Chapter 3

4 2 0
                                    




Kaleen's Pov







"Welcome, what can I get for you?" Umupo nako sa may bakanteng table sa may gilid, umupo narin si ashna. Well si selen lng kasi ang umoorder samin pero pera ni ashna ang gagamitin pambili





"I'll have a redvelvet cake,mocha pralline and dark mocha, please" habang umoorder si selen, nag cellphone muna ako at nag hanap ng oil based paint online



"Sure, what size do you like for the three?" wala naba talagang murang oil based paint? Aisshhh




"I want grande, please" wala talaga, napabuntong hininga nalang ako sa kawalan



"Here Ma'am" Di paba tapos si selen? Tinignan ko naman si selen sa counter at abala ito sa pag susulat




"Hala girl, nag text ang papa sinx ni selen" napairap naman ako kay ashna, papa? Well bagay naman ang tanda na non eh




"Ano sabi?" Tinounan ko lang ng pansin ang cellphone ko nang nabalik din ang tingin kay ashna sa sinabi niya



"Asan daw tayo" kinikilig naman ito na parang iwan



" Sabihin mo nasa impyerno tayo" nangunot naman ang kaniyang noo



" Girl di bagay ang kagandahan ko sa impyerno noh" nag flip pa ng hair si ashna kahit naka boy cut lang naman



" Ka gwapohan hindi kagandahan" umasim naman ang mukha niya kaya napatawa ako




" Girl ang kadiri, nasusuka ako manahimik ka" inirapan niya ako na mas lalo kong ikinatawa



"Anong meron?" Bigla naman dumating si selen na dala ang drinks namin



"Yung papa de asukal mo nag text, asan daw tayo" kinuha ko na ang dark mocha at sinimulan inumin



"Tayo? Akala ko ako lang" nakapout na saad ni selen, mukha siyang pato lintek


"Chareret lang girl, ikaw hinahanap niya" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni ashna, ano ba talaga si selen or kami ang hinahanap


"Talaga?!" Napagitla naman ako sa kinauupuan ko ng biglang sumigaw ang loka



"Oo girl, dalian mo nang inumin ang redvelvet mo" napatingin na samin ang mga customer pati crew tinitignan narin kami


" Tara na" nabilaukan naman ako ng hilahin ako ni selen palabas sa starbucks, aisshhh tong babaeng to talaga



"Kanina ka pa daw niya tinitext girl, pumunta na daw tayo sa bar" sinamaan ko naman ng tingin si ashna pero ang loko nginitian lang ako



Pagkarating sa bar agad kaming inabangan ng manager namin na may hawak na uniform, aisshh ayaw ko pa mag trabaho eh. Inis ko itong kinuha at dumeretso sa comfort room.



Di nako nag abalang hanapin sina ashna at selen, panigurado nandon na sa 5th floor si ashna habang si selen nasa 13th floor sinisilbihan si sinx I mean nag uusap na. Ako naman nandito sa 9th floor at nag hahalo halo lang ng mga drinks, bartender ang position ko habang sina ashna at selen waitress.


Ako naman sana ang mag tatrahho dito, mayaman ang dalawang yon pero gusto din nila na may sarili silang pera kaya eto nag tatrabaho din kasama ko.



"One Malibu" napatingin naman ako s isang costumer sa counter, agad akong lumapit dito



Nag mix nako ng vodka at rum, hinaloan ko din ng tequila. Minix ko lang ito at nilagay sa isang wine glass at nilapag sa harap niya. Nag lapag naman siya ng 2k sabay lagok sa inumin. Kinuha ko naman ito at tumalikod na



Nilinisan ko naman ang mga baso na ginamit ko, di niya naman hiningi ang sukli diba so may tip ako. Good, napangiti naman ako ng patago


"Kaleen, one moscow mule at one daiquiri with 2 bottles of it" napatingin ako kay bian na humihingal habang sinasabi ang mga katagang iyon




" Wow, upgraded" sinamaan niya naman ako ng tingin na ikinatawa ko nalang





"Lokong mga mafia lords to mapapasabak ka talaga sa english eh" napangiti naman ako sa sinabi niya habang ginagawa na ang order




"Pasalamat sila ang pogi nila" nilapag ko na ang dalawang inumin na may kasamang apat na baso at dalawang bote ng mule at daiquiri




"Sino ba ang tinutokoy mo?" Mag rereklamo pero napopogian naman




"Yung dulong pwesto na yun, may anim na mafia lords dun" napatingin naman ako sa tinutoro niya at may anim na lalake nga dun na nakaupong umiinom habang pinag mamasdan ang mga taong sumasayaw sa dance floor




"Pasalamat talaga ang mga iyan na pogi sila" napabalik ang tingin ko kay bian at napatawa ng mahina




"Oh siya dalhin ko na to sa mga pogi kaleen" tumango lang ako sa kaniya at sinimulan ng linisin ang mga basong ginamit ko




Matapos ang paglilinis ko, umupo na muna ako at tinignan ang mga sumasayaw sa dance floor. May mga babaeng nahuhubaran na pero patuloy parin sa pag sayaw. Prohibited nga lang ang live sex dito sa bar, pero kiss pwede madami na ngang nag la laplapan sa may gilid eh aisshhh. Sa kabila ng pag mamasid ko, agad akong napatingin sa babaeng sumigaw sa dulo




Si bianca yun panigurado, pinuntahan ko ito ka agad. Bumungad sa akin ang nakayukong bianca habang hinahawakan ang kaliwang braso niya. Tumutulo ang dugo nito, agad ko itong pinatayo




"What the hell are you doing?" napatingin naman ako sa nag salita, sila yung anim na mafia lords na sinasabi ni bian. Ano bang nangyari at nabasag ang mga inumin



Nabalik naman ang tingin ko sa taong nag salita kanina, naka sout ito ng itim na suit. Mukha ngang mafia lord bianca, eh mas mukha pa ngang ceo yan sa lagan na yan. Aisshhh



"Done staring?" Napabalik ako sa katinuan at napatingin uli sa kaniyang mga mata na kulay itim, anong done staring ang pinag sasabi nito kapal to ah




"Yeah, kamukha mo ang lolo ko" natawa naman ang mga kasama niyang naka suit din, well kamukha niya naman talaga ang lolo ko



"Really?" Natahimik din naman ang mga ito, mga siraulo ba to. Tatawa tas hihinto din sa pag tawa ng ilang segundo, weird




"Yes, now you'll may excuse us" aalis na sana kami ni bian para magamot siya pero may kamay na pumigil sakin. Pangalawang kamay na ang pumigil sakin ngayon ah, great




"Sinabi ko bang umalis kana?" Napatingin uli ako sa lalakeng may itim na mata na mag isang nakaupo sa may dulo, tinignan ko rin ang taong pumigil sakin. Kasamahan niya pala, ang pinag kaiba lang ay may pula itong mga mata




"Let go" di ko na pinansin ang sinabi ng lalakeng yon, di ko nga pinapakinggan sina selen at ashna sya pa kaya?



"I said di ka aalis"



~


Pure BloodWhere stories live. Discover now