UNO - BIRTHDAY PLAN

4.4K 33 2
                                    


~•~•~


JASTINE MILES POV


"Aray!" Inis akong napabalikwas sa pagkaka-upo nang may bumato sa ulo ko na matigas na bagay.


"Gago ka talaga Jacob!" Singhal ko nang lingunin ko siya. Aligaga kong dinampot ang libro na binato niya sa'kin.


"Mas worried ka pa diyan kaysa sa ulo mo e' no?" Sikmat niya.


"Sa dinami dami mong pwedeng ibato sakin ito pa talaga?!"


Tangina batuhin niya na lahat 'wag lang 'tong pinakaiingat ingatan ko. Puno kasi ito ng mga kinolekta kong pictures na mga babaeng nakahubad. Makita lang ito nila Mama mayayari talaga ako. Pag-isipan pa ako ng masama, ang oa pa naman no'n.


"Magpasalamat ka na lang dahil ginising pa kita. Akala ko nga sinasapian ka na diyan. Panay ka kasi ungol. Mabuti na lang ako lang ang nakarinig at hindi si Mama Ola." Natatawa niyang sambit at mapang asar pa akong tiningnan na animo'y may iba pang pahitawig.


Gets ko din naman agad kung ano 'yon. Kung hindi niya pa ako ginising ay sana marami ng posisyon ang nagagawa ko. Paepal talaga ang kumag na 'to.


"oh? thank you ah, pero fuck you ka pa rin!" Tinaas ko ang mid finger at gigil na pinamukha sa kaniya.


Tumawa lang siya at umupo sa single sofa. Si Jacob ay step brother ko na kupal dahil mahilig mang asar. Nandito kami ngayon sa closed living room. Kanina pa ako nandito para magreview pero 'di ko inaasahan na makakatulog pa ako at dadalhin pa sa paraiso. Nabulabog lang.


"Bakit ka ba nandito?" Naiirita kong tanong. Nasira pa mood ko sa pang istorbo niya.


"Taray mo naman. Bukas na birthday mo ah? Anong balak mo?"


Umarko ang gilid ng labi ko sa tinanong niya. Ngayon ko lang din naalala na bukas na pala 'yon. Sa bilis ng panahon di ko na namamalayan yung petsa.


"As usual, nakahiga lang sa kama." Walang gana kong sagot.


"Wala ka na ba talagang social life? Ayaw mo ba lumabas minsan o humanap ng..." pambibitin niya pa sa ere.


"ng ano?"


Nag-aalangan siya sumagot. Humalukipkip ako at mataman itong tiningnan. Mukhang may ideya na ko kung ano 'yon.


"Babae." Sagot niya.


Sabi na nga ba.


Pilyo ako ngumiti dahil tama nga ako. Mga nginitian niya pa lang, alam ko na agad kahit 'di siya magsalita. 


"Alam ko naman feeling ng hindi nakakalasap ng langit at masakit 'yon sa pantog sa totoo lang. Kung gusto mo, pwede naman kita dalhin sa mga club na puro babae lang." Kumamot pa siya sa batok niya at nahihiyang tumingin sa'kin. "May alam ako kung saan."


Club? puro babae? Tangina baka puro matatanda naman 'yan.


"At bakit mo sinasabi sa'kin mga 'yan?" Takang tanong ko.


"hindi ba pwede? May hatdog din ba ang gusto mo?" bia niya na ikinangiwi ko agad.


"Iww!" Sikmat ko. Nakakapanindig balahibo. "Nakakapagtaka lang dahil first time mo lang ako rekomendahan ng ganyang bagay. Ikaw pa ba yan? O sinaniban ka lang ng masamang elemento?"


Tumawa siya ng nakakaloko. "Alam mo Jastine, naaawa lang ako sa'yo. Bente ka na bukas pero virgin pa 'yang alaga mo. Parati mo na lang kinakamay, ayaw mo bang iexplore 'yan? Baka mabaliw ka na diyan kung 'di mo pa yan nasusuot sa iba." Pabulong niya pang sabi at tumingin sa gilid kung may ibang nakarinig. 


And luckily, kaming dalawa lang ang nandito.


"Gusto mo pa talaga ako maging kanang kamay mo sa kahayupan mo e no?!"


"Concerned lang ako sa kalagayan mo. Alam ko naman na minemaintain mo ang grades mong uno. Obligasyon ng utak mo 'yon pero hindi ng titi mo sa baba." Udyok niya at tiningnan ang ibabang parte ko na ikinataas niya ng dalawang kilay niya.


Bibig talaga nito, walang preno. 


Sandali akong tumahimik. Kuha ko naman ang punto niya at matagal ko na rin naman gusto hindi ko lang magawa dahil masyado akong grade conscious at ayoko magkarecord ng mababang marka. Ewan ko ba kung bakit, noong bata naman ako puro palakol grades ko. Tyambahan pa kung maka 80. Tapos ngayong college, nagising na lang akong ganito.


Character development yarn.


"Kita mo na, agree siya sa'kin." dagdag niya pa.


"Pinagsasabi mo?" Yumuko ako at sumalubong sa'kin ang nagmamatapang kong ari na nakatayo. Ampuch— naka boxer shorts pa 'ko kaya halatang halata ang tower.


"Shit!" Agad kong tinakpan ang ari ko at nagmadali lumabas ng living room. Pinaulanan ko pa ng mura si Jacob bago lumabas dahil kundi sa kaniya 'di magiging angry bird 'to.













~•~•~

tbc...

ANG BIRDIE NI JASTINE Where stories live. Discover now