23 • The Past

6 0 0
                                    

VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED

Enjoy reading, ka-cutiiesss...


Three Years Ago...

"Hoy, Summer! Tawag ka ni Tj!" Nilingon ko ang aking kaibigan na nakatayo sa bandang likuran ko. May hawak ito na bubble gum at binabalatan ayon.

"Sabihin mo sa kanya na huwag niya ako matawag-tawag. Nakakainis na ang mukha niya." Singhal ko dito.

"Naku, iba pa naman magalit yang si Tj. Nambabalibang yan." Pananakot pa ng isa sa kasamahan namin.

"Wala akong panahon sa kagaya niya. Mabuti nga't hindi ko pa siya sinasagot. Mabuti na rin at nalaman ko ang tunay na ugali niyan. Wala pa ngang kami, manloloko na agad. What if kung sinagot ko agad siya? Edi baka ngayon naglulupasay pa ako dahil sa nangyari." Mahabang paliwanag ko.

Tumawa naman ang mga kaibigan ko sa sinabi ko. Binitbit ko ang aking gamit at humigop pang muli ng isa sa juice na nasa table. Sayang kasi.

"Tara na, Sunny. Tsaka huwag mo na nga pagpapansinin 'yang si Tj." Angil ko at inialangkala ko ang aking kamay sa braso ni Sunny.

"Ayoko kasi ng kinukulit ako. Nakakasura na kaya ang mukha!" Giit pa ng kaibigan ko.

"Ah basta, kapag nakita mo siya lumayo ka na agad. Baka ikaw pa ang patulan noon ay iba ang ugali noon." Paalala ko dito at tumango naman ng si Sunny ng bahagya.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay agad akong naupo sa maliit naming sofa. "Aba andyan ka na pala. Kumain ka na." Napangiti ako ng makita si Tita Talia. We're not blood related, kinupkop niya ako mula sa bahay ampunan at itinurin ko na rin siyang ina. Hindi siya nagkulang sa akin at itinuring rin niya ako na parang isang tunay na anak.

"Tapos na po kayo mag benta ng kakanin?" Pagkuway tanong ko bago tumayo at naglakad palapit dito.

"Oo, may pumakyaw ng paninda ko upang ibigay sa mga squatters doon sa kanto." Tumango ako. Marahil ay may kaya sa buhay ang naka pakyaw ng paninda nito.

"Mabuti naman po kung ganon, ma. Maaga din kayo makakapagpahinga."

Hinayinan ako ni Tita Talia sa hapag, masarap magluto si Tita Talia kaya basta usapang pagkain ay wala akong inaayawan sa mga luto niya.

Habang masaya kami na kumakain ay isang malakas na lagabog naman ang narinig namin mula sa labas ng pintuan. Kinakabahan man ay hindi ako hinayaan ni Tita Talia na makalapit sa pintuan at siya na ang tumingin kung sino ang nasa labas.

"Tj, gabi na anong ginagawa mo dito?" Narinig ko na sabi ni Tita Talia. Nagmamadali naman ako na tumayo at nagtungo kung saan nandon si Tita.

Nagulat pa ako ng puro pasa at galos ang mukha ni Tj, magulo ang damit at halos masira 'yon. Sumimoy pa ang matapang na alak na nag mumula sa kanya. He's wasted na akala mo'y pinabayaan. Magulo ang kanyang isponghado na buhok.

"Tj." Untag ko. Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tita Talia hold my hand at bahagya na pinisil.

"Talk to me, Summer. Why are you ignoring me?" Kinilabutan ako sa salita na kanyang binitawan. Pakiramdam ko ay may kaakibat 'yon na sakit at galit.

"Hindi pa ba sapat sayo ang saktan ako? Hindi pa nga tayo pero nakita ko na ang tunay na ikaw. Hindi ko 'yon nagustuhan. Pinapatigil na kita sa panliligaw." Mahinahon na paliwanag ko at hindi ipinakita ang kaba.

"Ayon naman pala eh, tsaka ano ka bang bata ka? Nakapunta ka talaga dito ng ganyan ang itsura mo." Pinisil ko ang kamay ni Tita Talia dahil sa sinabi nito.

Baka kasi uminit ang ulo ni Tj and knowing Tj, sadyang mainitin agad ang ulo. Mabilis magalit.

"You.shut.up!" Nagulat ako ng duruin nito si Tita Talia. Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa at masama na tiningnan si Tj.

"Aba ang bata na ito, bastos!" Nilingon ko si Tita Talia at bahagyang umiling upang patigilin siya sa pagsasalita. "Dapat nga lang na hindi ka niya sagutin." Napapikit ako ng mariin bago binalingan si Tj na ngayo'y namumula ang mga mata sa galit.

I didn't expect na gagawin ni Tj ang manakit, huli na ng mapigilan ko ito at agad niyang nahagip si Tita Talia sa leeg niya. Pwersa niya itong sinakal hanggang sa tumama ang likod ni Tita Talia sa pader.

Napansin ko rin na nahihirapan na si Tita Talia kaya agad ako kumuha ng kahoy na pang gatong upang hampasin si Tj at tinamaan ito sa batok niya dahilan upang mapadaing siya sa sakit at mabitawan si Tita Talia na ngayon ay nakasalampak sa sahig.

"Ma!" I shouted at agad na dinaluhan ito. Hawak ni Tita Talia ang kanyang dibdib habang hinahabol ang hininga.

"Tj, help me! Bakit mo 'yon ginawa!" Sigaw ko. Ngunit nakangisi lamang ito na akala mo'y demonyo ito.

"Tj ano ba—" Naputol ang sasabihin ko at napalitan 'yon ng isang malakas na hiyaw. "Tulong, tulong!" Sigaw ko sa abot ng makakaya ko. Tj pulled my hair at inilayo ako kay Tita Talia.

Wala akong magawa. "Tj, please help Tita Talia. Baka mapano siya. May sakit siyang hika at may butas ang puso niya!" Nagmamakaawa ko na sabi.

Ipinasok ako ni Tj sa kwarto habang tanaw ko mula sa pintuan si Tita Talia. Nakaangat ang kamay na akala mo'y gusto niya akong abutin ngunit hindi niya magawa. Hinahabol pa rin nito ang sarili niyang hininga habang unti-unti na nanghihina.

Pabagsak ako na inihiga ni Tj sa kama, mabilis akong umiling sa kanya. "Tj please huwag mong gawin 'to. Alam ko na may kabaitan ka na itinatago d'yan sa puso mo. Huwag mo gawin 'to. Help her, please." Pag susumama ko, nagbabaka sakali na pakinggang niya ako ngunit ganon na lang ang gulat ko ng pwersahan niya akong pinaikot at pinatuwad sa kama.

Nakadapa ako sa kama habang ang paa ay nasa baba ng sahig. Iyak lang ako ng iyak. Tiningnan ko lang si Tita Talia na ngayon ay nakapikit na ang mga mata.

Sumigaw lang ako ng sumigaw hanggang sa punitin ni Tj ang aking pang ibaba at doon nawalan na ako ng lakas. Na parang lahat ay nawalan na ng kulay ang nasa paligid ko at nawalan na ng pag asa na makaligtas.

But then, someone came para iligtas ako. Ngunit hindi na nailigtas si Tita Talia. Hindi ko na siya nagawang iligtas.

That night is a nightmare, a tragic one. Kaya kung maari ay ayaw na niyang lumapit kay Tj. She decide to move in Sunny's apartment, kaya mas lalo silang naging close ni Sunny that time.

"Thank you for saving me that night." Naramdaman ko ang paghalik ni Thunder sa tuktok ng ulo ko. Sinubukan ko i kwento lahat and I did.

"Don't thank me dahil hindi ko nagawang iligtas ang Tita Talia mo."

"It's not your fault. Kung hindi ka dumating edi sana ako naman ang napahamak. Baka patay na rin—"

"Shh. Enough." Putol nito sa sasabihin ko at niyakap ako ng may katamtamang higpit. Mas isiniksik ko ang aking sarili sa kanya at dinama ang init ng katawan nito.

"I love you, Thun."

"I love you so much, Sum."

WS#1: Wife In A Contract | ON-GOINGWhere stories live. Discover now