Chapter 1
Ezhrell Thardeus Villnuevez sent you a friend request.
Napamura ako nang makita ang notification sa facebook ko.
"Ang bunganga mo, Achin. Isa pa, hindi ba't sinabi ko sayo na bawal humawak ng cellphone kapag nasa harap ng hapag? Itago mo yan," saway ni mama nang ilapag ang mangkok ng ulam sa lamesa.
Mahigpit ang kapit ko sa cellphone at mariin ang tingin ko sa screen.
Bakit niya ako in-add?!
"Achin," mariin nang sabi ni mama, dahilan para ilapag ko ang hawak na cellphone.
"Opo, 'ma, pasensya na ho."
"Hindi muna natin makakasabay maghapunan ang papa mo. Nagtext sa akin, marami pa raw siyang kailangang gawin sa baranggay," saad niya nang maupo sa tabi ko.
Tinanguan ko lang siya at nagsimula nang kumain. My mom is a licensed elementary teacher, while my dad is a baranggay kagawad. Kilala ang pamilya namin sa baranggay hindi lamang dahil sa propesyon nila mama at papa, kung hindi na rin dahil sa serbisyo nila sa aming baranggay.
"Si kuya, 'ma?" bigla ay tanong ko.
"Nasa taas, ayaw magpaisturbo sa ginagawa kaya dinalhan ko na lang ng pagkain."
I nodded, taking a bite of my food. I have a brother, three years older than me. He's currently in his second year of college, pursuing Civil Engineering.
Samantalang ako naman ay Grade 11 student, taking Accountancy, Business, and Management (ABM).
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko munang magligpit ng pinagkainan si mama bago umakyat sa taas. Nadaanan kong bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto ni kuya Aestrell kaya sumilip ako mula roon.
He is sitting on his gaming chair, habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng computer. He's busy playing Call of Duty (COD). Ang tray ng pinagkainan niya ay nasa ibabaw ng lamesa malapit sa kaniya.
"What do you want, Achin?" saad niya habang ang mga mata ay nasa screen pa rin ng computer. Samantalang ang kaniyang dalawang kamay naman ay nasa mouse ng computer at keyboard. Marahil naramdaman niya ang presensya ko.
Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo sa malambot niyang kama na nasa gilid niya.
Hinintay ko siyang matapos sa paglalaro bago nagsalita. Nang tuluyan na siyang natapos ay inalis niya ang suot na headphone at pinaikot ang gaming chair paharap sa akin.
Pinangunutan niya ako ng noo.
"Say what you want," wika niya.
Ngumiti ako ng matamis bago tumuran. We're not really close to each other, pero hindi naman kami malayo sa isa't isa. Kumbaga, may distansya lang pero hindi gano'n kalayo.
"Magpapasama sana ako sa national bookstore, bibili ng mga school supplies. 'Di ba wala ka pang mga gamit? Sabay na tayong mamili, kuya."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Sa kaibigan mo na lang ikaw magpasama," he said, pertaining to Kersten.
"Hindi siya puwede bukas, may lakad sila ng pamilya niya."
Totoo iyon. Nang tanungin ko kasi si Kersten kanina kung puwede siya bukas, ay humindi ito. May family reunion raw kasi sila kaya hindi ako nito masasamahan. Three day sila sa Boracay, at uuwi lang bago ang first day of school.
"Then, the other day," tamad na sabi niya.
"3 days sila sa Boracay, kuya!"
"Fine! You owe me one," pagsuko niya, dahilan para mapasuntok ako sa hangin.
BINABASA MO ANG
Counting Our Chemistry (ON-GOING) High School Series #1
RomanceHalos perpekto para sa mata ng iba kung titignan ang pamilya Gevouro. Isang tinitingala at hinahangaang Baranggay Kagawad ang haligi ng tahanan, at isang lisensyadong guro naman sa Elementarya ang ilaw ng tahanan. Ngunit sa likod ng halos mukhang pe...