pinagpaliban ko na lamang. Ayaw ko naman sirain yung pagfa-fangirl niya. Pagkatapos nilang mag-perform ay tumayo na rin si Athena.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya saka siya hinawakan sa braso.

"Sa backstage. Kailangan ko silang i-retouch, eh," tugon naman nito. "Hindi ka ba sasama?" tanong niya.

CLS#2: Love In The Spotlight | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now