PART 50

211 16 4
                                    


...

LIVING life and fighting for it isn't easy as it seems. Challenges, uncertainties, and failures. It's full of risks, na minsan kahit walang kasiguraduhan ay kailangan mong sumugal sa mga bagay kahit na malugmok ka man at may masaktan.

But if you just strengthen your faith in god, and face those trials with persistence, braveness and determination, you will overcome it. Lahat ng pagod, sakit at sakripisyo ay masusuklian sa huli.

At kung tanungin niyo man ako kung may pinagsisihan ba ako sa mga nagawa kong desisyon?

Wala. Wala akong pinagsisihan. Dahil kung pinairal kopa ang pagkamakasarili ay baka wala ang dalawang anghel sa buhay ko.

Ini-ayos ko ang ilang tikas na buhok na tumabing sa kanyang maamong mukha.

"Mommy ganda, huh?"

Agad siyang kumandong sakin, hinawakan ang magkabilang pisngi ko sa maliit na mga kamay niya at pinatakan ako ng halik sa may panga ko, since hindi maabot ng labi labi nya ang aking pisngi.

" 'Cause you're so maganda po. Your short blonde hair and eyeglasses suits you well! Bagay na bagay to the highest level!" she giggles.

My lips parted, amusement written all over my face.

Jeez, tinuruan lang 'tong magtagalog ni Gamaliel-- nagconyo na.

"I'm fluttered, sweetheart. Pinalaki talaga kita ng mabuti. Di ka sinungaling, eh." Ngisi ko.

"Oh, Philo. Welcome home."

Mula sa kusina ay lumabas si Philly na may suot na apron. Mukhang kakagaling lang sa pagluluto. Nang makita nito si Dawn na nakakandong sa akin ay mabilis itong lumapit sa anak na babae.

"C'mon, baby. Your tita is tired, later ka nalang maglambing, okay? Saka where's your twin?"

Napatawa ako ng umiling-iling si Dawn at mas dumikit pa sa akin. "Mother, I miss mommy ganda! She's not here whole araw. And speaking of my brother, he's watching a videos of his idol all over again!"

Napameywang si Philly. "And since when did you start learning conyo language, Philoneia Dawn?"

"Hayaan mo na ang anak mo, Philly. Saan pa ba yan nagmana, edi sa ina."

Philly frowned at me. "Excuse me? I'm not conyo. Pero sa ganda rin ba? Nagmana sakin?"

"Ay hindi, teh. Nagmana kay Abadies." Pilosopo ko. Mas lalo lang syang sumimangot.

Mas naging matured si Philly mula nung nakarecover siya at bumawi sa mga bata. I'm glad, she's fully recovered now even though, through open heart surgery ang naging treatment niya. It was so risky yet the only way to help her survive.

Bumalik na rin ang lakas niya at di na sobrang payat. Seeing her kicking and alive is one of the miraculous happened. I really can't believe, she---we survived all those painful years passed by.

Napangiti na lang ako ng makombinsi ni Philly ang anak na kumalas sa akin at sumama sa kusina upang maghanda ng dinner.

Namana ni Dawn ang kulay hazel na mga mata ni Philly. Maging sa anggulo nga ng mukha eh---mula magandang mga mata na laging kumikislap, matangos na ilong, manipis na mga labi at curly na buhok.

Dahil para kaming pinagbiyak na bunga ni Philly ay natural na rin siguro minsan na mapagkamalan ng iba na anak ko ang mga pamangkin, sapagkat manang-mana rin ang mga ito sakin.

Gwapo at maganda. Ang hangin ba? Tss, walang may paki.

When I went to Dawn's twin bedroom, I saw the little boy sitting on the couch properly while seriously watching videos again on his mobile phone.

THAT ANNOYING GHOST Where stories live. Discover now