37 ¤ Escaped

13 1 0
                                    

Nagising ako bandang alas-syete ng umaga. I do my morning routine and also checked my phone ngunit wala man lang reply mula kay Thunder. Hindi ko man lang din ito naramdaman o nakita sa loob ng room na tinuluyan namin. No sign of him, akala ko pa naman ay magkakausap kami but I’m wrong.

Walang tanda niya na siya ay umuwi rito kagabi.

Ano ba ang aasahan ko?

Marahil ay si Sunny na nga ang pinili nito at hindi ako. Sa isipin na ‘yon ay gusto kong tampalin ang aking bibig. Bakit ko nga ba sinabi ang bagay na ‘yon?

No doubt, na pipiliin niya talaga ang kaibigan  ko dahil magpapakasal sila. Samantalang ang kagaya ko na kasal lamang sa papel ay maghahangad pa ng mas higit doon. Hindi man lang sumagi sa isip ko noon na kaya ako na sa posisyon na ito dahil  lamang sa isang kasunduan, ‘yon lang at wala ng iba and after that papakawalan na niya ako kapag nakuha na niya ang mana nito.

Ilang minuto akong nag-isip kong tama ba ang gagawin ko ngunit dinala na sadya ako ng mga paa ko sa harap ng pintuan na siyang tinuluyan ni Sunny. She said it’s room 364.

Inayos ko ang aking pantulog na suot. Lumingon pa ako sa kaliwa’t kanan animo’y may binabalak akong masama ngunit hindi. Sadyang kabado lang ako, kabado sa maaring maging reaksyon nito.

Huminga ako ng malalim bago kumatok. Hindi ako mapapanatag kong hindi ko makakausap si Sunny about dito.

Pinihit ko ang knob and  it’s open. Hindi  naka-lock ang pinto noon at pumasok na ako sa loob.

“Sunny?” Tawag ko ngunit wala namang sumasagot.

Napakalinis ng loob at akala mo’y walang Sunny ang nag check-in dito.

I heard someone giggled, akala mo’y may kumikiliti dito. Marahil ay may kasama si Sunny or what kaya naglakad ako patungo sa tapat ng pinto at kinabig ang knob noon.

“Napakaaga pa, Der!” Napako ako sa aking kinatatayuan yet nagawa ko pa na isilip ang aking mga mata sa nakaawang na pintuan.

“Please,”

“May mamaya pa’ng gabi.”

“I want you now.” Napalunok ako, nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak pa rin sa knob ng pinto.

“I need to keep her, you know that. Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko till now dahil wala pa’ng tatlong taon. Hindi pa rin naiisilang ang bata na ‘yon—”

Napatakip ako sa sariling bibig, someone grabbed my hand at iniharap sa kanya.

“Look at me, Summer. Hmm.” Hindi ko siya sinunod.

Hindi pa naiisilang ang bata na ‘yon. Paulit na nag echoe sa tainga ko ang salita na narinig mula kay Thunder.

Mabilis ko na niyakap si Cloud at ramdam ko ang pagtulak nito sa pintuan.

“You don’t need her.” I heard him say.

Iniakbay ni Cloud ang kanyang braso sa aking balikat at inalalayan ako nito na makalayo. Makalayo kung nasaan ang kulog at araw.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo d’on?” Hindi ko nilingon ito. Parang napipi ako, hindi ko sila nakita na ginagawa ang bagay na ‘yon pero sobrang sakit. Masakit na ginagawa nila ang gan’on habang nakatalikod ako.

Natural, mabubuntis ba si Sunny kong hindi nila gagawin ang gano’ng bagay?

“Let’s get out of here.” Nagpatianod ako habang marahan na hila-hila ni Cloud ang aking kanan na kamay. Iginaya niya ako pasakay sa passenger seats at umukot ito bago binuksan ang engine ng kanyang sasakyan. Nilisan namin ang Ilocos ng hindi man lang kami nakakapag usap ni Thunder.

“Give me your phone.” Napalingon ako kay Cloud, nakatuon ang kanyang mga mata sa daan ngunit nakalahat ang kanan niyang kamay.

Hindi naman ako nag alinlangan na iabot ‘yon sa kanya ngunit nawala panandalian ang nasa isip ko ng buksan niya ang bintana sa tapat niya at itinapon mula roon ang aking cell phone.

“Cloud! Why did you do that?” Naiinis na tanong ko at pinahid ang aking luha.

“I will buy you a new one.”

“No! Itigil mo ang sasakyan!” Hinawakan ko ito sa kanyang braso at pinigilan. “Stop the car, Cloud! Right now!” Sigaw ko ngunit gan’on na lang ang gulat ko ng igilid niya ang sasakyan at huminto. Malalim ang kanyang paghinga at parang anytime ay sasabog na ito sa galit na parang bulkan.

“I will buy you a new phone, okay!” Hindi ako nakaimik ng sumigaw ito. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko dahil sa sigaw na ‘yon.

Nakita ko ang pagdaan ng awa, sakit at takot sa mga mata niya at malamlam na ito ngayon na nakatingin sa akin.

“Come with me, Summer. Let’s live together, malayo rito.” Napaiwas ako ng tingin.

“Why are you doing this? Ako lang ang aalis Cloud, ‘yon ang na sa plano. Hindi pwede ang sinasabi—”

“Sinong may sabi? He’s hurting you, he doesn’t deserve you. He doesn’t deserve your love and the child Summer.”

“He’s your cousin, Cloud. I can’t be with you.”
“Yes, you can. I’ll promise, hindi kita sasaktan tulad ng ginawa niya sa’yo.” Nilingon ko siya. Nilingon ko si Cloud at sinuri ang kabuuan ng mukha niya.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ayon. I stopped at makahulugan niya akong tiningnan.

“I love you, Sum. Akala ko wala lang ito, pero kapag lalo kitang hinahayaan sa gag* na ‘yon, mas lalo kong napapatunayan na hindi pala dapat hayaan na lang.”

“But—”

Pinigilan ako ni Cloud na magsalita gamit ang kanyang hintuturo.

“Just let me, hayaan mo ako na panindigan ka Sum, wala akong hinihingi na kapalit. Ginusto ko ito, ginusto ko dahil mahal kita.” Pahina ng pahina ang salita na binibitiwan ni Cloud.

I closed my eyes when his lips touched my cheeks. “I’m sorry, I know it’s sound selfish pero handa akong magpakaama sa bata na dinadala mo.”

Hearing those words from him, gusto kong tumanggi.

Ayokong sumugal, is this worth it? Malayong-malayo si Cloud kay Thunder, may pakialam ito sa akin at sa bata. Handa siya na panindigan ako kami ng anak ko kahit hindi naman niya sariling dugo ang dumadaloy sa bata na nasa sinapupunan ko.

But if this is the right thing to do, hindi ko tatanggihan ang kagaya ni Cloud. Even if he is Thunder’s cousin, alam ko na hindi sila magkatulad.

At ang pagmamahal nito ang panghahapan ko upang makatakas at maka-survive sa gulo ng buhay ko na ito.

“Okay, I’ll go with you.” A soft smile escaped to Cloud’s lips.

WS#1: Wife In A Contract | ON-GOINGWhere stories live. Discover now