Chapter 4- The Prophecy

5 1 0
                                    


Tahimik lang kami ditong kumakain habang patingin tingin ako sa gawi nya dahil magkatapat lang kami, nasa pinaka dulo sya ng mesa, ganon rin ako na nasa hulihan rin sa kabila, tanging ang mahabang lamesang ito ang nasa pagitan namin. Nakakailang sa sobrang tahimik, tanging ang kobyertos lang ang gumagawa ng ingay.

Naalala ko tuloy pagkalabas ko sa aking kwarto kanina at bago ako makarating dito sa hapag kainan, halos maligaw ako dito sa loob ng kastilo, kung hindi lang lumapit ang isang katulong para ituro saakin yung daan papunta dito ay baka matagalan pa ako lalo.

Tumikhim ako, kailangan ko ng magsalita dahil nakakailang talaga.

"Uhm, naalala ko lang yung sinabi mo saakin sa karwahe na bampira ka." Tumigil ito sa pagsubo ng kobyertos at naka kunot noong tumingin saakin, pinag lihi ba ito kay Adonis? nakakatulala ang sobrang kakisigan nito,

Lalo na ngayung wala ng harang ang kanyang mukha, kita kona ang mukha nyang pinag lihi kay adonis, pero aminin, ang hot nya sa kanyang suot ngayon na simpleng medieval, siguro ganyan palagi suot nya pag nasa loob ng kastilo lang sya.

Tumikhim ulit ako para hindi mapaos kapag nagsalita ako.

"Bakit sinabi mo saakin na bampira ka? I mean, hindi ba dapat mong itago ang totoo mong pagkatao?" Tanong ko.

Umiwas ako ng tingin dahil sa Nakakatakot nyang tingin saakin na sa palagay ko'y sinusuri nya ang expression ko.

"Bakit ko naman itatago sayo? Sinabi ko iyon para malaman mo kung anong nilalang ang makakasama mo sa kastilong ito." Wow nag tagalog ang loko.

Nakatulala lang ako dito sa aking silid habang nakahiga sa kama, pagkatapos nyang sabihin yun, hindi na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain na ganon rin ang ginawa nya hanggang sa matapos kami.

Napabangon ako sa pagkakahiga dahil nakalimutan kong tanongin sakanya kanina kung bakit nya ako binili!! Napabuntong hininga nalang ako't pabagsak na humiga ulit hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok.

Hinihikab pa ako habang pababa sa hagdanan, kakagising ko lang rin. Ng tanaw kona dito ang sala ay napatingin ako doon dahil sa lalaking nakatalikod na naka upo sa sofa kaharap si Vladimir, mukhang my pinag uusapan sila. Pagkababa ko ay narinig kona ang pinag uusapan nila na hindi ko maintindihan kung ano.

"Nasa sayo naman na ang isang pirasong papel at ang babaeng tinutukoy nito, Kailangan nalang natin hanapin ang libro ng propesiya para malaman na kung sino ang tinutukoy ng iyong mga magulang bago sila bawian ng buhay at kung anong kinalaman ng babae na nabasa mo sa kapirasong papel na ang pangalan ay Is-" Natigil ang pag uusap nila ng makarating ako doon na agad napansin ni Vladimir, napatingin ito saakin at bumaling rin ng tingin ang lalaking kausap nya.

Ng makita nya ako, kaagad syang tumayo at sa isang iglap lang ay nasa harapan kona sya, hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat sa ginawa nya ng hawakan nya ang dalawa kong kamay.

"Sya na ba ito?" Kumunot noo ako at naguguluhan sa sinabi nya na hawak parin ang dalawa kong kamay.

"Vladimir, sya naba itong babae na tinutukoy ng prope-" Hindi nya naituloy ang kanyang sinasabi dahil tumilapon ito palayo saakin at nabitawan nya na ang dalawa kong kamay.

Tumama ito sa pinto ng kastilo na gumawa ng malakas na ingay, habang ako ay laglag nanaman ang panga sa gulat, ng my humawak sa pulsuhan ko sabay hila papunta sa likod nya na parang pinoprotektahan ako.

"Don't touch her."


Vladimir's simple medieval.😍

😍

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOLD TO A VAMPIRE LORDWhere stories live. Discover now