Convince
Nagising ako sa maliwanag at puting paligid. Ang interior noon ay pamilyar na sa akin dahil ito ang side ng bahay namin na masasabi kong clinic. Dad made sure we have this so in case of emergency, we don’t need to immediately rush ourselves to the hospital.
Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit narito ako. I am in the state of thinking that I am dreaming but when I saw Mommy entering the room with her worried face, I knew I am not.
She promptly gave me a warm smile even though I can sense stress on her beautiful face.
“Mom…” paos na tawag ko sa kaniya.
Bago lumapit ay kinuha na niya ang isang pitcher at nagsalin ng tubig sa baso. Itinaas niya ang hospital bed at saka iniabot ang tubig sa akin.
The truth is I wanted to tell her how sorry I am for everything. But I can’t talk comfortably if I don't drink first. Nang makainom ako ay kinuha niya ang baso sa akin.
“Mom, I’m sorry…” I uttered, like I am losing my time. Like I am in a hurry.
She smiled at. Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ko. Pakiramdam ko, ilang taong ipinagkait sa akin ang mainit niyang haplos, ang mga titig niyang puno ng pag-aalala, ang presensya niyang kumakalma sa akin.
“S-sorry, Mom,” I cried.
She nodded her head.
“Don’t worry, honey. Ayos na si Mommy. Ayos lang si Mommy,” she uttered with a soothing voice that made me cry more.
Hinahabol ko ang aking hininga sa labis na pagdaramdam. Kung noon ang tingin ko lamang kay Mommy ay isang ina na puno ng pagmamahal para sa amin, ngayon ay nahahalinhinan ito ng isang babaeng may madilim na nakaraan. Babaeng minsan ng nilukob ng dilim at sinubukang umahon doon.
And then there’s me… who brought it back
She caressed my cheek, tried so hard to brush off my tears but it kept on falling. Sunod-sunod ang aking paglunok.
“Calm down, honey. It won’t do good to your baby,” she uttered carefully.
Bumagsak ang tingin ko sa aking tiyan at lalong naiyak dahil naroon ang isa niyang kamay, hinahaplos iyon.
“You shouldn’t be blinded by your emotions, honey. Mahihirapan ang baby mo,” pagpapaalala niya.
Ngunit mas lalo lamang bumugso iyon dahil pakiramdam ko, sa lahat ng kasalanan ko, hindi ko inaasahang ganito pa rin ako tatratuhin ni Mommy. I was expecting her to at least rush towards me and give me a slap but it’s the other way around. She might be hurting now but I can see how much she is trying to stay strong in front of me so I wouldn’t feel bothered.
I wanted to tell her everything about Dius. To make her understand and explain why I fell in love with him, why I am carrying his child, but the only thing I could say is how sorry I am because I choose to keep on loving him.
Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
“I l-love him… I’m sorry,” ulit kong muli.
Mom looked away as if she’s calming herself after my confirmation. Nang balingan niya ulit ako, ngumiti pa siya ulit kahit may luha nang lumandas sa kaniyang pisngi.
“U-unahin mo muna ang sarili mo, ‘nak, huh? Sarili mo at si baby,” sabay haplos niya ulit sa tiyan ko.
Kinuha ko ang kaniyang kamay para halikan iyon. Nakasanayan naming gawin iyon kapag nakakagawa kami ng kasalanan sa kaniya o may hindi kami nasunod dahil ganoon din si Daddy, eh. Kapag nagtatampo si Mommy, palagi niyang hinahagkan ang kamay nito habang nanunuyo.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #1: Embers Of Devotion
RomanceLavena Briallen exudes confidence, embracing her voluptuous figure. As a plus-sized model, she adores her family, cherishes her friends, relishes food, and has a soft spot for the renowned model, Cloudius Hijazi. Despite enduring numerous rejections...