CHAPTER 28

129 3 0
                                    

Kelsey POV

⚠️⚠️⚠️

Madilim ang na sa palagid ko, wala akong makita kahit ano, tinakpan nila ang dalawang mata ko ng blind folded. Hindi rin ako makasigaw dahil tinakpan din nila ito. Hindi ko maisip na magagawa ni Stacey ito sakin. She's my best friend, I trusted her since mga bata pa kami. Hindi ko alam anong na sa isip niya kung bat niya ako kinidnap

Maya maya ay may dumating, naririnig ko ang yapak ng paa nila. Tatlo sila.

“Anong gagawin mo sa kanila?” Tanong ng babae

Kanila? E nag iisa lang ako

“Gusto kong makita ni Aleghn, na mamatay ang babaeng pinakamamahal niya sa harapan niya. Ang ganda hindi ba?” Sabi ng lalaki

Tumawa lang ang babae, at ang isang babae ay lumapit sa akin. “Tu es un déchet. (Sayang ka)”

Hindi ko maintindihan ang alien language mo ante!

“Ilipat niyo siya sa kabilang kwarto, tapos na nilang pag hirapan si Aleghn.” Sabi ng lalaki

Aleghn? Nandito siya? Nandito si Ren?

Bat niyo siya sinasaktan!

Agad akong Kinaladkad ng mga tauhan niyang ambabaho, amoy putok si Kuya

“K-kelseyy” Sabi ng sino

Familiar ang boses niya, si Timothy ba ito?

Kinuha ng mga mababaho ang blind folded ko at ang takip ko sa bibig, nasilayan ko ang papangit ng pagmumukha nila.

Nakita kong duguan si Timothy, agad ko siyang nilapitan

“Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari Timothy, gulong gulo na ako” Sabi ko sa kanya

“B-bastaa, makakaalis ka dito..hindi ka madadamay, si Ren talaga ang pakay nila..” Mahinang sabi nito sakin

“Si Stacey..” At nagsimulang tumulo na naman ang mga luha ko

Hindi ko kasi matanggap..

“Alam ko, nakaharap ko siya kanina, wala siyang sinabi at nanatili siyang walang kibo..” Mahinang sabi ni Timothy, lumapit ito ng bahagya sa akin at niyakap ako

Maya maya ay dumating nanaman mga tauhan niya at Kinaladkad kaming dalawa ni Timothy. Inilipat niya kami sa abandoned na gusali, ang lawak.

At dumating ang hindi ko inaasahang pagmumukha..

Tangina??

Nag tiwala ako sa kanya, at minahal ko rin siya, pero bakit ganito ang igaganti niya sakin?!

“How's your sleep my wifey? Pfft you're still pretty.” Sabi ni Solana, at katabi niya ang ama niya na si Emmanuel.

Hindi ko maiisip na sila ang gumawa nito sakin.

“Oh my pretty cousin is here..” Sabi ni Solana

Tumingin ako sa kanan at nakita kong sugatan ito at may dugo sa labi. Sa tabi niya ay si Stacey.

Walang imik si Stacey na ibinagsak ang pagod na katawan ni Ren..

Ren..

“R-rennn! Gumising ka!” Sigaw ko kay Ren

“Shh.. ang ingay!” Sigaw ni Solana

Bahagyang lumapit si Solana kay Stacey, at hinalikan ni Solana ang mga labi ni Stacey. Putangina?

“Did you see that Kelsey? I kissed Stacey.. actually hindi naman kita gusto Kelsey e, ginamit lang kita ang totoong mahal ko ay si Stacey..” Pangiti ngiti ni Gaga habang hinahalikan si Stacey

Lost In Your Eyes [COMPLETE]Where stories live. Discover now