Chapter 23

3.3K 48 13
                                    

Wounds

Higit sa sampung bodyguard ang dala ni Mommy. Lima lang ang nakadikit sa amin at the rest ay nakaaligid lang. This is what I am talking about. Dad seems paranoid before. Never umalis si Mommy na walang bodyguard or if si Dad ang kasama, hindi man halata pero kalat-kalat sila.

Now, even the mall guards looks like they’re given heads up. TriMall kami ngayon at dito talaga si Mommy palagi or minsan sa Horizon. Sa pagkakaalam ko ay may koneksyon ang parents ko dito kaya ganoon.

Mom and I visited a lot of boutiques inside. May iilang mga shopping bags na kaming naibigay kanina sa guards para dalhin sa sasakyan at ngayon ay higit sa sampu pa rin ang bitbit papalabas sa isang boutique.

“Kain muna tayo? How about coffee?” si Mommy.

Ngumiti ako at tumango.

“I want jollibee, Mom. Ilang buwan na akong ‘di nakakatikim noon.”

Kuminang ang mata niya at humalakhak sa suhestiyon ko.

“You’re right. I miss that. Ang daddy mo kasi ayaw doon sa loob. Ang laki niya raw na tao tapos papasok sa bubuyog,” naiiling na anito.

I scoffed.

“He’s just tall and big but he looks like a baby when he’s with you.”

She laughed at may remarks. Mukha kaming sosyalin sa itsura namin kaya bago pumasok, pinag-aalis muna namin ang mga alahas. Just to blend in with the crowd.

Kaswal ang mga napag-uusapan namin ni Mommy. But she never ever mentioned what happened to her that night. Nor I can see any sign that she wanted to see me to explain about that. Siguro ay…tuloy pa rin sa pagtatago noon na parang walang nangyari.

I will wait for her to tell me. Hindi na ako magtatanong. Though I know something now, hindi ko na siya pipilitin. Maybe Mom doesn’t want to remember it. She wouldn’t hide it from me just because of a shallow reason, right?

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya nakita ko ang oras. Alas siyete y media na ng gabi. Dius’ message flashed on the screen. Kinuha ko kaagad dahil nakalabas pa iyon at nakapatong sa mesa.

Mom is just sipping on her coke float kaya binasa ko ang message nang ‘di nagpapahalata na tinatago ko iyon mula sa kaniya.

Cloudius:

Be careful, hmm? I’ll be at home at nine.

I hit the send button after I typed my reply. This time, sa bag ko na ipinasok ang cellphone ko.

“Do you still want to roam around, Mom?” I asked as I took two fries and dipped it on my ice cream.

Bumuntong-hininga siya.

“Maybe some other time naman, ‘nak? Your Dad is probably on his way home.” Sinipat niya ang relos at huminga. "Gabi na pala. Baka mag-alala na iyon kung hindi ako dadatnan."

I gave a short nod because I understand him. Iyon din kasi ang dahilan kung bakit gusto kong datnan ako ni Dius sa unit.

“Marami naman tayong napamili. Baka mamulubi si Daddy,” biro ko.

She rolled her eyes.

“Imposible. He is asking for us to get married again. Aksayado sa pera ang Daddy mo. Wala naman ng magbabago at kasal na kami."

Nanlaki ang mata ko at naging excited doon sa narinig, balewala ang opinyon niya.

“Why not? I mean, you deserve it! Tsaka pinaghihirapan ni Dad iyon.” Kinuha ko ang kamay niya at pinagsalikop sa akin. “Please, Mom. I want to witness your wedding again,” nakangiti kong dagdag.

Del Rico Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon