Chapter IX

15.4K 331 274
                                    

IX: Wish


Growing up, I have learned that blood isn't always thicker than water. On top of that, connections formed outside of blood can be even more powerful sometimes.

People whom I considered strangers before have shown me the true meaning of family, and treated me as their own, while my own kin only seemed to love me when they stood to gain something.

And this conversation with my mother is a recent example that reinforced my belief in being right.

"Mama, birthday ko na po pala sa April 9. Dalawang araw na lang po ay magiging eighteen na ako," paalala ko rito habang kinukuskusan ang sahig ng basahan dahil sa natapong mainit na kape ni Mama.

"Oh, ano naman ngayon? Gagawin ko?" pabalang niyang sinagot, hindi ako tiningnan at nagpatuloy sa pagyoyosi habang nanonood ng pelikula sa kaniyang cellphone.

Suminghal ako pagkatayo, kinakabahan sa panibagong sasabihin.

"Baka po p'wede na akong maghanda ngayong taon? Kahit na Spaghetti at Pancit Bihon lang, Mama. Saakin po ang gastos, hindi niyo kailangang maglabas ng pera. Gusto po kasi ng mga kaibigan ko na pumunta rito, eh. Nakakahiya naman pong tumanggi sa kanila."

Binaba niya ang cellphone sa bangko at binalingan ako. May maliit na ngiti sa aking labi na kaniyang ginaya. I had expected for her agreement, but her expression twisted into malice that was ccompanied by a mocking laugh.

Napangiwi ako.

"Punyeta ka! Nakakatawa ka naman!"

Nagawa pa niyang hampasin ang pader sa tuwa.

I sighed again and headed back to the kitchen. Bigo akong umupo sa bangko at tumanganga na lamang.

"Maghahanda ka? Eh, wala ka ngang ambag sa bahay na 'to! Ang mabuti pa, ibigay mo na lang ang perang ipanghahanda mo saakin para may pang-ulam tayo rito araw-araw! Hindi 'yong kung ano-ano ang iniisip mong gaga ka! Balak mo pa akong pagurin!" pamumutak niya sa sala.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukang hindi siya pakinggan.

"Mataas ka talagang mangarap! Kahit nga tuyo, hindi kita ipagluluto! Spaghetti at Pancit Bihon pa kaya? Bobo! Sinisira mo araw ko!"

Umawang ang aking bibig. Wala naman akong sinabing siya ang magluluto! Ang gusto ko sana, ako ang magpe-prepare at magluluto ng mga pagkaing ihahanda. Hindi ko naman sinabing iaasa ko sa kaniya, humihingi lang ako ng permiso.

Ni minsan nga'y hindi pa nila ako nagawang ipagluto o batiin man lang tuwing kaarawan ko. Si Cece lang ang tanging bumubuhay ng esprito ko tuwing nadadagdagan ang edad ko.

She's the only one who wishes me a happy birthday every year. Mag-iipon pa siya ng piso-piso upang may pambili siya nang maraming Kiss at Bangus sa tindahan, ibibigay saakin bilang regalo niya raw.

Nakikita ko rin palagi sa mga kaklase ko noong highschool na kapag nagde-debut sila ay bongga. Mayroong 18 gifts, 18 candles, 18 bills, at 18 roses. Maraming lobo, may cake na malaki, pagkatapos ay nakasoot pa sila ng malaking gown.

Hindi naman ako nangangarap na makaranas ng ganoong kabonggang birthday celebration. Having a simple celebration with food on the table, friends coming to my place, and seeing the joy reflected in their smiles. . . is already enough for me.

Seeking advice from my mother about it turned out to be a regrettable decision.

"Grabe naman 'yang Mama mo, Lin! Debut mo na 'yon, at first time mong maghahanda nang kasama kami!" sikmat Fely na katabi ko.

Tama siya. We've been friends for almost a year, yet they didn't celebrate my seventeenth birthday. Pasukan na kasi nang magkakilala kaming apat.

"So ano ang Plan B natin, mga 'teh?" Queenie casually sipped on her Zest-O.

Calming the Vicious Wind ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon