PART 42

274 12 0
                                    


...

"KUYA Zach!"

Lumamlam ang mga matang pinagmasdan ko si Zach na lumapit sa mga batang sumalubong sa kanya ng mahigpit na yakap na para bang miss na miss na nila ito.

"Hey, miss niyo agad ang pogi niyong kuya?" Biro naman nya.

Isa-isang niyakap at ginulo ang buhok ng halos sampung batang nakapalibot sa kanya. May paparating pa.

"Kakabisita ko pa lang sa inyo, nakaraang linggo, ah"

"Gusto ko po kasi namin kayong makita araw-araw!" Nakangusong segunda ng chinito at maputing bata na sa pagkakatanda ko ay si Kiko. Sinang-ayunan naman ito ng iba pa.

"Sensya na, kiddos. Naging busy kuya niyo. Saka baka maoverdose kayo sa kapogian ng kuya niyo kong lagi niyong araw-arawin, diba?" Pang uuto naman ng huli na ikinairap ko.

Nabura tuloy ang ngiti ko dahil umandar na naman ang kahanginan nito.

"Ano pong connect nun sa hitsura mo, kuya?" Inosente namang puna ng batang humaba na ang buhok pati bangs nito. Sa pagkakaalala ko lagi nitong tinatakpan sa bangs nito ang mukha na para bang laging nahihiya.

Ngayon kasi nakatirintas na ang buhok at maaliwalas na ang mukha.

Sandra..

Sa pagkakaalam ko ay yun ang pangalan niya. Buti natandaan ko pa lalo na't makakalimutin ako sa pangalan. Saka ngayon lang ulit ako nakabalik rito sa bahay-ampunan.

I heard Philly's giggle on my side. Amusement being gradually written all over his angelic face while watching the kids with Zach.

Oo nga pala, sinama ko na lang 'to dahil gusto ko ring mag enjoy sya  sa gaganaping anibersaryo rito sa bahay ampunan na kadalasang magaganap kada taon. Walang media. Wala ring masyado pang bisita dahil mamayang alas-singko pa magsisimula ang programa.

Kami lang ang nauna at sa pagkakaalam ko nga, ang mga bisita mamaya ay yung mga taong may mabubuti ring kalooban na nagdodonate at sumusuporta sa mga pangangailangan rito sa bahay-ampunan.

Nakahanda na nga ang mga disenyo sa may mini-stage doon, mga upuan at malawak na lamesang maraming nakahain na mga iba't ibang putahe.

Isa rin sa nagplano sa gaganapin ngayon at gumastos ay si Zach kasama ang mga kaibigan nito at kapatid na on the way na raw. May inaasikaso pa kasi sa hospital.

"How I wish, the father of my child just like him--- who loved kids."

Mapait na untag ni Philly habang wala sa sariling napatulala. Nagising tuloy ako mula sa malalim na pag iisip. Akmang magsasalita ako ng makarinig na lang ako ng tili.

"Ate.. Ate Philo?!" Boses iyun ni Kiko.

"L- Lady pretty monster!" Singhap ni Sandra at kumawala mula sa pagkakayakap kay Zach na laglag ang panga at literal na gulat na gulat.

"What the.. how come---"

"Hi, kids. Missed me?"

Umangat ang sulok ng labi ko nang sugurin nila ako ng yakap. Napaatrss tuloy si Philly sa gilid ko. "Woah! Y'all still not forgotten me, huh?"

"Ikaw po ang girlfriend ng kuya namin!"

"Teka, teka. Di ko pa sainyo naipakilala ang Ate Philo niyo, bat alam niyo na?" Nagtataka at napakamot sa batok na tanong ni Zach.

Tumikhim ako ng nagtatakang binalingan rin ako ng tingin ni Sandra. Tàktè, paano ko ba 'to ipaliwanag? Buti na lang nagsalita si Philly sa gilid ko na nakaramdam ata ng tensyon.

THAT ANNOYING GHOST Where stories live. Discover now