10. "SEDUCTRESS II"

2.5K 151 7
                                    

 

 

 

       "SEDUCTRESS II"

 

Kanina pa walang imik si Grimm habang naglalakad sa loob ng yungib kasama si Clemen. Nagtitiim ang mga bagang nito at ang mga pula nitong mga mata... Nagbabago ng kulay, nagiging kakulay na ng yelo iyon. Isang mist ang unti-unting nabuo sa paligid ng katawan nito at lalong lumamig ang temperatura sa loob ng kuweba. Nagyelo ang tubig sa paligid.

"Grimm, huminahon ka. Utak ang pinapairal sa laban hindi ang galit. Sa tingin ko, mas makabubuti na ako na muna ang bahalang humarap sa Seductress Demon na iyon. Baka kasi mapahamak ka sa tindi ng emosyong nararamdaman mo. Madali kang mapaglalaruan niyan." puna ni Clemen.

Dumukot ito ng isang kaha ng sigarilyo sa bulsa at kumuha ng isang stick. Naglabas din ito ng lighter at sinindihan iyon. Nagsimula na itong manigarilyo at panay ang buga nito ng usok sa hangin. Nakasuot ng itim na slacks na pantalon si Clemen at puting polo.

"P-Pasensiya na po... Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit ng ganito kapag naalala ko ang kaibigan ko. Idinamay siya kahit na wala siyang kinalaman. N-Napakasama!"

Tumawa ng mahina si Clemen at natigilan naman ang binatilyo na napatingin dito.

"Ano pong nakakatawa?!"

"Demon ang kalaban natin kaya natural lang na napakasama niya. Sorry, no offense meant sa'yo."

Huminga ng malalim si Grimm para pakalmahin ang sarili. Dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya, hindi niya magawang mag-isip. Blangko ang nakikita niya sa utak niya. Ilang beses siyang huminga ng malalim pero hindi siya gaanong kumalma. Pareho silang natigilan ni Father Clemen ng salubungin sila ng mga brown na paru-paro na namumula ang mga mata. May mga kulay-pula din. Lumilipad-lipad ang mga ito sa paligid nila at tila pinapapunta sila sa isang lugar ng yungib. Hindi naman napigilan ni Grimm ang sarili, mabilis siyang kumuha ng isang paru-paro at unti-unti niya iyong ginawang yelo sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ay dinurog niya. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa kanyang ginawa dahil para na siyang nakaganti ng kaunti. Inulit niya ng marami ang kanyang ginawa at nagkukumpulan na sa sahig ng yungib ang mga paru-parong dinudurog niya. Napailing na lang si Clemen sa ginagawa ni Grimm.

Isang mabangong amoy ng rosas ang umalingasaw sa paligid. Nagbago ang anyo ng mga paru-paro... Naging makukulay na rosas ang mga iyon. Isang kurtinang gawa sa mga baging ang bumungad sa kanila. Nakarinig sila ng mahinang tawa ng isang babae. Mapaglaro at mapang-akit ang tawang iyon.

"Ako na muna ang bahala sa pakikipaglaro sa demon na ito. Ikaw, itago mo ang sarili mo at magmasid ka sa mga mangyayari. Dapat matuto ka sa mga makikita mo." nakangisi nitong wika.

"Wow... Makikita pala kitang magtrabaho."

"Tama. At dapat matuto ka."

"Opo!"

Tumango si Clemen at pagkatapos noon ay naglakad na ito papunta sa mga baging na kurtina. Hinawi nito ang mga iyon at pumasok na sa loob.

Samantala... Nakangiti na nagtinginan sina Ricky, Rodel at Reynaldo. Hindi nila akalain na madali nilang makikita ang halamang gamot para kay Salvador.

"Tara! Kumuha na tayo ng gamot ni Salv!" excited na wika ni Ricky.

"Okay!" excited din na sang-ayon nina Rodel at Reynaldo.

Unang humakbang palapit si Ricky papunta sa mga halaman pero natigilan ito ng biglang tumaas ang tubig hanggang sa may baywang. Pagkatapos noon ay nakarinig silang lahat ng tawa ng mga babae. Maraming babae. Unti-unting nabalot ng kulay-abong usok ang paligid. Naging alerto ang magkakaibigan. Mabilis na pinuntahan nina Rodel at Reynaldo si Ricky. Pinakiramdaman nila ang paligid. Nagulat sila ng unti-unting bumaba ang tubig, hanggang sa mawala. Ang mabatong sahig ng kuweba ay naging patag at malambot na damuhan.

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now