Chapter 21; Confession

1 1 0
                                    

—KERA POV—

Nandito pa rin kami ngayon ni Kyro sa Garden habang naka upo. Ang fresh pala ng hangin dito minsan lang din kasi kami tumambay kasama 'yong dalawa kong friend. Ang tahimik lang ni Kyro noong binigay niya sa 'kin 'yong bouquet parang 'di na ito maka tingin ng diretsahan sa 'kin. Sinabi niya rin sa 'kin na mayro'n daw siyang sasabihin. Baka 'yong tungkol sa contest 'ata 'yong sasabihin buti nga may plano na siya eh, ako ito wala pa ring nabuo na decision.

Nilagay ko lang sa gilid ko 'yong bouquet.

“Nag recess ka na?” Sabay naming tanong.

‘Ano ba 'yan nakakahiya naman pag gano'n, sabay pa talaga.’ Pagsasalita ng utak ko.

“Already done,” sagot naman nito.

Ang chill ng boses niya parang hindi kinabahan.

“Ikaw?” Tanong naman nito habang naka tanaw sa malayo.

‘Parang ang layo ng iniisip nito.’

“Tapos na,” sagot ko naman dito habang naka tingin din sa malayo.

Mayro'n kasing malaking puno rito sa garden kung saan kami ngayon naka upo. napalibutan ito ng mga rosas at iba't ibang makukulay na bulaklak. Kaya perfect pag gusto mong mag relax sa mga study mo.

“'Yong tungkol pala sa paparating na Contest. Naka isip kana ba ng paraan?” Paninimula ko dito ang awkward kasi sa feeling ang tahimik niya parang ang layo ng iniisip.

‘Siguro iniisip nito kung ano 'yong gagawin namin sa Contest.’

“Hindi pa, I think much better na song na lang 'yong i-perform natin sa harap ng mga audience,” he said, tama nga naman 'yong naisip niya.

‘Ang tanong, ano namang kanta 'yong kakantahin namin. Ba't pa kasi kami pa 'yong napili ang dami namang student na maraming talent lalo na sa mga kaklase ko ba't ako pa talaga na walang kaalam-alam.’ Pagsisi ko sa sarili ko.

“Sige ako na lang bahala sa song maghahanap na lang ako, o 'di kaya magpapatulog na lang ako sa dalawa kong friend.” Marami kasing alam si Sabrina at Tanya pagdating sa song.

“Ok. Just tell me if you find a song, para masimulan na natin sa pagpractice,” sagot nito sa 'kin.

Napagplanohan ko naman na bumalik na sa school dahil mukhang wala na itong sasabihin.

Tumayo na ako sabay pagpag ng palda ko. Tumingin naman ito bigla sa 'kin. 'Di niya ata inasahan na tatayo ako.

“Babalik na pala ako sa school magsisimula na kasi 'yong klase natin mamaya. Salamat pala rito sa Bouquet.” Pagpapaalam ko rito.

Imbes na sagutin ako tumango lang ito.

Nagsimula na akong lumakad 'di pa ako nakalayo mula sa kinauupuan ko kanina bigla naman ako napahinto.

“Kera, I like you!” Sigaw ng isang lalaki na alam ko kung sinong boses na 'yon. Napahinto naman ako.

‘Takte! anong klasing guni guni 'yon?’ Bulong ko sa sarili ko at nagsimulang maglakad naka dalawang hakbang pa lang ako.

“Gusto kita!” Sigaw ulit nito na alam ko kung kaninong boses na 'yon at hindi na guni guni pa dahil subrang linaw na nito sa pandinig ko.

Parang na freeze ako sa kinatatayuan ko ngayon. Subrang bilis na rin ang tibok ng puso ko.

‘My ghad. Panaginip ba 'to ngayon? Kung oo sana hindi na ako magising.’ Pagsasalita ko na may kabang nararamdaman.

Dahan dahan naman akong humarap dito na may ngiting gumuhit sa mga labi. Pero ang totoo parang matutumba na ako dahil sa kabang naramdaman, parang nawala bigla ang mga iniisip ko kanina.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now