42

1.6K 151 243
                                    

FACEBOOK
Jane Blanco
Today


Jameson:
May problema yata ko, Ja


Jane:
Anong nangyari sayo, Kuya?

Jameson:
Dyahe kasi eh
Kakakausap ko sa kanila, naattach yata ako nang sobra sa fan 🫣
Kung ano ano na iniisip ko
Di ko naman gusto pero aliw eh
Ngayon hinahanap-hanap ko tuloy. Awit yan


Jane:
Yung fan mo? Why mo hinahanap?



Jameson:
Awit eh namimiss ko 💔
Di nagpaparamdam
E madalas naman chats non bumubungad sakin sa araw araw
Ngayon, alaws
Ilang araw ng olats


Jane:
Kaya naninibago ka?
Ngek
Busy ka lang masyado, kuya
Puro band inaatupag nyo
Wala ka nang oras makihalubilo sa ibang girls kaya normal lang na maattach ka sa fans mo lalo na vocal sila sa support sayo
Ikaw pa naman ang dali mong lumambot
Awat muna sa pagkuha ng trabaho, labas labas din nang makakilala ka ng bagong girl to date naman


Jameson:
Parang di mo naman alam
Di kaya ng oras, Ja
Kailangan kumayod marami pa tayong pinag-aaral


Jane:
Ih
Kaya naman na natin e
Okay naman tinayo mong business para kay mama at papa
Okay na yun para sustentuhan yung family natin
Di mo kailangan magbanat ng buto masyado tsaka tigilan mo kaya kakaspoil sa kanila, kuya?
Kaya ka gastos nang gastos e
Sabi ni Juan binilhan mo pa si Jason ng bagong play station tas tong si Jennica at Jelai humihirit pa ng concert tickets
Tigilan mo na kakaoo sa mga yan kaya namimihasa e



Jameson:
Ayos lang naman mga ganon
Yung mga di natin naranasan gusto ko maranasan nila
Maluwag naman na tayo
Ayos lang yon



Jane:
Tsk. Kahit pa
Di ka na kaya bata, kuya
Magtira ka na para sa sarili mo para makapagsimula ka na rin ng sarili mong family one day, you know?


Jameson:
Wew walastik
Ikaw ba talaga yung kapatid kong uhugin noon?
Mature na ah



Jane:
Leche dalawang taon lang pagitan natin tagal na ko mature :p
Pero real talk, kuya
Wag mo na kami masyado isipin
Tulad nyan, nagbabayad ka pa ng bahay at yung pinatatayo mong resto sa Tagaytay
Di na maubos-ubos responsibilidad mo kaya ka nawawalan ng oras e
Di mo na alam what it really feels like to date someone! Kaya naaattach ka kung kani-kanino
Unahin mo na sarili mo! It's about time!


Jameson:
Ey
Masaya naman ako gawin yon para satin
Para sa pamilya naman eh
Tsaka patapos na yung resto
Yung bahay naman, dalawang taon na lang fully paid na
Konting tiis na lang


Jane:
Kaya 2 years ka pa maghihintay bago lumabas-labas?
Naku kuya mapag-iiwanan ka ge ka
Kung ganyan gagawin mo baka hanggang landi sa fan ka na nga lang
Go out! Meet new people! Yung in person
Para di ka masyadong invested sa mga nakikilala mo online
Displaced affection lang yan


Jameson:
Awts sakit naman non
Totoo naman pagmamahal ko sa kanila, Ja
Di naman scam yon



Jane:
Tangeks kuya I know
Witness naman ako sa effort mo to give back
Pero di tama na sumosobra
Nakakadrain kaya yan?
Buti sana kung may chance kayo mag-develop ng feelings in person kaso puro online naman yata yan ih
Hanap ka ng ganun, kuya
Yung pwede mo makasama lalo na pag kailangan mo ng pansin :p
Papansin ka pa naman 🤌🏻


crush mo raw ako? (epistolary) Where stories live. Discover now