25

665 14 0
                                    

Chapter 25
3rd Person's POV
After 2 days kasama nina Loki pabalik ang parents nila. Tapos ngayon kaharap nina Loki ang parents ni Desiree at si Desiree na ngayon ay nanlalaki ang mata matapos sila makita at ang parents ni Loki.

Paanong hindi magugulat si Desiree. Bigla na lang sila pumunta doon pagdating na pagdating nila galing province. Unexpected din iyon dahil biglang sinabi ng daddy nina Loki na dalhin sila sa bahay ng girlfriend nila.

Hindi alam ni Desiree ang gagawin anxious siya. Hinawakan ni Desiree ang isang braso. Tahimik lang kasi ang parents ni Loki matapos iyong formal na pakikipag-usap sa parents niya.

"Nasabi na sa amin lahat nina Loki specially sa girlfriend nila na si Desiree Ortega," panimula ng daddy ni Loki. Ang bilis ng tibok ng puso ni Desiree.

Namumutla din sina Loki. After kasi nila sabihin sa parents nila ang about sa plano nila at kay Desiree hindi na sila inimikan ng mga ito.

"Dad, please— hindi namin hihiwalayan si Desiree," panimula ni Loki. Napatigil ang parents nina Loki at napatingin sa tatlo. Napalunok sina Tiago.

"Daddy— magpapari na lang talaga kami kapag hindi ka pumayag pakasalan namin si Desiree," ani ni Tiago. Lumingon si Azure.

"Tatanggapin ba tayo doon?" tanong ni Azure at tiningnan si Tiago. Siniko ni Tiago ang kapatid at bumulong na kailangan nila makumbinsi na pumayag na sa relasyon nila ni Desiree.

"Daddy! Kapag hindi ka pumayag na pakasalan namin si Desiree ilalabas ko iyong mga picture niyo ni papa na nagma-make out—"

Sabay na tinakpan ni Loki at Tiago ang bibig ng kapatid na si Azure. Napasapo si Desiree sa noon. Nagtatawa naman ang mga kapatid nina Desiree sa kabilang bahagi ng living room.

"Paalala mo sa akin mamaya na i-grounded ang tatlong iyan honey," pokerface na sambit ng isa sa dalawang ama nina Azure na nasa sofa.

"Kayong dalawa tigilan niyo na pananakot sa mga bata. Tama na acting niyo na para bang wala kayong alam," ani ni Paris at tiningnan ang mag-asawa. Natawa ang ama ni Loki at sinabing kahit kailan kj si Paris.

Napatigil si Desiree at tinanong kung anong nangyayari. Bigla kasing nagbago ang atmosphere.

"Investor ako sa isa sa mga business na pinatayo ng mga Lucero sa ibang bansa. Classmate ko din noong college itong si River," ani ni Paris na ang tinutukoy  ay iyong guy na may pagka-bad boy ang dating at tinatawag na papa nina Azure.

Na-shocked sina Desiree matapos marinig iyon. Napa-what sina Loki. Sobrang kaba pa naman nila akala nila walang alam ang parents nila.

"Hindi naman na ako nagugulat na nasungkit nitong anak mo ang mga anak ko. Ikaw pala ang magulang," ani ni Jayson Lucero ang kasalukuyang head family ng mga Lucero. Napa-pokerface si Paris at sinabing hindi niya kasalanan na malakas ang karisma nilang mga Rivas.

Hinampas ni River ang braso ng asawa. Tumawa ang lalaki at sinabing actually they don't mind kung anong klaseng relationship ang nais ng anak nila at suportado silang mag-asawa.

"Pinakakakaba lang talaga namin kayo since mukhang wala talaga kayong balak sabihin sa amin ang relationship niyo," ani ni River. Ngumiwi si Loki at sinabing wala silang balak itago iyon. Naghahanap lang talaga sila ng tiyempo.

Tumayo si River at lumapit kay Desiree na nakatayo sa gilid ng sofa kung nasaan ang parents niya. Hinawakan ni River ang kamay ni Desiree.

"Welcome to my family, Desiree. Mabubuting bata ang mga anak ko madalas lang talaga may sapak sa ulo katulad ng ama nila," ani ni River. Napa-what ang asawa ng lalaki. Napangiti si Desiree at nagpasalamat sa ama nina Loki.

Niyakap ng lalaki si Desiree. Niyakap din ng babae ang lalaki. Agad na gumaan ang loob ni Desiree matapos marinig iyon at nakitang tanggap siya ng pamilya nina Loki. Hindi lang iyon nakaka-get along din ng mga parents niya ang parents nina Loki.

"About doon— inayos na namin iyon. Na-kick out sa school iyong mga nam-bully kina Loki. Hindi pumayag itong husband ko na hindi sila mapaalis ng school lalo na muntikan na ikamatay iyon ni Loki," ani ni Dahlia at hinawakan ang braso ni Jackson. Pinag-usapan nila ang about sa issue na iyon pati na din iyong ginawang gulo ni Desiree.

"Papa, hindi namin alam na naging ka-schoolmate mo si tita Paris," ani ni Tiago. Nagulat talaga sila. Katabi nina Loki ngayon ang parents nila habang si Desiree ay nakaupo sa arm rest ng sofa kung nasaan ang parents niya.

"Last year ko lang din nalaman na magkasosyo sa work si Jayson at si Paris. Napagselosan ko pa nga si Paris dahil laging bukambibig nitong daddy niyo si Paris like lagi daw silang nag-aaway na dalawa," ani ni River. Napairap si Paris. Natawa si Jackson.

"Yeah laging sinusumbong sa akin ni Paris iyang asawa mo. Hindi sila magkasundo sa area, share at sa profit," ani ni Jackson.

Ayon nga hanggang sa napunta ang usapan sa business tapos nagkaayaan mag-inuman.

Napabuga na lang ng hangin sina Desiree at sina Loki matapos makitang okay na ang family nila at na-out of place sila.

Niyaya ni Desiree sa pool area sina Loki at doon tumambay. Sinabi ni Desiree na ang cool ng daddy nina Loki which is si River.

"Para siyang guy version nina mommy," ani ni Desiree habang nakaupo sa gutter. Sinabi ni Azure na mabait ang papa nila.

"Sure kami na matatanggap ka ni papa hindi lang kami sigurado kay daddy kasi may pagka-strict talaga iyon tapos laging kontra sa amin pero siyempre kahit ayawan ka ni daddy malakas kapit namin kay papa. Laging support si papa sa amin at spoild kami doon," natutuwa na sambit ni Tiago. Napangiti si Desiree at sinabing halatang gustong-gusto ni Desiree ang papa nila.

"Mas ramdam kasi namin iyong warm ng isang parents sa kaniya compare sa real parents namin," ani ni Loki na nakaupo sa tabi ni Desiree. Napalingon si Desiree kay Loki. Bumakas ang lungkot sa mukha ni Loki at bahagyang bumigat ang atmosphere.

"Maari ko bang malaman kung anong nangyari?  Nasaan ang mommy mo tapos iyong about sa inyo ng twin brother ko. Maari ko bang malaman?"

Hopelessly, Devoted To YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя