CHAPTER 24

1 1 0
                                    

"Putek! Ang sarap balikan talaga no'ng birthday ni Gino!" Nagtatalon pa si Roan habang ina-alala namin ang birthday ni Gino.

Talaga namang sobrang saya ng araw na 'yun. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano umiyak si Gino ng todong-todo dahil hindi daw siya gusto ng babaeng gusto niya.

"Huwag mo ng ipaalala, Roan." Asik ni Gino,  Nakasimangot pa ito.

“Sus, Wag nga ako Gino kung makangawa ka no'n para kang kinakatay.” Kant'yaw pa ni Matthew.

“Ikaw na kupal ka, kapag ikaw umiyak din sa babae tatawan kita.” Christian said while eating.

“Naku, naku! Hindi mangyayari 'yon mga boii! Alam nyo kung bakit? Ako ang luluhuran ng mga bebegerls na 'yan. Nandito na si master Matthew! Luhod!” Binuntutan pa ng napakalakas na tawa nito.

“Yuck! Ang dugyot mong baboy ka!” Asik ni Roan.

“Baka naman kasi crush mo na talaga ako Roan? It's ok, ito lang kasi talaga ako. Living gwapo.”

“Living gwapo, living gwapo. Feelingerong tanga ka, at sino namang nagsabi sayo na gawapo ka? Hah?! Eh pwede ka nang iburol sa kaputian mo, buti pa si pareng Nastin ganda ng kutis moreno lang eh ikaw para kang binudburan ng harina sa kaputian!”

“Siguro dati kang tiyanak na albino?!”

Kita na ang ngala ngala ni Roan dahil sa pagsigaw. Napatutuli nalang ako sa tainga ko.

“Anong tiyanak na albino? Ganda ganda ng kutis ko tapos dino-dogshow mo?! Oh my god rudeyy!” Pinaarte pa ni Matthew ang kanyang boses.

“Tumahimik na nga kayo, baka sa susunod niyan kayo ng dalawa hah!” Pang-aasar ni Jelo.

“Yuck! Eww! Mamatay na lang ako!”

“Choosy ka pa Roan ah, di ka na lugi sa'kin. Iumpog kita sa muscle ko eh.” Pinakita pa nito ang kanyang namumutok na muscle sabay hinalikan ng mabilis pero madiin, kumindat pa ito kay Roan. Kaya naman ang huli grabe na ang irap.

“Ikaw iumpog kita sa pader ng makita mo hinahanap mo! Tse! Panget na sadboi!”

Nakangiwi na lang kami nina Nastin dahil sa bangayan ng dal'wa.

Nandito kaming lahat sa apartment dahil ang magaling na si Matthew nag-aya na mag inuman kami.

Kaya ang ending, ito umiinom kaming lahat at kasama na namin si Nastin na uminom.

"Anong plano ninyo sa pasko?" Tanong ni Matthew. Habang ngumunguya ng pulutan.

"Wala pa eh." Sagot ni Christian.

Ang plano ko sa pasko ay sagutin na si Nastin, matagal ko ng plano na sagutin na si Nastin pero pina-ngungunahan ako ng takot .

Pero ngayon buo na ang loob ko na sagutin ito. Matagal naman na siyang nanliligaw; kilala ko na rin ang ugali niya.

Kung paano siya paamuin at pakiligin.

"Ako rin wala pa." Sagot ko.

Hindi ko sa kanila sinasabi ang plano ko para lahat sila ma-surprise. Lalong lalo na kay Roan hindi ko talaga sasabihin sa kanya, knowing Roan. Baka kapag sinabi ko madulas siya at sabihin kay Nastin.

Lahat sila nakatingin na sa akin na nakakunot ang noo ng balingan ko ng tingin si Nastin nakasimangot na ito.

"Oh, bakit ka nakasimangot?" Tanong ko dito.

"Eh, kasi misis plano ko sanang mag celebrate ng pasko kasama ka at sila." Tinuro niya pa ang mga barkda niya pati si Roan.

Ngumiti ako. "Wala namang problema sa'kin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FULVENTE SERIES 01: ALBURNOUS TEARSWhere stories live. Discover now