32

564 16 0
                                    

Chapter 32
3rd Person's POV
Walang saplot si Desiree na lumabas ng bathroom habang pinupunasan ang sariling huhok.

Narinig niya tumutunog ang phone niya at kinuha niya iyon. Nakita niya ang name ni Azure sa screen. Ini-invite siya ng video call. Agad niya na sinagot iyon at nakita niya iyong tatlo.

Nabitawan ni Azure iyong phone matapos siya makita. Natawa si Desiree at binagsak ang katawan sa kama.

"Kailangan ba nakahubad ka na sumagot ng tawag. Nanadya ka yata," ani ni Tiago. Natawa si Desiree at sinabing katatapos niya lang maligo.

Mukhang kararating lang nina Loki dahil naka-uniform pa ang mga ito. Nakita niya na may binubuksan si Loki na box ng pizza.

"Matulog ka na after mo magbihis at magpatuyo ng buhok. Tulog na din kami after namin kumain at mag-shower," ani ni Loki matapos kumuha ng slice ng pizza.

"Okay goodnight. Kita na lang ulit bukas," ani ni Desiree. Kumaway sina Azure. Nag-flying kiss si Azure at umakto pa si Desiree na sinalo iyon. Nailing na lang sina Loki at Tiago matapos makitang nagkakatuwaan ang dalawa.

Noong mamatay ang tawag sinabi ni Tiago na mauna na siya maligo. Tirahan siya ng pagkain.

Naiwan sa living room sina Azure at Loki na kumakain ng pizza. Nag-uusap silang dalawa about sa training nang biglang may nag-doorbell.

Tumayo si Azure at sinabing siya na magbubukas ng pinto.

"Baka si papa ito," ani ni Azure. Naglakad ang lalaki palapit sa pinto ng unit. Binuksan niya iyon at nagtaka siya matapos makitang walang tao.

Napatigil si Azure matapos may makitang kahon. Nagtaka si Azure. Kinuha niya iyon at tiningnan kung may name.

"Azure, si papa ba iyan?" tanong ni Loki. Lumingon si Azure at sinabing may kahon siya nakita doon. Sinara ni Azure ang pinto habang dala ang kahon.

Kinabukasan,
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Loki?"

Hindi nagsasalita sina Loki. Napakamot sa ulo ang leader ng grupo. Nakarinig sila ng tawanan hindi sa kalayuan.

Napatingjn ang leader. Nakita niya ang kabilang grupo. Nililinis na lang nila iyon ngunit in some reason distracted sina Loki.

"Loki?"

Napatingin ang dalawa. Dumating si Desiree kasunod si Azure na may pag-aalala sa mukha.

"Magpahinga na muna kayong dalawa. Bumalik kayo kapag okay na kayo," ani ng leader at mahinang hinampas ang likod ni Tiago.

Wala naman problema ang leader nina Tiago kina Tiago at Loki. Talent ng mga ito ang pagsasayaw— nagkataon lang siguro na may mga problema ito at distracted. As long as maayos iyon ng dalawa walang magiging problema.

Aalis si Uriel ang president para kausapin si Vincent na kasalukuyang masama ang tingin sa kabilang grupo na mukhang maraming time para panoorin sila at gawing katatawanan.

"Uriel, tama? Pwede ko ba kayo makausap?"

Napatigil si Uriel then napatingin si Vincent. Nakita na si Desiree na salubong ang kilay at nakatingin sa kanilang dalawa.

Nakatingin si Azure kay Desiree na kausap ang president at vice president ng grupo.

May mga sinasabi ang president. Maya-maya lumingon si Desiree sa kanila.

Matapos mag-usap ang tatlo bumalik na si Desiree. Tinanong ni Loki kung anong sinabi ni Desiree sa president nila.

"Nothing, may kinukumpirma lang ako," sagot ni Desiree. Tumingin si Desiree sa kabilang side kung saan nakita niya iyong grupuhan na pinagtatawanan sina Loki. May isa doon na babae— nagtama ang mata nilang dalawa at nakita niya pa na ngumisi ang babae.

Nawala ang ngisi sa labi ng babae matapos siya ngisian ni Desiree at tumalikod. Sinundan si Desiree nina Loki paalis doon.

