Sidelines 5 - The wedding.

12.5K 453 70
                                    

Sidelines 5 - The wedding.

CHANDRIA


Kanina ay agad din silang nagpaalam para makipagmeet daw sa wedding coordinator nila. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Pagalis nila ay inalis ko narin ang iilang groceries na kinuha ko.


Kumuha nalang ako ng pangtatlong araw na stay ko dito. I wont stay long. Umuwi lang naman talaga ako para kay Dan at ngayong alam ko ng ikakasal na siya sa iba, tingin ko dapat bumalik na ako ng Canada.


I was half expecting na makakausap ko siya tungkol kay Angelo. Na maipapaliwanag ko kung bakit ko siya nagawang iwan noon. I guess that'd be futile now. Wala nang saysay dahil ikakasal na siya.


Hindi na ko nagaksaya ng effort ayusin ang mga dala kong damit sa damitan. I kept it inside my luggage para hindi na ako mahassle para sa flight ko three days from now. Kumuha na ako ng ticket pabalik ng Canada. Right after their wedding ay lilipad na ako pabalik sa anak ko. Hindi ko na gugustuhin pang magtagal ng isa pang araw dito. Masyado ko nang pinapatay ang sarili ko nun.


Mukhang kinareer talaga ni Yassi yung favor na hiningi ko sakanya noon na alagaan niya si Dan. Sa sobrang pagaalaga niya, nakuha niya na ito. At magpapakasal pa sila. Napasabunot ako sa buhok ko.


Really, Chandria? Why are you being such a bitch about it. Sa pagkakaalala ko, ikaw ang nangiwan. So practically speaking, you don't have the right to be a bitch about it.


I shook my head as I stood up. Thats it. Im going out for a drink. Hindi ako makakatulog neto sa pagiisip kaya mas mabuti pang uminom nalang ako.


Hindi na ako nagpalit ng damit. Im wearing a short shorts and a spaghetti strapped top. Kumuha nalang ako ng cardigan mula sa maleta ko at nagpasyang lumabas na.


Paglabas ko ng gate ay may sasakyan na nakaparada sa harap namin. It was a black Ford Everest. I felt my mouth hang open nang makita kung sinong nakasandal sa harap ng sasakyan. Anong ginagawa niya dito?


Mukhang napansin niya na ako kaya agad siyang dumeretso ng tayo. Deretso ang tingin niya sakin ngunit nagiwas ako ng tingin. Nagumpisa na akong maglakad papunta sa 7-11 sa kanto para makabili ng beer nang maramdaman ko yung kamay niya na humawak sa palapulsuhan ko.


I immediately froze with his touch. Ganun parin yung epekto ng hawak niya sakin. Parang nakakakuryente. Ugh, shit! Stop it Chandria. Ikakasal na yan.


Hinila niya ang kamay ko para mapaharap ako sakanya. "Bakit bumalik ka pa?!" I can hear the disgust in his voice. Pinilit kong kunin ang kamay kong hawak niya pero mas humigpit lang ang kapit niya dito. "You should've just stayed to God knows where! Dapat hindi ka na bumalik! Bakit ba bumalik ka pa!" He hissed.


Napahakbang ako paatras sa pagsigaw niya sakin. Sandali siyang natigilan ng mapansin niya ang takot ko. I was damn afraid of him. Parang hindi na siya yung Dan ko noon. Yung Dan na malambing. Ganto ba kalaki ang galit niya sakin?


And then it hit me. Amoy alak siya. Kaya siya ganto dahil nakainom siya. I shook my head at inalis ang pagkakahawak niya sakin bago maglakad palayo sakanya. Every step was agonizing.

SidelinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon