TRES - THE CELEBRANT

2.7K 26 1
                                    


~•~•~




"Happy Birthday, Jastine!" Malugod akong niyakap ni Tito Josh na binawian ko rin ng mainit na yapos.


"Thank you po, Tito." bati ko nang makahiwalay na ako ng pagkakayakap sa kaniya. 


"Hays, kailan ko ba maririnig sa'yo ang Dad o papa." Kahit na natatawa ito sa sinabi niya ay mahihimigan sa boses nito ang lungkot.


Ngumiti lamang ako ng tahimik at iniyuko ang ulo bilang tugon. Hindi ako sanay na may matawag akong ibang papa o dad. Lalo na't lumaki na talaga akong walang tatay kaya parang ang akward na sa gulang kong 'to.


"Pero salamat din Iha, dahil tinanggap mo rin ako para sa Mama Ola mo." Sinsero niyang sambit at tinapik ang balikat ko.


"Pansin ko naman po kung gaano niyo kamahal si Mama at sana ay 'di mo siya saktan. Baka kasi pag sinaktan mo 'yon maghanap na lang ng ibang babae." pabiro ko pang sabi at aning na tumawa habang si Tito Josh ay parang nabigla pa sa sinabi ko. Luh? "Gagi, joke lang po 'yon, Tito." pagbawi ko sa sinabi at ilang siya na ngumiti bago kumamot ng ulo. 


Grabe... tunog seryoso ba 'yung pagkakasabi ko? Ang dali naman pala utuin nito.


 Pero kumsabagay, Ilang taon ko pa lang siya nakakasama at nasisiguro ko naman na mabuting partner at tatay si Tito Josh. Yung anak niya lang na si Jacob ang sinto-sinto. 


"Pangako, iha. Hinding hindi ko magagawang saktan si Enola. Simula kabataan namin ay minahal ko siya ng higit sa sarili ko, kaya asahan mo na aalalagaan at mamahalin ko kayo ni Enola." Matamis itong ngumiti sa akin at hinawakan ang ulo ko na tila'y ginawa pa akong tuta. Pansin ko pa sa mga mata niya ang pagkislap dahil sa tuwa.




~•~•~




"Ano bang susuotin ko?"


"Dress ba o mag wide leg pants na lang ako?"


Nahihirapan ako makapili ngayon sa dalawang hawak kong damit. 


Magpapakababae ba ako ngayon o magpakalalaki?


Maganda ba o pogi? Pero both naman ako e.


"Kahit ano na lang diyan, huhubarin mo rin naman 'yan mamaya." Biglang pasok ni Jacob sa loob ng kwarto ko.


"Amputa!-- bunganga mo. Baka may ibang makarinig sa'yo." Reklamo ko rito sabay bato ng plastic jar na kinuha ko sa side table at ang swerte ng kumag, nasalagan niya pa. Maloko pa itong natawa at pinatong sa dresser yung jar. 


Pag narinig talaga ni Mama na kumekerengkeng na ako baka putulin agad ang birdie ko.


"Anong naririnig kong mura na 'yan ah?" Nagecho pa ang boses ni Mama mula sa kusina hanggang dito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig 'yon.


Hay salamat, buti na lang at pagmumura ko lang ang narinig.


"Si Jacob kasi." inis kong sabi pero ang kumag tatawa-tawa lang.


"Bilisan mo na nga diyan. Magbibihis ka lang naman ng kahit anong damit ang tagal mo pa."


"Umalis ka na nga dito nang makapagbihis na ako." Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko at kaagad nilock ang pintuan. Tangina, nalimutan ko pala ilock ito. 


Buti na lang si Jacob ang pumasok at mabuti na lang din na naitabi ko na sa drawer yung tinanggal kong poster sa dingding. Kung hindi maaga ko talaga mamimeet si San Pedro pag nalaman to ni Mama. Kung sa langit ako mapupunta.


ANG BIRDIE NI JASTINE Where stories live. Discover now