Dumilim ang mukha ng babae matapos makita kung paano hawakan ni Desiree ang bewang ni Tiago.

Tumungo sila sa cafeteria. Sinabi nina Loki na ayaw nila kumain. Wala sa mood si Loki at Tiago.

Naiinis si Desiree ngunit pilit niya na kinalma ang sarili. Gamit ang daliri naputol ni Desiree ang bakal na kutsara. Nawalan ng kulay ang mukha nina Tiago.

"Baka gusto niyo i-explain bakit ayaw niyo kumain. Sa pagkakatanda ko sinabi ni Azure na mula kagabi hindi kayo kumain," ani ni Desiree na may ngiti sa labi.

"Ka—kakain kami. Nagutom ako bigla," ani ni Tiago na bahagyang nag-panic.  Kumuha siya ng kutsara at kinuha din iyong pagkain na inabot sa kaniya ni Desiree.

Sumubo si Tiago. Dinampot ni Loki ang kutsara at inilagay sa plato. Napatigil ang dalawa matapos mag-iba ang tiyura ng pagkain sa harap nila.

Nabitawan ni Loki ang kutsara. Napatakbo palabas si Tiago at nagsuka ito. Napatigil si Desiree at napamura. Bigla kasing pinagpawisan si Loki.

Napatayo si Desiree. Hindi niya alam kung sino ang lalapitan sa dalawa para pakalmahin. Tumakbo palabas si Azure para puntahan si Tiago. Nilapitan ni Desiree si Loki— nagulat si Loki at napatayo. Natabig ni Loki ang kamay ni Desiree noong tangkain siya ni Desiree hawakan.

Imbis pagkairita ay nakaramdam si Desiree ng pag-aalala. Natatakot si Loki.

Lumapit si Azure kay Desiree sinabing uuwi na muna sila. Iuuwi na muna niya ang mga kapatid niya.

Tinanong ni Desiree kung kailangan ni Azure ng driver. Kokontakin niya si Adonis.

"Sinabi ni Tiago kanina na tinawagan niya na si papa. Papunta na sila dito para sunduin kami. Kontakin kita mamaya," ani ni Azure. Hinalikan niya sa labi si Desiree at inaya na si Loki paalis. Walang iniwan na salita si Loki. Hindi alam ni Desiree kung imahinasyon niya lang ngunit parang nag-ibang tao siya sa paningin ni Loki.

Iyong araw na iyon ang last na nakita ni Desiree ang mga Lucero pagkatapos ng araw na iyon. Hindi na din niya nakontak si Azure pagkatapos nito sabihin na nag-aaway ang parents niya.

"Desiree? Anong problema?"

Napatigil si Desiree at napaangat ng tingin. Nakita niya ang kakambal. Sinabi ni Desiree na wala at nagpatuloy sa ginagawang paglalaro niya sa phone. Iyon lang ginagawa niya pamalipas oras.

"Huwag mo ako lokohin. Kakambal mo ako," ani ni Jasper. Napatigil si Desiree then naibaba ang phone. Nahawakan ni Desiree ang ulo at sinabing ilang araw na hindi napasok mga boyfriend niya.

Kinuwento ni Desiree ang nangyari sa school. Sinabi ni Desiree na nag-aalala siya.

"Hindi ko ba nasabi sa iyo na may something na psychological problema sina Loki cause ng childhood trauma nila?" tanong ni Jasper. Napatigil si Desiree at napalingon sa kapatid na umupo sa tabi niya.

"Hindi ko alam ang ibang details ngunit may time na nagkaganoon sila. Almost 1 year din sila nawala 'non. Sinabi sa akin  ni Azure na may sakit si Loki at Tiago— pinaka-wierd doon takot sila sa mga babaeng mahaba ang buhok simula pa noong bata sila," ani ni Jasper. Nahawakan ni Desiree ang braso at tinanong kung may alam ba doon ang mommy nila— about sa mga Lucero.

"I think meron. Si mommy Paris nagsabi sa akin 'non noong nagkwento ako about kina Loki."

Hopelessly, Devoted To YouWhere stories live. Discover now