Chapter 15

768 48 21
                                    

Vaine Fleur

"Alvarez." napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na may tumawag sa akin ngunit hindi ako lumingon dahil alam ko na kung sino iyon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na binigyan ng pansin ang taong tumawag sa akin at dire-diretso akong pumunta ng cafeteria. Buti nalang at hindi na niya ako sinundan pa.

Dr. Yndrah Alaianth Xanther.

She's the last person I expect to betray me. Funny.

Isang linggo na akong hindi pumapasok sa klase niya para lang maiwasan siya. I don't mind repeating the subject next year as long as she won't be my teacher anymore.

Nag back-out na rin ako sa pagiging representative sa competition at diniretso ko iyon sa Dean pero ayaw daw tanggapin ni Ms. Yndrah pero wala akong pakialam dahil hindi niya ako mapipilit na bumalik ulit.

Hindi ako marupok no.

Pagkatapos ng incident na yun last week ay wala na akong narinig na kahit ano pa man kay Daddy. He froze my bank account, credit cards, and also barred me from entering all our business establishments.

I think wala pang idea si Mom sa pinag-gagawa ng asawa niya since hindi pa siya bumabalik mula sa medical mission niya.

What do I expect? Hindi ko nga din nakita ang anino nilang dalawa nung nasa hospital ako eh.

May ipon naman ako pero sapat lang para sa tuition ko dito sa University. Hindi biro ang gastos dito kaya hindi ko gagalawin ang pera ko na yun para sa personal needs ko. I'm thinking of applying for work to pay my monthly expenses.

"Vaine." napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Sunny.

"Bakit hindi ka nanaman pumasok sa subject ni Prof. Xanther?" tanong niya saka umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.

"You already know the answer to your question, Sun." tinatamad na sagot ko sakanya.

"Vaine, seriously, few more absents left at ipapatawag ka na talaga sa office." sagot niya naman.

"Do I look like I care?" bored kong sabi saka sinubsob ang mukha sa mesa.

"Where are the others?" tanong ko nang mapansing hindi niya kasama ang tatlo.

"Prof. Xanther's office." agad naman akong napa-angat at nagtataka siyang tiningnan.

"They got the lowest score in our exam kanina." sambit niya nang makita ang nagtatanong kong mukha.

Hindi na ako nagulat nang banggitin niya ang pangalan ni Rain at Storm pero pati si Snow? Dun ako nagulat.

Snow is the smartest in class, how come?

"She did it intentionally, para daw if ever bumagsak ka at ulitin mo yung subject ay may makakasama ka." sagot niya nang makitang nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ni Snow.

"What?" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Sunny.

Tumayo ako at dire-diretsong naglakad palabas ng cafeteria pero bigla akong pinigilan ni Sunny.

"Saan ka pupunta?"

"I'll talk to Snow." sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Naiinis ako sa ginawa ni Snow. Why would she do that?

Our policy states that if you receive the lowest or a failing score on the exam, you will be called in for an evaluation. Worse yet, if you continue to show incompetence, you will be forced to drop the course.

Buhay ng tao ang nakasalalay. There is no room for mistakes in medical school.

Pagkarating sa harap ng office ni Ms. Yndrah ay nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hihintayin nalang na lumabas sina Snow mula office.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon