Chapter 8

459 33 20
                                    

Vaine Fleur

Nakakatamad talaga bumangon lalo na kung malamig ang panahon at wala namang gagawin. Sunday ngayon at birthday na ng kapatid ni Professor Xanther. Alangan namang pumunta pa ako dun pagkatapos ng ginawa ko? Ang kapal na ng mukha ko kung ganon.

Nag-chat na din sina Sunny sa gc namin kung tuloy ba kami mamaya at hanggang ngayon ay hindi pa ako nagse-seen dahil wala akong maisip na dahilan sakanila.

*knock *knock

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang makarinig ako ng katok. Tinatamad akong tumayo para tingnan kung sino iyon.

"Mommy?" sambit ko nang buksan ko ang pinto. Bumungad ito ng nakangiti sa akin habang ako naman ay walang reaksyon lang na nakatingin sakanya.

"Get ready, anak. May pupuntahan tayong birthday party kasama ang Daddy mo." sabi nito sa akin.

"Kayo na lang po, tinatamad ako." dahilan ko kay Mommy.

"You have to come with us, Vaine. Your father will get mad kung hindi ka nanaman sasama." sagot naman niya na ikinasimangot ko.

"Wala naman pong bago. Palagi naman talaga siyang galit sa akin." sagot ko naman at tumalikod na para bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"Hindi siya magagalit kung hindi ka gumagawa ng dahilan ng ikakagalit niya, Vaine. He only want what's best for you." sabi naman ni Mommy at umupo na din sa gilid ng kama ko.

"You mean, what's best for himself." pagtatama ko sa sinabi ni Mommy.

Lahat naman kasi ng ginagawa ko siya lang rin naman ang may gusto at nakikinabang eh. All for his pride and image. He wants me to be a shadow of him. I'm not one of his dummies that he can control. I value my independence and I want to make my own choices.

"Don't say that. Your father loves you, anak. It's just that he has his own way pagdating sa pagdidisiplina." pagtanggol pa nito kay Daddy.

"Yeah yeah, whatever. How about you Mom? Don't you have any medical missions?" pag-iiba ko ng usapan at dahil nasanay na din akong palagi siyang wala.

"I'll be going next month in Nigeria. I'll stay there for 3 months." sagot nito.

"Good for you." maikling sagot ko at mapait na ngumiti na mukhang napansin ni Mommy.

"Anak, alam kong nagtatampo ka sa akin dahil wala na akong oras sayo. Pero sana intindihin mo din ako, doktor ang nanay mo at kailangan ng mga tao ang tulong ko." pagpapaliwanag nito.

"Kailangan din naman kita." sambit ko sa mahinang boses saka umiwas ng tingin. Hindi ito sumagot at mataman lang na nakatitig sa akin.

Mapait akong ngumiti sa isip ko. Well, ano pa ba ang i e-expect ko? Ever since naman ganun lang yung routine namin eh. Aalis siya at ilang buwan nanaman bago bumalik. 

"Diane, bakit hindi pa kayo nakaayos? Hindi ba sinabi ko na may pupuntahan tayo?" sabay kaming napatingin ni Mommy sa pinto nang magsalita si Daddy na mukhang kakauwi lang.

"Yes, honey. Nag-uusap lang kami ni Vaine." sagot naman ni Mommy saka tumayo na.

"Why? May ginawa na naman bang katarantaduhan 'yang anak mo?" tanong ni Daddy habang inaalis ang butones ng manggas ng long sleeves nito at tinutupi hanggang sa siko niya.

"Oh well, hindi na nakakagulat. She brings nothing but disgrace in our family." dagdag pa nito habang nakatingin sa akin na parang nadidismaya.

"Roman." saway ni Mommy sakanya. "We were just talking, okay? Sinabihan ko na din siya sa pupuntahan natin ngayon." sambit ni Mommy.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Where stories live. Discover now