XI: Leaf
paralangkaybosshiya |🔒| @belineda
ang sarap mo sigurong jowain, hahaha.
ano'ng lasa?Kanina pa ako nakatutok dito sa app na X ang logo. Mas nakakatuwa palang tumambay rito kaysa sa Instagram dahil hindi naman ako isang aesthetic girly. Nakakainggit lang do'n, mas mabuti pa rito na nagagawa ko ang lahat ng trip ko sa buhay!
paralangkaybosshiya |🔒| @belineda
Ewan nga, eh.
Patikim naman po, hehehe."Ganito ba talaga sa Twitter, p'wede mong kausapin ang sarili mo?" I questioned myself, but Yen provided her own answer.
"Nabuang na nga ang shunga."
She wears that repulsive face whenever she disagrees with our actions!
"Buang daw! Ang cute niya kaya!" si Fely na sinubukang basahin ang mga tweets ko ngunit hindi ko siya binigyan ng pag-asa.
"H'wag kasi!" Tumabi ako kay Queenie at iniwan siya sa kay Yen. "Puro kagaguhan lang ang laman nito, Fely."
She pouted. "Ang sungit. Nakakasakit ka na!"
Pinabayaan ko siyang mag-emote roon sa tabi ni Yen at nag-isip pa nang ilalagay na tweet. I just can't stop doing this! Well, yeah, it's justifiable, considering that he has occupied my thoughts recently, and I can't help but do this instead of bothering him.
paralangkaybosshiya |🔒| @belineda
I love myself.
But I love you more! Boom, panis! 😘
Kailan mo kaya matitikman ang mga banat ko sa'yo?Na-cringe ako sa huling tinipa. Ang random.
"May napili na ba kayong partner sa magaganap na Prom?" tanong ni Queenie saamin.
I furrowed my brow. May magaganap palang Prom bago matapos ang school year? I didn't know that, and I have no interest.
"Walang rule na adviser ang pipili ng mga ka-partner natin! We can pick anyone we like!" she exclaimed with enthusiasm.
"Pagdating sa kabonggahan, nangunguna talaga 'tong babae na 'to," ani Yen sabay turo sa aking katabi. "Ang mahal ng babayaran! Marami na akong mabibili sa walong daan!"
Inirapan lamang siya ni Queenie. Pagkatapos ay tumingin sa katabi nito. "Ikaw, Fely?"
"Kung sasama si Lin."
"Ako?" I gestured towards myself. "Tangek, wala akong pera. Saan ako kukuha ng makeup artist na mag-aayos saakin? At saka, kailangan pang mag-rent ng gown. 'Di ba, ang hassle! Gastos lang 'yan!"
"Hindi na rin ako sasama," sinagot ni Fely kay Queenie.
"Ah, gan'yanan na? Pababayaan niyo lang akong mag-isa ro'n?"
Walang sumagot sa kaniyang tanong. Tinago ko na ang cellphone sa bulsa ng palda at nanahimik. Mahirap na't baka i-bring up niya bigla ang binigay niyang gadget at i-guilt trip pa ako.
"Sumama na kayo! Ako na ang bahala sainyo! May makeup artist na kukunin si Mama, at may mga gowns din ako sa bahay na hindi ko pa sinusuot. Apat 'yon, tag-isa tayong apat!"
Nagkatinginan kaming tatlo. We're in conflict because her proposition seems promising. Sa kabilang banda, ayaw ko rin kasing pabayaan siyang mag-isa. Kawawa naman. Isipin pa ni Tita Kina na hindi namin mahal ang anak niya.
"Hindi na. Kayo na lang," si Yen.
Fely and I grunted.
"Payag na ako!" I raised my hand.
"Ako rin!" Hinawakan ni Fely ang kamay kong nakataas sa hangin.
"Jusko, Yen! Payag na silang dalawa, oh? H'wag ka nang mag-inarte, hindi ka naman kagandahan! Sumama ka na!"
BINABASA MO ANG
Calming the Vicious Wind ✓
RomanceElements of Love Series: 1 Aveline Pearl Delgado's life had been marred by her parents' harsh treatment for as long as she could remember. Their cruelty had led her to believe she could never calm the souls of others, just as they had never treated...