CHAPTER 9

199 8 0
                                    

Kelsey POV

Nagpalipas kami ng gabi ni Ren sa hotel , nag check in lang kami sandali. Masyado ng magabi para mag maneho papunta sa Rest house.

Kumain mo na kami sa labas ng fishball at tempura, matagal ko na ring hindi natitikman 'to

At ito namang si Gaga , ayaw niya daw kumain sa mga ganitong Lugar baka may lason daw.

Ang OA niya

“Fishball, tempura, balot kayo diyan mga ma'am!!!” Sigaw ni Kuya na nag bibinta

Agad kong hinila si Ren. Padabog pa itong sumama

“Bili ako kuya , mga benteng tempura at fishball at dalawang balot po paki damihan po ng asin at suka, salamat po” sabi ko kay kuya

“Sige Ma'am” Sabi ni Kuya at ngumiti sa amin

“What's that kind of food, Elisha?” Pagtatakang Tanong ni Ren

Ay hala si Ma'am

“Ito yung sinasabi kong Fishball sayo dati, katangahan mo kasi kaya ang binili mo isda at bola, aanhin ko yun? Kakainin?” sabi ko at inirapan siya

Akala niya siguro nakalimutan ko na ang katangahang ginawa niya

Tsk

Maya maya ay naluto na ang fishball, tempura

“Kainin mo na yan Ren, baka mapano yan” sabay turo ko sa pagkain niya, kanina pa kasi niya tinitingnan hindi niya naman kinakain

“Eww” Sabi niya. Aba maka ew 'to sarap ibalibag

Ang oa mo beh, napaka oa mo

“Kakainin mo 'yan o kakainin mo?” Iritang sabi ko

Ibubuka sana niya ang bibig niya ng bigla kong pinasok ang Fishball

Sapol

'yan kainin mo

“Uhmm..mmm..” parang mali ata ang pagkadinig ko sa ano niya

Ang bad naman ng iniisip ko

Very very bad

“Masarap?” Tanong ko

“Yes, masarap” Sabi niya at tipid na ngumiti sakin

Natapos na akong kumain, kanina pa kasi ako nakatayo kaya umupo mo na ako saglit. Ang gaga kasi andon parin kumakain para siyang Patay gutom na ngayon palang pinakain ng nanay.

Naka heels siya at naka skirt and long sleeve na color black. Ang sexy ng suot niya kaya ang lahat ng taong bumibili nakatingin lang sa kanya.

Nakakainis, mamamatay ako sa selos

Selos mo na bago label

Ayornnn natapos ng kumain ang gaga

Lumapit ito sakin habang hawak hawak ang tiyan niya. Tangina ang unfair! Ang ganda parin ng katawan niya kahit andami niyang kinain, how about me? Anlaki na ng bilbil ko

“Elisha, let's go” Sabi ni Ma'am, kaya sumunod nalang ako

Naglalakad lang kami papuntang hotel dahil naiwan niya ang kotse niya sa parking lot na malapit sa hotel. 

Naunang pumasok si Ma'am hindi mo na ako sumunod, parang may bibilhin pa kasi ako sa labas. May Nakita kasi akong 7/11 kaya tumakbo ako papunta doon

Nice timinggg, nandito din si Azhorr

“Oh hi Kelsey, why are you here?” he's said at may dala siyang noodles

Hindi ba obvious na bibili ako?

Lost In Your Eyes [COMPLETE]Where stories live. Discover now