Chapter 2- The auction

4 1 0
                                    


"Pero hindi ako bagay para ibenta!" Hindi nya ako tunay na anak pero hindi rin ako bagay! Hindi ko alam na ganito pala ang pag trato nya kay isabella, handa syang ibenta para lang sa mga utang nya.

"My paraan pa naman para mabayaran ang mga utang nya hindi ba? Hindi nya ako kailangang ibenta!" Mangiya ngiyak kong sabi, naiiyak ako dahil siguro sa nararamdaman kong awa kay Isabella, mas pinili nyang makasama ang kanyang ina at ama sa kabilang buhay dahil hindi nya na kinaya ang pag trato ng kanyang madrasta sakanya.

"Paumanhin prinsesa, wala na pong ibang paraan dahil tinanggap na ng reyna ang ginto at ginamit nya na ito." Napa atras ako't napaupo sa aking kama.

"Aalis na po ako, mag pahinga lang po kayo dyan pagkatapos mo pong ayusin ang mga gamit para bukas at pakiusap mahal na prinsesa, huwag ka po gagawa ng ikapapamak mo ulit." Paalam nya saakin bago kinuha ang tray na dala nya pagkatapos ay umalis na ng aking silid.

Bumuntong hininga ako't napahiga sa kama, Sa dinami daming pwedeng paglipatan ng kaluluwa ko, sa kawawang prinsesang ibinenta pa. Oh well, nangyare na, Ang tanging magagawa ko nalang ay huwag gayahin ang ginawa ni isabella sa sarili nya dahil hindi ko alam kung anong mangyayare saakin pag ginawa ko iyon, baka ito lang ang pagkakataon ko para ipagpatuloy ang buhay ko at sana ay mabait ang makakabili saakin bukas.

Gabi na ng dumating ulit ang maid para ibigay saakin ang tray ng pagkain, habang kumakain, nag tanong ako sa maid dahil nakakailang kung titignan nya lang ako't hihintaying matapos.

"Gabi ba gaganapin ang auction bukas?" I asked.

"Umaga po." Maiksing sagot nya kaya tumango ako.

Ng matapos akong kumain, napatingin ako sa dinner knife, tumikhim ako at inubos ang aking tubig, pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa katulong.

"Nauuhaw pa ako, paki lagyan ulit." Utos ko.

Tumango sya at lumabas na. Ng masigurong ako nalang ang nandito, kaagad kong kinuha ang dinner knife at itinago ito sa ilalim ng unan. Kung sakaling my gawin man ang makakabili saakin ay hindi ako magdadalawang isip na protektahan ang aking sarili laban sakanya.

Umayos ako ng upo ng bumalik na ang maid, dala dala ang basong my lamang tubig na. Uminom ako at ibinigay na sakanya ang tray.
Aalis na sana sya ng bumaling sya saaking naka kunot ang noon.

"Prinsesa, kinuha mo po ba ang dinner knife? Kulang po kase." Tanong nito na tinignan pa ang sahig na baka nahulog lang.

"Dinner knife?? Wala akong nakitang dinner knife dyan sa tray at hindi ko kinuha iyon, baka nakalimutan mong lagyan." Pag sisinungaling ko.

Kita ko pang nag isip sya o parang my inaalala bago tumingin saakin at tumango sabay ngiti.

"Nakalimutan ko nga ata po, sige po pahinga na po kayo, magandang gabi prinsesa." Uto uto.

Tumango ako "Magandang gabi rin."

Pagkaalis ng maid, nag tungo ako sa balkonahe para makalanghap ng sariwang hangin.
Mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang mataas na tarangkahan ng kastilo.

Sandali pa akong tumambay doon bago napag pasyang matulog.

KINABUKASAN maaga akong nagising at nag handa. Maaga rin kaming nag tungo sa lugar na kung saan gaganapin ang auction which even excites me because this is the first time I will ride in the carriage. Ilang minuto pa ay nakarating na kami.
Bago ako umalis ng silid kanina ay isinuot ko sa aking hita ang dinner knife na kaagad nilang nahanap dahil chinicheck muna nila ang mga pumapasok, Wala rin palang kwenta ang pag tatago ko non.
Bago ako tuluyang makapasok, napabaling pa ako ng tingin sa madrasta ko at sa kanyang tatlong anak na nakangising naka tingin saakin na ikinairap ko nalang, 'my araw rin kayo saakin'

Nandito na ako sa loob ng backstage at nakakulong sa malaking cage, like a bird cage, naka posas na nga ako sa pulsuhan, ikinulong pa ako, Para namang makakatakas ako.
Rinig na rinig ko dito ang ingay na nanggagaling sa labas, nag simula na siguro.

I'm wearing a white medieval simple dress at nakalugay lang ang mahaba hanggang bewang na my pagka wavy kong brown hair, kahit pala ibebenta na ako ay maganda parin ang suot ko.

Tuloy parin ang ingay na naririnig ko sa labas, napaupo na ako dito sa loob ng kulungan dahil kanina pa ako nakatayo ng my lumapit na lalaki at binuksan ang kulungan. Tumayo ako, nakamasid lang ang mga mata ko sa kung anong gagawin nya ng ipinatalikod nya ako't piniringan ng tela pagkatapos ay narinig ko ang pag sara ng kulungan. Humarap ako sa pagkakatalikod.

"May pa piring piring pa kayong nalalaman!" Sigaw ko kahit hindi ko na alam kung my tao pa ba dito.

Ilang sandali ay naramdaman ko ang pag galaw ng kulungan, umaangat ito na mas lalo kong naririnig ang ingay ng mga tao, mukhang ako na ang susunod.
Tumigil ang pag galaw ng kulungan at ang naririnig ko nalang ay ang mga boses ng mga nandito.

"Now, Let's start from 1,000!" The auctioneer said.

"1,200!"

"1,500!"

"2,000!"

"4,000!"

Pataas ng pataas ang mga presyo ng bigla nalang tumahimik ang buong paligid ng marinig ko ang pag bukas ng pinto.
Ilang sandali ay narinig ko ang yabag ng mga paa na papalit saakin at ng mga bulungan sa paligid, bulungan pa ba iyon? Eh halos marinig kona pinag sasabi nilang diko maintindihan. Pagkatapos ay narinig ko ang pag bukas ng kulungan, hindi agad ako nakaiwas ng my biglang humila saakin sa pulsuhan palabas ng kulungan dahil sa pagkakabigla at nakapiring ako.

"100 million." Laglag ang panga ko sa sinabi ng kung sino.

Her white medieval simple dress in the auction.❤️

❤️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SOLD TO A VAMPIRE LORDWhere stories live. Discover now