Chapter 2
"Ma, si Achin lumalandi!"
Pagkarating na pagkarating namin ng bahay, iyon kaagad ang isinalubong ni kuya kila mama at papa na naabutan naming nanonood sa sala.
Hindi ko na lamang siya pinatulan, because I know he's just teasing me. Pumasok ako ng aking silid, at pinatong sa ibabaw ng aking study table ang dalawang bitbit na paper bag. Dahil ang magaling kong kapatid na mahal na mahal ako, hinayaan niyang ako ang magbitbit noon.
Padapa akong nahiga sa kama at nag-scroll sa Facebook. Nang sumagi sa aking isipan ang aksidenteng pagkikita namin ng lalaki, ay tila may nagtulak sa akin para i-stalk ito.
Maingat ang ginagawa kong pagpindot sa screen ng aking cellphone. Takot na aksidenteng mapindot muli ang like button.
Nakagat ko ang sariling labi nang makitang may latest post ito.
Ezhrell Thardeus Villnuevez
Ang ganda talaga ni crush, pero sayang.
Wala pang 1 minuto nang i-post niya iyon ngunit umabot na kaagad ng dalawang-daan mahigit ang react. Hindi nakapagtataka na ganoon kadami ang reactors niya dahil halos tatlong libo mahigit ang followers ng lalaki.
Tumingin ako sa mga comments. Maraming nagtatanong sa lalaki kung sino iyon, samantalang ang ilan namang mga babae ay sinasabing sila iyon. Nakita ko pa na nag-comment ang walang hiyang si Kersten!
Kersten Lyrica Limjaco
Wala na, nagjejelosi na ang aking friend.
Feeling close ampota!
Nakita kong nag-HAHA react pa ang lalaki sa comment niya. At talagang sa dami ng nag-comment ay kay Kersten lang nag-react ang lalaki!
Time swift by, nagising na lang ako isang umaga first day of school na. Dahil first day at maraming freshmen, maraming nakacivilian kagaya ko.
"Astrea!" sigaw ni Kersten mula sa malayo. Winawagayway niya pa ang dalawang kamay sa ere.
Ako ang nahihiya sa babaeng ito. Diyos ko!
Nahihiyang tinakip ko ang isang kamay sa aking mukha dahil minamata ako ng mga estudyanteng kasabay kong pumasok ng gate.
"O to the M to the G. I missed you!" saad niya nang tuluyan akong makalapit sa kaniya. Umakma pa siyang yayakap ngunit mabilis na umiwas ako.
"Kersten!" saway ko dahilan para mapahalakhak siya. I know she's teasing me. Alam niya kung gaano ako mahiyain kaya ginagamit niyang pang-asar iyon sa akin.
"You don't want to hug me? Bakit, Astrea? May ibang kaibigan ka na ba? Hindi mo ba ako namiss? Alam mong kaya ko lamang ginawang magpakalayo-layo ay dahil ayokong ipakasal ako ni Dad sa anak ng kabusiness partner niya." umarte pa siyang naiiyak, dahilan para mariin akong mapapikit.
Hindi ko talaga alam kung paano ko natagalan maging kaibigan ang babaeng 'to.
"Kersten—"
"Stop acting like you know my pain!Because from the top, make it drop!" parang tangang sumayaw-sayaw pa siya sa harap ko dahilan para lagpasan ko siya.
BINABASA MO ANG
Counting Our Chemistry (ON-GOING) High School Series #1
RomanceHalos perpekto para sa mata ng iba kung titignan ang pamilya Gevouro. Isang tinitingala at hinahangaang Baranggay Kagawad ang haligi ng tahanan, at isang lisensyadong guro naman sa Elementarya ang ilaw ng tahanan. Ngunit sa likod ng halos mukhang pe...