CHAPTER 20

6 2 0
                                    

Warning: Sensitive Language
_________________________________

MAAGA pa lang nandito na sa apartment si Nastin. Nauna pa nga siya sa mga kasamahan namin. Ang makakasama namin ngayon ay ang kanyang mga tropa na sina. Matthew, Gino, Jelo at Christian. Tatanungin ko pa si Roan kung sasama.

Birthday din pala ni Gino. Tamang tama raw kasi sumabay sa holiday. Wala din kasing pasok sa trabaho

Pagbaba ko sa kusina nakita ko na ang hinahanda ni Nastin. Mabango ito.

Nalalanghap ko ang amoy ng mabangong aroma ng sinangag at bagong lutong pritong itlog at ham.

Hindi pa bumababa si Roan. Medyo matamlay pa siya lagi kaya aayain ko siya na sumama sa amin para makapag liwaliw kasama namin.

Napadako ang tingin sa akin ni Nastin magaan itong ngumiti sa akin, pinag hila niya pa ako ng bangko nauupuan.

"Let's have a breakfast muna," Sinandukan niya ako ng sinangag at itlog.

"Malayo pa biyahe natin eh."

Akmang susubo na ako nang may marinig kami parehas ni Nastin na malalakas at mabibigat na katok. Ngunit walang nagsasalita.

Ako na ang nagbukas ng pinto. Nang mabuksan ko ito bumungad sa'kin ang galit na mukha ni Aling Lolit mayroon pang pangkulot sa buhok nito at may nakaipit pa na sigarilyo sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri nito.

Alam ko na ang sadya nito.

"Ineng nung isang buwan ka pa hindi nagbibigay sa akin ng upa! Aba! Hindi ba malinaw na sinabi mo na buwan buwan ka sa akin magbibigay?!"

Malakas at madiin ang mga salita nito kaya nakapukaw ito sa aming mga kapit-bahay. Siguro hindi naririnig ni Nastin dahil pumasok ito kanina sa banyo binuhay niya rin ang gripo.

"Tapos ano itong nalalaman ko na araw araw mayroong pumupunta na mga lalaki dito sa apartment na ito! Malinaw sa usapan natin na kayo lang ang pwede dito nung kasama mong babae!"

"Pinatira ko na nga ang babaeng yun dito kahit hindi naman dapat! Magbayad kayo ng renta niyo dito! Pasalamat ka sa pamangkin ko na si May. Kaya mayroon kang matitirhan ng dahil sa kanya!"

"Mga hindi marunong magbayad ng renta! Sa susunod palalayasin ko kayo dito!"

Napapikit na lang ako sa katinisan ng boses ni Aling Lolit. Hindi ako nakapag bayad ng renta dahil madami kaming ambagan sakto lang ang pera ko pam-budget.

Tinaasan niya pa ako ng peke niyang kilay. "Ano?! Nagpuputa ka?! Kaya madami kang lalaki na pinapa-punta dito?! Nag po-pokpok ka?! At dito mo pa talaga dinadala sa apartment na ito?! Madami sa akin ang nakapag sabi! Nung una pinalampas ko! Tangina naman! Mga bata talaga! Tapos kapag nabuntis mga magulang ang kawawa!"

Hindi lang na ka pag bayad ng renta kung ano ano ng sinasabi. At tsaka dapat wala na siyang pakialam sa buhay ko.

Kung makapag salita siya, parang siya ang magulang ko.

"At alam mo ang ayoko sa lahat! Yung nagpapatira ako ng makati! Pokpok! At malandi sa pamamahay ko!"

Nagtitimpi lang ako. Kung hindi siya ang may-ari ng apartment na ito. Tiklop 'to sa walo.

Ang sarap tupiin sa walo ang puta. Ingay ng bunganga.

Nagbubulungan na ang ilang mga kapit-bahay ko. Bubulong sabay titingin sa akin na mapanghusga at parang nandidiri.

Akala mo naman ang lilinis eh. Yung iba nga sa kanila maagang nabuntis at ang iba naman sa kanila nag-ta-trabaho sa club. Iilan lang ang matitino.

At tsaka dapat wala silang pakialam sa buhay ko. Hindi ko naman pinaka-kialaman buhay nila. Walang pakialamanan ng buhay.

FULVENTE SERIES 01: ALBURNOUS TEARSWhere stories live. Discover now