Sidelines 1 - The pregnancy.

17.2K 461 34
                                    

Sidelines 1 - The pregnancy.
CHANDRIA


Positive.


Nanginig ang kamay ko nang ibaba ko ang pregnancy test na hawak ko. Hindi. Nagkamali lang tong test na to. Ang sabi naman sa internet, hindi lahat ng pregnancy test accurate. Kumuha ako ulit ng isa at sinubukan iyon.


After a few minutes ay pareho din ang lumabas sa pangalawang test. Double line. Positive. Frustrated, I grabbed another one and tried if but still, its positive.


Damn. Fuck. My mind was all over the place. Hindi ito pwede. I cant be pregnant. I have a future ahead of me. Magtatapos ako ng pagaaral. Susunod sa yapak ni Mommy at magiging doktor. Hindi pwedeng ganito.


And Dan. Oh god. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ito pag nalaman niya. Yes, we love each other. And yes, ito ang bunga ng pagmamahalan namin. But we're too young for this. Too young.


Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko. I silently cried inside inside my bathroom. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin to kay Mommy at kay Dan. Hindi ko alam kung paano sila magrereact.


Mahal ako ni Dan, oo. Sa dalawang taon naming pagsasama ay walang araw na hindi niya pinaramdam na mahal niya ako. Pero hindi ko na talaga alam. Gulong gulo ako.


"Hey, baby." Naputol ang pagiisip ko ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dan sa kamay ko habang nagmamaneho siya. Napatingin ako sakanya. "You're spacing out again. May problema ba? Ilang araw ka ng ganyan." I can hear the concern in his voice.


I shook my head. "Wala. Stress lang ako lately. You know, hell week." Lie. Kahit pa hell week ay hindi ko naman na iyon magawang intindihin. Nasa batang lumalaki sa tyan ko ang focus ko netong mga nakaraang araw.


Hindi ko rin kasi mahanap ang tyempo para sabihin kay Dan. Of course he has to know. I just dont know how to spit it out yet. Not just yet, dahil una, alam kong busy siya sa pagaaral dahil hell week nga. At pangalawa, hinahanda ko pa ang sarili ko sa magiging reaction niya.


"Hell week." Natatawa niyang sabi bago ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. "Kaya nga kailangan ko talagang galingan hanggang next seam eh, sabi kasi ni Dean, running for Magna daw ako. Pag nagkataon, makapagapply ako ng internship sa Stratford Inc." Masayang sabi niya.


This has always been his dream. Na makapagtrabaho sa Stratford Inc. Isa sa pinakasikat na kompanya ng mga architects not just here, but worldwide. Palagi niyang sinasabi sakin na pag nakapasa siya ng board, gusto niyang mapasok doon at gagalingan niya para maging Senior agad siya.


Nadurog ang puso ko. This was his dream right infront of him. And Im about to ruin this one.


Ngumiti ako at pinigil ang mga luha ko. "I-Im so proud of you Dan." Sabi ko at mabilis siyang hinila para mayakap. I hastily wiped my tears while Im hugging him. Ayokong malaman niya na umiiyak ako. For sure, uusisain niya ako kung bakit.


"This is because of you, baby. Ikaw ang inspirasyon ko." Ramdam ko ang saya sa boses niya.


He's happy. He's running for Magna. And he's about to chase his dream all his life. I cant ruin this one. I just cant.


Pagpasok ko sa bahay ay tsaka naglaglagan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Ilang araw na akong halos hindi makatulog kakaisip, at ngayon, nakuha ko na ang sagot.


I cant let him give up his dream for me, for us. Panigurado, kapag nalaman niya at ng pamilya niyang buntis ako, ay pipilitin nila kaming magpakasal at pipilitin nila si Dan na maghanap ng trabaho. Mapipilitan siyang huminto sa pagaaral dahil sa pagbubuntis ko.


I know how strict his parents are when it comes to marriage. Religious kasi ang mga ito kaya naniniwala sila na dapat ikasal muna bago isuko ang lahat lahat. Ilang beses nila kaming pinapangaralan ng tungkol doon.


Pero nangyari na ang nangyari. Nagbunga na.


"Anak? Anong problema?" Nagulat nalang ako na yakap yakap na ako ni Mommy.


Hindi ko na napigil ang mga hikbi ko. Sa ilang araw kong dala-dala yung problema, ngayon ko lang naramdaman na may masasandalan ako.


I cried in my Mom's arms for I dont know how long. Sinuklay ni Mommy ang mga daliri niya sa buhok ko habang nakahiga ako sa lap niya.


Ive always treasured my Mom. Siya lang ang meron ako dahil iniwan na kami ng biological father ko mula ng malaman niyang buntis si Mommy. He loathe the idea of having a child at an early age, that's why he left my Mom.


Nagumpisa na namang mamasa ang mata ko. I grew up wanting to have a Dad. Lumaki akong naiinggit sa mga kaklase kong dalawa ang magulang na kasama pag family day. Kaso ako, isa lang. Si Mommy lang. Lumaki akong naghahanap ng pagaalaga ng isang Daddy.


I used to hear my girl classmates na sinasabing iniispoil sila ng Dad nila most of the times. I envy them. So much.


Ayokong maranasan yun ng anak ko. Ayaw kong maranasan niya yung hirap na walang Daddy. Pero ayaw ko rin sirain ang buhay at pangarap ni Dan.


"Ano ba talagang problema, Cha?" Malambing ang boses ni Mommy.


Bumangon ako at hinarap si Mommy. I gave up. Suko na ako. Hindi ko kakayanin tong magisa kaya sasabihin ko na kay Mommy. Bahala na kung magalit siya. Bahala na kung sigawan at sampalin niya ako. I deserved it, anyways.


Sinira ko ang pangarap naming dalawa dahil nagpadala ako sa emosyon ko, I probably deserve every bad thing in the world right now.


"M-Mom. Im sorry." Nabasag ang boses ko.


Hinaplos ni Mommy ang braso ko kaya mas napaiyak ako. "Bakit ka nagsosorry?"


I shook my head. "B-Buntis po ako. Sorry po. Sorry Mommy." Ihinanda ko ang sarili ko nang sabihin ko yun kay Mommy. Ihinanda ko ang pisngi ko sa sampal ni Mommy, pero wala.


Hindi niya ako sinampal. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Mas lalong lumakas ang iyak ko sa ginawa ni Mommy.


"Alam na ba to ni Dan?" Yun ang kauna-unahang lumabas sa bibig ni Mommy. Nagulat ako na yun ang unang naging concern niya pero sinagot ko parin siya.


"H-Hindi po. And I think, I wont tell him" Sabi ko. Not just yet. Buo na ang desisyon ko.


Hindi ko sisirain ang pangarap niya. Hindi ko iyon kakayanin. I love him too much to bring him down with me.

SidelinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon