Chapter 4

3 2 0
                                    





Kaleen's Pov






"I said di ka aalis woman" nanliksik naman ang mga mata kong tumingin sa kaniya, ano siya diyos? Lintek ha





Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan, kung mag babangayan pa kami nitong kupal di magagamot si bianca at baka maubos pa ang dugo niya. Huminahon na muna ako at tinignan ang paligid, mabuti walang na abala kundi lagot na naman ako nito




"Kaya mong pumunta kay ashna bian?" Tumango naman ito, ramdam ko ang panginginig niya






"Go, inumin muna din ang gamot mo" tinulak ko siya ng mahina para mag simula na siyang mag lakad







May pipigil sana sa kaniya ng agad ko din itong pinigilan, tinignan ko si bianca na ligtas na nakapasok sa elevator. Tinignan ko naman ang lalakeng pipigil sa kaniya at ngayon ay gulat na gulat ito.





"What? First time?" Agad niya akong sinipa pakanan pero agad ko din sinangga ang dalawa kong kamay, di gaano kalakas ang pag sipa niya kaya di ako gaano napalayo sa pwesto







May naramdaman akong isang suntok sa kaliway ko kaya agad akong umupo at pinatid siya, mayron din nag aabang na dalawang lalake na patalon sa pwesto ko. Nag back tumbling naman ako at pinatuwid ko talaga ang dalawa kong paa para ma tamaan ang dalawang lalake sa mukha, yun sapol







May isa naman na hahandang suntokin ako pero agad ko itong sinipa kaya, nag kagulo na ang lahat dito. Kami nalang ang natitirang tao dito, walang guards or bouncer na pumipigil samin kasi kami lang dalawa ni bianca ang nag tatrabaho dito.






Napahinga ako ng maluwag, naka exercise din. Lilingon ko na din sana yung dalawang natitira ng may humawak agad sa leeg ko, worst patulak pa ginawa ng gago kaya ang ending napabuga ako ng dugo sa harap niya. Shit di ako makahinga, ang lakas naman ng lalakeng to.





"Who are you?" Pinipigilan ng dalawang kamay ko ang pag hawak niya pero lintek ang lakas niya talaga men, napatingin naman ako sa mga mata niya na sana di ko nalang tinignan. Kailan ko nga ulit nakita ang mga matang iyan





"B-bitiwan mo ako" kahit nanghihina inangat ko ng mabilis ang kaliwa kong paa at agad siyang sinipa






Hingal hingal akong napahawak sa leeg kong namumula, pinahid ko narin ang dugo sa bibig ko at tinignan ang taong nakatayo na sa dulo ng counter. Shit monster ba siya? Dahan dahan siyang humakbang sakin hangang bigla akong nagulat ng nawala agad ito, ang mas matindi nasa harapan ko na. Binigyan niya ako ng napakalakas na suntok na ikinaubo ko na naman ng dugo at pag tilapon ko sa isang mesa, lintek







Di pa siya tapos nag teleport agad siya sa harap ko at susuntokin na naman, aisshh mokong to ah nakakailan na. Agad akong gumulong pakaliwa kaya ang mesa niya ang na suntok, nawasak namn agad ito na ikina inis ko ng husto, gago mahal iyang lamesa na iyan! At mababawasan ang sweldo ko, ginagalit ako ng lalakeng to ha






Tumayo nako pero agad din siyang nag teleport sa harap ko, sa inis ko sa pag teteleport niya at sa pag wasak niya sa mesa sinuntok ko siya sa mukha na ikitilapon niya




"Mokong ka!!" Agad ko siyang sinugod hanggat di pa siya nakakagalaw






Umibabaw ako sa kaniya at pinag suntok suntok siya habang sinasangga naman niya ang mga suntok ko pero agad din akong napatigil nang nahuli niya ang dalawa kong kamay. Napatitig ako sa mga mata niya gayundin siya, saan banda ang pogi sa lokong to







"Oh my God!!!"







"Kaleen!!!!!"







Agad akong napatingin sa dalawang sumigaw sa tapat ng elevator, sina ashna naman pala at selen. Nandiyan din pala si sinx wait si sinx?!






Tatayo na sana ako para sugudin din si sinx ng mawalan ako ng balanse at napahiga sa dibdib ng mokong to, aisshhhh






"Fuck!" Daing niya, wait bakit siya dumaing eh di naman ako mataba. Iniinis na nman ba ako nito?







"Hala girl fuck daw" sinamaan ko naman ng tingin si ashna, tumayo nako at sinipa ulit ang lalakeng naka higa lang. Lintek lang ang walang ganti








"Huy sinx!" Pumunta nako sa kanila at agad siyang kwenelyuhan, agad naman akong pinigilan nina ashna at selen. Huwag niyo akong pigilan aishhh







"K-kaleen"






"Ginagago mo ba ako?" Napalunok naman siya ng laway sa tanong ko, di ko siya jowa ha langya






"Is she your girlfriend sinx?" Agad naman akong napalingon sa mokong na nakatayo na







"No!!!! Sinx is mine!!! Mine only!!!!" Sinamaan ko naman ng tingin si selen dahil bigla siyang sumigaw, nag sign naman siyang manahimik na








"Sagutin mo ako sinx, ginagago mo ba ako?" Di ko na pinansin ang sinabi ng mokong dahil wala siya sa usapan








"H-hindi kal" huwag niya lang saktan si selen at suntok abot niya sa akin.







binitawan ko na siya at pumasok na sa elevator na kakabukas lang, tinignan lang nila ako hangggang sa sumara ito. Nahagilap ko pang nakatitig ng mabuti ang mokong na iyon sakin






Nakarating nako sa 1st floor, hinahanap ko agad si bianca. nakita ko siyang nakaupo sa counter na nakayuko. Salamat naman at nagamutan na ang sugat niya, nilapitan ko ito at tinapik nagulat naman siyang napatingin sakin







"Hi" nginitian niya ako na ginantihan ko din ng ngiti








"Anong nangyari bian?" Napayuko naman siya sa tanong ko








"Hinatid ko lang yung mga drinks sa kanila ng bigla akong napatid sa harapan nila" nanginginig niyang sabi, napatid ba talaga siya or baka naman tinulak siya ng mga mokong na yun







"Mabuti pang umuwi kana muna, ako ng bahala" madaming dugo ang nagkalat ngayon sa floor ko, lilinisin ko pa yun lahat bago dumating si bachoy yung manager namin








Si sinx ang may ari ng bar na ito pero kung maka dakdak ang bachoy nayun parang kanya na, aisshhhh kung yung mga mokong nalang kaya ang ipalinis ko? Speaking of them, may bahid sila ng dugo ng tao, huwag mo naman sabihin na pinapahanap nako ni ama. Pero di nila ako nakilala kaya impossible naman kung ganon, napabuntong hininga nalang ako sa kawalan








~







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pure BloodWhere stories live. Discover now