KABANATA 14: GIRLS' TALK

61 10 7
                                    

LIANNE'S POV

"So boring naman, may naiisip akong gawin natin,"

Lahat kami ay natigil sa aming kani-kaniyang pagce-cellphone nang marinig namin ang sinabi ni Yna. Nakahiga na kasi kami rito sa kwarto namin dahil tapos na rin kaming mag-dinner.

"Ano naman yun?" tanong ko. Naboboring na din kasi ako kaka-scroll sa social media accounts ko eh.

"Let's have girls talk na lang," suhestiyon sa amin.

"Hmm..." rinig naming wika ni Scarlet kaya napatingin naman kami sa kaniya. Nakahawak ito sa bandang baba niya, "I like that idea po," dagdag pa niya.

"I like that pala ha, kayo ni Athena yung first na tatanungin namin," natatawang biro ko sa kanila kaya naman namilog ang mga mata ni Athena.

"Luh? Teka lang naman ate Liane," namumutlang pahayag ni Athena kaya naman natawa kaming tatlo sa reaksyon niya. Halatang may tinatago ang batang 'to. "So ikaw na yung una kong tatanungin, "

"So, ano yung feeling na nasa bahay ka ngayon ng Nase Family?" tanong ko. Nabanggit kasi sa akin ni Jah na nakatira nga ito sa bahay nila Pablo.

"Masaya," matipid na sagot nito. Aba, pa-showbiz ang batang ere.

"Kamusta naman yung pakikitungo sayo ng family ni sir Pablo?" tanong naman ni Yna.

"They are nice din naman lalo na si tita Grace," nahihiyang sagot ni Athena.

"Bii, close na kayo ng boss mo?" curious na tanong naman ni Scarlet.

"I don't know," sagot naman ni Athena.

"Ito talaga yung best question," pabitin kong saad nung may biglang nag-pop up na tanong sa isip ko, "Kamusta kayo ni Pablo?" natatawang tanong ko.

Napangiwi naman si Athena dahil doon, "luh si ate Liane, saan ba kasi galing ying mga tanong mong yan?" saway niya sa akin kaya lalo akong natawa.

"Sagutin mo na lang," wika ko at baka i-change topic niya pa bigla.

"Were fine po ng boss ko. We are in a professional relationship po." tugon niya.

"Taray dun sa professional," natatawang komento ni Yna. "Kahit sa loob ng bahay, professional pa rin ba kayo?" tanong niya pa.

Mukhang napaisip naman si Athena sa tanong ni Yna dahil napakagat labi pa ito, "Ahm, may naalala lang ako dhn sa picnic--"

"Sandaleeee, p-picnic? Nag picnic ka kasama ang Nase Fam?!"gulat na gulat naming tanong tatlo. Sabay-sabay pa nga kami.

"Oo, ayaw ko sanang sumama kaso lang pinilit ako ni Tita Grace" paliwanag naman ni Athena.

"Sana all sayo bii" komento ni Scarlet na mukhang kinikilig sa kwento ni Athena dahil namumula na din ang pisngi nito/

"Ikaw naman yung next Scarly," natatawang wika ni Yna kaya naman napunta kay Scarly ang atensyon namin ni Athena.

"Ano gung first impression mo nung first meet ninyo ni Justin?" tanong ko. Tagal ko na kasing gustong itanong sa kaniya ito.

"Suplado" mabilis niyang sagot kaya naman natawa ako. Lahat na lang ata ng tinanungan ko nito ay ayun din ang sagot.

"Woooh! Deretsahan ha," natatawang pahayag naman ni Athena.

"Totoo naman, suplado pero nung paunti-unti ko na syang nakakasama, para siyang tubig sa gripo namin," wika ni Scarlet kaya naman kumunot ang noo naming tatlo.

"Bakit naman?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.

"Kasi minsan mainit siya, mainit ang ulo. Minsan naman malamig, mabait," paliwanag ni Scarlet at bahagyang napangiti.

CLS#2: Love In The Spotlight | SB19 FANFICTION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon