NUEVE - THE CHEERLEADER

2.7K 34 1
                                    





~•~•~




"Pinutukan mo ba?"


Excited na tanong ni Jacob matapos ikwento sa kaniya ang nangyari no'ng nakaraang gabi. Syempre hindi full detailed, kilig na kilig pa nga siya habang nagsasalita ako, umeut lang naman ako. Gago talaga.


"Eh ayon gusto niya e--"


"Yown!" Hindi na ako natapos nang pumalakpak pa na kala mo proud. "Ibang klase ka talaga step-sis! Hindi mo na pala kailangan ng tips ko e, mas walanghiya ka pa sa'kin. Konti pa papalitan mo na trono ko." Tumawa siya ng nakakaloko at siniko ako sa tagiliran.


Umingos ako, "Trono? Anong trono pinagsasabi mo diyan?"


"Ano pa ba, syempre maraming anak sa iba't ibang babae."


"Gago!" Hinampas ko siya sa balikat na ikinatawa niya lang. Lakas ng tama ampucha. "Isang babae pa lang naputukan ko ah, tyaka 'di pa nga sigurado na kaya ko makabuo ng bata."


Iling siyang natawa na hindi kumbinsido sa sinasabi ko.


"Pfft! Ayusin mo nga yung salita mo. Sabihin mo isa pa lang napuputukan mo SA NGAYON. Hindi mo alam baka mamaya o sa susunod na bukas baka may maputukan ka na naman."


"Pakyu!"


Inang bibig nito, parang kumain ng pwet ng manok sa sobrang daldal. Mabuti na lang dito niya ako kinulit sa kwarto habang nagbibihis at hindi sa labas dahil panigurado malalaman pa ni Mama.


Huminga ako ng malalim nang makita ko sa dresser ko ang isang balot ng harina na panggawa ko sana sa pancake mamaya.


Hmm, next time na lang ako magluto.


Tinapunan ko ng tingin si Jacob, "Pero oo. Ang totoo niyan may puputukan na ulit ako ngayon." 


Pilyang ngiti ang gumuhit sa labi niya nang sabihin ko 'yon. Gago, talagang tuwang tuwa na may maputukan ulit ako.


"Oh. Kaya pala todo porma ka ngayon. Sino naman 'yan? Bago mong nakilala sa club? Malaki ba ang dede---asdfgputanginah!"


Malakas pumutok ang isang balot ng harina sa kaniyang mukha. Nagsitalamsikan pa sa damit, sa sahig, pero mas napuruhan mukha niya. Bullseye!


Uubo-ubo niya akong pinagmumura at tumayo para pagpagan ang damit.


"Oh ayan. Sarap ba maputukan sa mukha?" Pangaasar kong puna sa kaniya. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko nang mapagmasdan buo niyang kalagayan, konti na lang ay pwede na siyang bansagan na snowman, harina version.

ANG BIRDIE NI JASTINE Where stories live. Discover now