Chapter 1

5 1 0
                                    

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Masungit na tanong ng aking madrasta.

"Ayos na po ako." magalang kong sagot. Tumango sya at akmang lalabas na ng balingan nyang muli ako at masamang tinignan.

"Huwag mo nang uulitin ito." Banta nya na ikinatango ko nalang pagkatapos ay iniwan nya na ako sa aking silid. Napahiga nalang ako't napabuntong hininga.

"What now?" Tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko na alam kung anong nangyare pagkatapos akong naaksidente at bigla nalang nagising sa isang silid.

                                 Flashback

it was my friend’s birthday and I’m here at the bar where the party was held, I stopped dancing when one of my friends approached me and I frowned because she was holding my cell phone and then she gave it to me.

"Your mom is calling!" She said loudly, masyadong maingay dito sa bar kaya kailangan pang mag sigawan o bulungan kayo para marinig ang sinasabi.

Tumango ako at umalis sa gitna ng sayawan.
Ng hindi na masyadong maingay, sinagot kona ang tawag.

"Mom?" I said.

"Where are you?! it's midnight already! Umuwi kana!" She madly said.

"But mom—"

"No buts! Umuwi kana o pupunta pa kami dyan ng papa mo para sunduin ka?! You're being stubborn again!" Pagkatapos nyang sabihin ito ay pinatayan nya na agad ako ng tawag, I sighed.
Pumunta ako sa mga kaibigan ko at nagpaalam na, pero bago nila ako hinayaang umalis, pinainom pa nila ako ng ilang baso ng alak.

I was driving fast because I'm already drowsy and my vision is also a bit blurred because of alcohol.

I'm already in the middle of the high way when my mom called again. Fearing that they might pick me up, I immediately looked for my cellphone in the glove box, ng diko makapa ay tumingin na ako doon, kaagad akong napatingin sa harap ng marinig ko ang busina ng truck pero huli na para iliko ko ang aking sasakyan. Nakaramdam ako ng matinding hapdi sa aking noo at sa binti dahil sa pagkakabulusok ng sasakyan, bago ako mawalan ng malay o malagutan ng hininga, mahina kong narinig ang tunog ng ambulansya.

                         End of flashback

After that, I woke up in a room with the people that i don't know, nagtataka pa sila ng tanungin ko kung bakit ako naroon at kung sino sila na agad naman nilang sinagot.
So, I was in that room because they immediately found me dying in my room. I even asked why at ang sagot nila ay nilason ko raw ang aking sarili dahil sa nadatnan nila akong hawak ang isang bote at mabuting naagapan nila agad ako, na hindi ko sinang ayunan sa aking isip dahil huli na sila.
Ngayon ay kakagaling ko lang sa mang gagamot at medyo ayos naman na ako o ang katawan na ito.

Nalaman ko lang rin na isa akong prinsesa dahil iyon ang tawag nila sa akin, Princess Isabella Louisiana Griffins.

Bumangon ako sa pagkakahiga at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto, bed chambers, bathroom, chandelier, balcony, makalumang cabinet, mirror.
Humarap ako sa salamin at pinagkumpara ang totoo kong katawan sa katawan na ito.
Katamtaman lang ang katawan nito, makinis at maputi, her angelic face, thin kissable lips, pointed nose, mahabang pilik mata na kapareho sa totoo kong katawan, ang pinagkaiba lang, Her eyes are purple while mine are just a common, kailangan pang mag lagay ng contact lens para lang mas lalo gumanda ang kulay ng mga mata ko, samantalang sakanya ay natural na ang kulay and I'm wearing a simple medieval dress, A beautiful princess indeed.

Napatingin ako sa pinto ng aking silid dahil my biglang kumatok at bumukas ito. The maid entered, bumaling ang tingin ko sa kanyang dalang pagkain.

"Kumain na po kayo." Ani ng katulong, inilapag nya ito sa aking kama, lumapit ako at kinuha ang pagkaing dala nya pagkatapos ay nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain, the maid suddenly spoke, akala ko ay umalis na ito.

"Ang sabi po ng reyna ay ihanda mo na raw po ang iyong mga gamit para sa gaganaping auction bukas." Kunot noo akong bumaling sakanya.

"Auction?" Bakit kailangan kong ihanda mga gamit ko? Gamit ko ba ang ibebenta?

"Nakalimutan nyo rin po ba?" Tanong nito na agad kong ikinatango, napaniwala ko sila kanina na my amnesia ako.

"Ibinenta ka po ng reyna sa isang auction." Laglag ang panga ko sa sinabi nya at ng mag sink in saakin, kaagad kong inilapag ang tray ng pagkain sa aking gilid at tumayo atsaka hinawakan ang magkabilang balikat ng maid na ikinaatras nya.

"What?!" Sigaw kong tanong, sa panahon ngayon, hindi na kailangan ng puro o malalim na salita sa  tagalog dahil pwede rin namang mag salitang ng ingles, nalaman ko iyan nung nag salita ng ingles ang mang gagamot kanina.

Ang alam ko lang ay maagang namatay ang aking ina dahil sa malubha nitong sakit at nakapag pangasawa ulit ang aking ama, hindi maganda ang pakikitungo ng madrasta at ang kanyang tatlong anak saakin o kay isabella simula ng sumama ang aking ama kay ina sa kabilang buhay, hinahayaan ko lang raw na itrato ako ng masama kahit na ako ang totoong prinsesa dito sa kaharian. Iyan lang ang nalaman ko nung nagtanong ako sa mga maid kanina pero ang sinabi ng katulong na ibinenta ako ay hindi ko alam! Siraulo ba yung madrastang yun?!

"Bakit?? Bakit ako ibinenta ni ina?" Kahit papaano ay natatawag ko pa syang 'ina' pero gusto kong lumabas dito sa kwarto at sugurin sya. Siguro kaya nagawa ni isabella na lasunin ang sarili dahil ibinenta sya.

"Ang alam ko lang po ay nagkautang ng malaki ang reyna sa ibang kaharian at ng my umalok sakanya na kapag ibinenta nya sakanila ang isa sa mga prinsesa dito ay makakatanggap sya ng malaking halaga ng ginto." Uso pala utangan dito?

SOLD TO A VAMPIRE LORDWhere stories live. Discover now