21. EXORCISM II

2.3K 137 9
                                    

           "EXORCISM II"

Napangiti si Grimm nang hindi na maglaho ang mga kadenang napalabas niya. Tumayo siya at sinubukan niya iyong kontrolin. Inihagis niya iyon sa ere at umayon naman iyon sa gusto niyang direksyon kung saan niya iyon inihagis. Inisip niya na bahagi ng kanyang katawan ang mga kadena kaya nagawa niyang kontrolin ang mga iyon.

"Nagawa ko na po, Father!"

"Good. Mukhang hindi ka humihinto sa pagsasanay mo sa iyong kakayahan kaya madali lang para sa'yo na gamitin ang spell na inilagay ko sa iyong katawan. Ipagpatuloy mo iyan."

"Tsk! Salamat po. Nangako kasi ako na hindi na ako magiging mahina kagaya ng dati. Magpapalakas ako para maprotektahan ko ang mga taong pinapahalagahan ko. At para makatulong na rin sa iba."

"Maganda ang hangarin mo, Grimm. Dahil diyan ay mas lalo mong nakuha ang aking suporta." natutuwang wika ni Clemen.

Dahil sa katauhan ni Grimm ay para na tuloy siyang nagkaroon ng anak na lalaki. At dahil sa mga katangiang nakikita niya dito, naniniwala siya na hindi isang failure creation si Grimm. Pag-asa ang nakikita niya dito. Sabagay, ang mga demon sa impiyerno ay mga anghel pa rin na nanggaling sa langit kaya hindi na nakakapagtaka kung lumitaw ang isang katulad ni Grimm. Nilikha pa rin sila ng pagmamahal ng Panginoon. Bumuntung-hinga ng malalim si Grimm at napangalumbaba.

"Grabe, ginutom yata ako ng todo doon sa ginawa kong pagsasanay. Pakiramdam ko, nawala ang lahat ng kinain ko kaninang recess at pati ang energy ko, nahigop."

Hindi umimik si Clemen. Bagkus ay kinuha niya sa bag niya na nasa kanyang tabi ang sandwich na baon niya. Iniabot niya iyon kay Grimm.

"Ayan, pagtiyagaan mo na muna iyan."

Maang na napatingin si Grimm sa hawak ni Father Clemen na sandwich. Napatingin siya sa mukha nito.

"Akala ko ba nagugutom ka?" untag pa nito sa kanya.

"O-Oo nga po. Pero baon mo iyan eh. Paano kung kayo naman ang magutom mamaya kapag nagsagawa na kayo ng exorcism?"

Napangiti si Clemen.

"Minamaliit mo yata ang kakayahan ko bilang isang exorcist? Baka nakakalimutan mo kung sino ako?"

"Hindi naman po. Salamat."

Kinuha na ni Grimm ang sandwich at kinain niya iyon. Tahimik lang si Clemen. Samantala... Napahinto sa paglalakad sina Mikee at Rusty ng may nakita silang lalaki na nag-aabang sa kanila sa daan. Napaatras ng wala sa oras si Rusty ng makita niya ang nakangiting mukha ni Gaunt.

"May problema ba?" casual na tanong ni Mikee.

"Ahm, wala naman."

Lumapit sa kanila si Gaunt at pasimpleng nasapo ni Rusty ang kanyang dibdib.

"Kamusta? Matagal-tagal na rin ng huli tayong magkita." nakangiting bati ni Gaunt.

"Ayos lang... Bigla ka na namang sumulpot?" alanganing wika ni Rusty.

"Hmm... Ganoon lang talaga ako."

Bumaling ang tingin ni Gaunt sa kasama ni Rusty. Hindi niya maintindihan pero may kakaiba siyang naramdaman dito.

"Sino siya Rusty?"

"Ahm... Kaibigan ko, si Mikee. Kaklase ko siya. Siya nga pala, Mikee... Si Gaunt, kaibigan ko."

Nagkamay ang dalawa. Mabilis na binawi ni Gaunt ang kamay niya. Para kasi siyang napaso ng dumampi ang kamay niya sa kamay nito. May kakaiba nga talaga sa lalaking kasama ni Rusty. At ang features ng mukha nito, parang may naaalala siyang nabanggit ng kanyang ama na kamukha nito. Hindi lang niya matandaan kung sino iyon.

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now