Chapter 13

485 28 29
                                    

Vaine Fleur

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko at kahit masakit ang ulo ay pinilit kong mag-mulat ng mata para tingnan kung ano ang nangyayari.
Pagdilat ay nakita ko ang apat na nagkakagulo. Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pag-tatalo.

"Ang ingay mo! Kapag talaga si Vaine nagising." saway ni Storm kay Rain.

"Bobo yun nga yung point eh, para malaman natin kung buhay pa ba siya." sagot naman ni Rain.

"Ang iingay niyo! Dapat hindi na kayo sumamang dalawa eh. Snow palabasin mo nga yang dalawa na yan." saway naman ni Sunny na nawawalan na ng pasensya sa dalawa.

"If you two keep disturbing the peace, you'll be the next ones lying in the hospital bed." sambit naman ni Snow habang nakatuon ang pansin sa librong binabasa at hindi manlang tinapunan ng tingin ang tatlo.

Ang iingay talaga kahit kailan ng mga 'to. Makulit kayo ha. Pagti-tripan ko kayo ngayon.

Pumikit ako ulit nang may ideyang pumasok sa isip ko at nagkunwaring kakagising lang.

"Hmmm." kunwaring sambit ko na mukhang narinig naman ng apat dahil tumahimik sila nang marinig ako.

"Gising na siya!" bulalas ni Rain saka naunang lumapit sa akin pero itinulak ito ni Sunny kaya napaupo ito sa couch.

Pinigilan kong hindi matawa dahil sa itsura ni Rain na parang pikon na pikon na sa kapatid niya.

"Thank god! Vaine, kamusta ka? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Sunny.

"Storm, pindutin mo na yung call button." utos niya pa kay Storm para magpapunta ng doktor dito sa kwarto.

At bilang magaling na artista ay nagkunwari akong inosente at hindi alam ang nangyayari.

"S-sino kayo? Asan ako?" inosente kong tanong habang nakatingin sa apat na gulat na gulat dahil sa sinabi ko.

Pinipigilan kong tumawa dahil sa mga itsura nila lalo na si Rain na mukhang paiyak na.

"Hala nagka-amnesia si Vaine." sambit ni Storm.

"What if ibunggo natin yung ulo para bumalik yung ala-ala niya?" suggest ni Rain.

"What if pukpokin natin ng martilyo?" segunda naman ni Storm.

"What if suntukin ko utak niyong dalawa?" sabat ni Sunny na nawawalan na ng pasensya sa dalawa.

"Charot lang. Anong ulam?" bawi ko dahil paiyak na sila tsaka nagugutom na ako at wala nang lakas para mang-trip.

"Gago ka!" akmang hahampasin ako ni Sunny pero pinigilan siya ni Snow saka itinuro ang benda na nasa kamay ko kaya hindi na niya itinuloy.

"Hindi magandang biro yun ha. Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo?" naiinis na sambit ni Sunny

"Chill guys, buhay pa naman ako diba? See?" sabi ko sakanila saka sinubukan gumalaw pero agad ding napangiwi nang makaramdam ako ng sakit sa buong katawan ko.

Kumikirot na din yung buong katawan at ulo ko na may benda.

"Buhay ka nga pero sa ginawa mo muntik na kitang mapatay." nawawalan ng pasensyang wika ni Sunny.

Sa aming lahat siya talaga yung mother figure eh. She always makes sure na okay kaming lahat kaya I'm always grateful for her.

"Sorry na. Hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari eh." naka-pout kong sabi sakanila.

"Anong hindi alam? Sinabi sa amin ni Kuya Cray na binalaan ka na niya na huwag mong gamitin si Dark diba?"

Si Dark nga pala!

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Where stories live. Discover now