Kelsey POV
Nagising ako sa balikat ni Professor Stanford, kaya inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang mahimbing na natutulog.
Nakakahiyaaaa
It's been 1 month na kaming hindi nag uusap, at mas makakabuti ito dahil nag momove on din kasi ako
“Gising.” Sabi ko sa katabi ko
Agad siyang nagising at tumingin sakin
Ay hala ang gaga, makatingin oh
“Am I dreaming?” She's said at hinawakan ang mukha ko
Bakit beh? Pinapatay mo ba ako sa panaginip mo?
“Tumigil ka ma'am, nandito na tayo sa boracay.” Sabi ko ng dumaan na ako sa harapan niya ay bigla akong tinulak ni Amilya at napaupo ako sa lap niya.
Pukaningshit
Namumula kong lumingon kay Ma'am. “Sorry po ma'am si Amilya po kasi”
Agad akong tumayo, at nagmamadaling lumabas ng Van
Binato ko ng bag si Amilya, at sapolll
“Ano nanaman ba behhh ang sakit haaaa!” Sigaw nito sakin
“Bakit mo ako tinulak?! Gaga ka ba?” Inis na sabi ko
“Bakit ang big deal sayo? Kala ko ba naka move on kana beh?” Pangiti ngiti ni Gaga
“Naka move on na ako at may fiance ako tsk.” Lumayo na ako sa kanya baka mapatay ko siya.
Oo nakamove on na ako.
Naka move on na ba talaga ako?
“Hi wifey, nakatulog ka ba?” Tanong ni Solana
It's been 2 months na kaming engaged, medyo weird siya at clingy. Pero Keri naman siya. Natutunan ko na 'ding mahalin siya.
“Yes, don't worry, halika na punta tayo doon!” Sabi ko at tinuro ang dagat
Sumunod siya sa akin habang hawak hawak ang kamay ko
Ang ganda ng Boracay parang beach lang sa Tagaytay
“Maganda?” Sabi niya
“Yes ang ganda.”
“Ba siya?” Sabi niya at napatingin ako sa kanya.
Pinagsasabi niya?
“Sino?” Tanong ko
“Nothing wifey, let's go punta mo na tayo sa kanila, mag checheck in pa kasi tayo.” At ngumiti sa akin.
Weird niya
Na sa hotel na kami ngayon, hinanap ko si Professor Carmen at nandon lang pala siya katabi ni Professor Stanford. Napapansin ko si Professor Stanford na parang ang tamlay niya, hindi ba siya pinapakain ni Timothy?
Speaking of Timothy, nandito siya kasama si Azhorr.
“Isa pang picture bro!” Sabi ni Azhorr habang kinukuhanan ni Timothy
“Sige, isa.” Sabi ni Timothy
“So, mga pepolss ang sitting arrangements natin ang magiging room arrangements. Kaya pumunta na kayo sa room niyo at mag pahinga, mamayang 8pm pupunta tayo sa event na gaganapin sa tabi ng dagat.” Sabi ni Professor Carmen
Nag paalam ako kay Solana at hinalikan niya ako sa pisngi. Room 222 ang room ko. Pag bukas ko ay naabutan kong nakahiga si Professor Stanford.
Putanginaaa bakit ko ba nakalimutan na siya pala ang katabi ko kanina sa sitting arrangements. Putanginaa
![](https://img.wattpad.com/cover/359081357-288-k728986.jpg)
YOU ARE READING
Lost In Your Eyes [COMPLETE]
Romance"The moment my eyes landed on you, I can't help but to stare longer" - Aleghn - Aleghn Ren Spencer Stanford, a professor who wants to be free from her father. She lost her mother at the age of 6, and the only girl in their family. She has a 3 brothe...