Chapter 1

3 2 0
                                    






Kaleen's Pov





1 year later...





"240 pesos po lahat ma'am" tinignan ko ng maigi ang cashier na nakangiti sa harapan ko bago binigay ang bayad




Kinuha ko na ang binili ko tyaka lumabas na sa convenience store, sinalubong agad ako ng napaka lamig na hangin at mga ingay ng sasakyan. Nag simula nakong mag lakad sa gilid ng daan ng biglang may bumanga sakin kaya nahulog ang mga binili ko


"Habolin sya!!!" Agad kong kinuha ang mga nalaglag na ramen at sinundan ng tingin ang sumigaw non


Mag nanakaw pala ang nakabangga sakin at ngayon hinahabol na sya ng mga pulisya, di naman ako sangkot kaya aalis nako pero asan ang cellphone ko?


"Huwag niyong hayaan na makatakas!"



Kinapa kapa ko na lahat sa bulsa ko pero wala akong mahanap na cellphone, shit nakuha ba ng mokong na yun?


Agad kong sinundan ang mga tumatakbong pulis paloob sa madilim na eskinita, at wala ni isa akong nahagilap na pulis. Sa pag tingin tingin ko sa paligid nakita ko agad ang mag nanakaw na dahan dahang umaakyat sa isang pader.



"Hoy!!" Agad naman siyang na alerto at dali daling umakyat



Aba't itatakbo nya talaga ang cellphone ko? Agad nakong tumakbo at sinumulan ng akyatin ang pader, pero ang mokong naka baba na. Lagot ako nito kay Selen aishh



Dali dali nakong umakyat at tumalon na pababa, nadatnan ko naman ang magnanakaw na tumatakbo sa di kalayuan.



"Mokong!!!! Huwag ka talagang magpapahuli sakin!!"



Nag habolan lang kami hanggang sa malapit na kami sa Malocos Bridge, pero agad rin bumagal ang pag takbo nito kaya napangiti ako. Agad ko siyang nahabol at sinipa sa kaniyang batok na ikawala niya ng malay



"Sabi ko sayo huwag kang magpapahuli" kinuha ko na ang dala dala niyang bag at agad na kinuha ang cellphone ko



Umalis nako dahil papunta na ang mga pulis, sila ng bahala. Cellphone ko lang naman ang pakay ko sa magnanakaw na yon. Wala naman na talaga akong pakealam kong mawala ito pero maasiwa ako sa kadakdakan ni selen pag nalaman niya.



Nakarating nako sa apartment ko kaya agad nakong nag init ng tubig para naman makakain nako. Anong oras naba, 10:48 na pala ng gabi. Tatawag na iyong sirena, tumawag nga.



("Kaleen!!!!")
Kahit kailang ang ingay ng babaeng to




"Ano?" Ano naman ang sasabihin niyang chismis sa buhay niya?




("Huy na hurt ako dun ha pero say my name muna") napairap ako sa inis ng lokang to



"Say my name" pagkasabi ko nun may narinig naman akong parang nabasag sa kabilang linya, mali ba ang sinabi ko?



("Kaleen!!!") Ang ingay niya lintek


"Selen" nilagyan ko na ng ramen at seasoning ang pan, kumulo na kasi


("Good, yun na nga nag chat uli sakin yung ex kon—") di ko na sya pinatapos dahil alam ko nman sino tinutukoy niya



"Tapos?" Pinatay ko na ang stove at nilagay na sa bowl ang ramen, nagugutom nako




("Gusto niyang magkabalikan kami!!!!") Napalayo ko na ang cellphone sa tenga ko, nakalunok ba to araw araw ng mega phone




"Oh ano sinabi mo?" Mag sisimula na sana akong kumain ng napatigil agad sa sinabi niya



("Syempre sinabihan kong Oo!!!") Aba lintek marupok ang loka loka




"Siraulo ka ba?" Binaba ko agad ang chopstick sa mesa at napahilot sa sentido ko




("Sirau— huy kaleen! Bastos ka, di pa pwedeng suportohan mo nalang ako!" Iyan na naman siya, napairap nalang ako sa kawalan



" Tapos iiyak iyak ka sakin kung mahuli mo na naman iyang lalake mo na may kahalikan na babae? Tigang ka ba?" Nakarinig naman ako ng iyak sa kabilang linya, tigang nga




("Ang bad niyo talaga sakin, ganiyan din sinabi sakin ni Ashna!") Napabuntong hininga nalang ako



("Gusto ko lang naman ulit maranasan ang pag ibig eh!") Here we go again



("Tapos aawat kayo!")



"Selen, ayaw lang namin na masaktan ka ulit. Madami naman iba diyan, bakit ba parati mo nalang binabalikan iyang lalakeng iyan? " Natahimik naman ang nasa kabilang linya



("Sorry") napangiti naman ako, kahit nakalunok to ng mega phone ang cute nya pag nag sosorry siya




"Sorry din, matulog kana" mabuti naman at tumahan na siya at ng makakain nako




("Okay kal, Goodnight") tumango lang ako kahit di niya nakakita at binabaan na siya ng tawag. Sinumulan ko ng kainin ang ramen at binuksan ang soju.




~





Pure BloodWhere stories live. Discover now