Sidelines 3 - The call.

11K 388 14
                                    

Sidelines 3 - The call.
CHANDRIA


Nakatitig lang ako sa beer na nasa harap ko. I badly want to drink it. Gusto kong uminom. Gusto kong malasing para mawala yung sakit na nararamdaman ko kahit sandali lang pero alam kong hindi pwede. Hindi pwede dahil makakasama yun sa baby ko, sa baby namin.


Its has already been a week since we got here in Canada. A week of torture. A week of pain.


Everything since then was a blur. Gumigising ako para kumain at matulog ulit. Of course, there's alot of crying and weeping in betweens.


Sabi ni Mommy, I should stop getting so emotionally depressed. Makakasama daw yun sa baby ko. But I cant help it, alright? Hindi ko kayang pigilan yung sakit. Kasi kung kaya ko lang, ginawa ko na.


Every single moment after I ended that call, maaalala ko yung boses ni Dan. Yung garalgal niyang boses. God, if that doesn't hurt so bad.


"Anak." Kinuha ni Mommy ang beer mula sa harap ko at tinapon yun sa basurahan. "Papasok na ako. Please take care of yourself." Sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.


Narinig ko nalang ang pagsara niya ng pinto. I didnt even bother checking if the door's locked. For sure ay nilock na yun ni Mommy.


Nakita ko ang reflection ko sa bintana namin. I look like a mess. Mula sa gulo gulong buhok, malaking eyebags at namamayat na mukha.


Napatingin ako sa phone kong ni-minsan mula noong isang linggo ay hindi ko pa binuksan. I sighed and opened it. Nakaroaming ito kaya for sure ay papasok ang kung ano mang texts na hindi ko nareceive kahit nandito kami sa Canada.


And indeed. Sunod sunod ang pagvibrate ng phone ko dahil sa sunod sunod na text na dumadating. Its vibrating nonstop and its crazy.


Fr: Baby
I miss you. Baby.


Fr: Baby
Chandria. Mababaliw na ako.


Fr: Baby
I love you, baby. So much.


Fr: Yassi
Bes. Nasan ka ba? Dan's self destructing. He needs you.


Fr: Baby
Tell me, saan ako nagkamali? Baby please. I want you back.


Isa isa yung nagpop up sa screen yun. Nang kumalma ang phone ko ay nagulat ako ng biglang magring yun. Gamit ang nanginginig kong kamay, kinuha ko iyon. It was Dan. Tumatawag siya. Shit. I cursed to myself.


I didn't know what got me but I answered it. I was trembling while holding my phone in my ears. "Chandria. Baby." I can see his tears from here. Damn it. Ramdam ko sa boses niya ang pagiyak niya. Nagumpisa na namang magbagsakan yung mga luha ko.


Lately, crying has been my norm. Parang wala na akong ibang alam gawin kundi umiyak. Kung sabagay, yun lang pala ang kaya kong gawin.


Napatingin ako sa orasan. Its almost midnight in the Philippines. "B-Baby. Kausapin mo naman ako. Pagusapan naman natin to. May nagawa ba akong mali?" Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi. Shit. Shit. Shit.


Narinig ko ang ilang mura niya sa kabilang linya at ang paghagulgol niya. Pinipiga ang puso ko sa nangyayari. "Nagkulang ba ako? Was I too busy chasing my dreams? Tell me kasi mababaliw na ako kakaisip!" Tumaas ang boses niya.


Mas lumakas ang pagagos ng mga luha ko. Tama na. Tama na Dan please. Wag mo nang pahirapan yung sarili mo.


"I miss you. I miss you so much, Cha. Please. Balikan mo na ako. Hindi ko na kaya eh. H-Hindi ko na kaya." He cried. May kumawalang hikbi sakin. Damn it! "Umiiyak ka ba? Baby? Please. Wag na nating pahirapan ang isat isa. I love you. Please, come back to me." He pleaded.


I shook my head. Kung sana ganon lang kadali ang bagay bagay. Kaso hindi eh. Hindi madali. At kahit kailan hindi magiging madali.


"Ano ba Dan! Naglalasing ka na naman!" Narinig ko ang sigaw ni Yassi sa kabilang linya. "Will you stop it? Tingin mo ba matutuwa si Cha pag nalaman niyang nagkakaganyan ka?!"


Binaba ko ang tawag at tsaka lumabas lahat ng hagulgol na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit. Sabi nila, pag sobrang nasasaktan ka na, unti-unti ka na daw mamamanhid sa sakit. Pero bakit parang hindi naman iyon ang nangyayari?


Every single day is more painful than the last. Hindi nababawasan yung sakit. Parang nadadagdagan pa nga. Parang mas lumalala. Parang unti-unti akong pinapatay.


Binuksan ko ang music ko. I played it on random. And a certain song caught my attention.


Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan


I closed my eyes. The song hit me big. Parang saktong sakto sa nararamdaman ko.


Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Dan. Kasi ako rin, nasasaktan. Ang sakit. Sobra. But I had to be strong, right? Para sa baby ko. Sa baby natin.

SidelinesWhere stories live. Discover now