Kabanata 14 - Second Lieutenant Aella

3 1 0
                                    


Natuwa ako nang makitang pinoprotektahan ako nila Maia. Pilit akong pinupuntahan ni Captain Kallik pero hinaharangan ito nila Maia upang hindi makarating sa akin.

Nagpapasalamat ako nang dahil doon, dahil sigurado akong isang pitik na lang sa akin ay babagsak na 'ko sa lupa at hindi pwede iyon.

Naiinis na 'ko. Wala na naman akong magawa!

Napatingin ako kay Maia at Adir, tumatakbo sila papalapit sa kay Captain habang iniiwasan ang binabatong kuryente ni Captain Kallik. Nangunot ang noo ko nang sabay na lumabas sa kamay nila ang kapangyarihan nila na siyang nagpahinto kay Captain Kallik sa pag-atake dahil kailangan niyang umiwas.

May kidlat na lumabas sa kamay ni Adir na pumunta sa direksyon ng Captain. At may liwanag naman na lumabas sa kamay ni Maia na dumeretso sa direksyon din ni Captain Kallik, laser iyon.

Nangunot ang noo ko nang bigla na namang maglaho si Captain Kallik bago pa man tuluyang makalapit ang dalawa sa kaniya.

Napaamang ako nang makitang nasa likod na siya nila Maia at Adir! Itinapat niya ang dalawa niyang kamay kay Maia at Adir at may lumabas na kuryente na naman sa mga kamay niyang paniguradong tatama sa kanila!

Hindi ako sigurado kung magagawa ko silang iligtas pero nagteleport ako papunta roon at agad itinapat ang dalawa kong kamay sa paparating ng atake ni Captain upang makabuo ng matibay na pananggalang.

Napangiwi ako dahil sa lakas ng atakeng iyon ni Captain Kallik, napapaatras ako! Agad ko ring naramdaman ang kirot sa dibdib ko at ang pagtulo ng dugo mula rito.

Nakakainis...

"Aella..." Rinig kong tawag sa akin ni Maia.

Hindi ko sila pinansin at itinuon ang buong lakas ko sa pananggalang na ginawa ko pero... patuloy ang pag-atras ko!

Ngunit gulat akong napatingin sa likod ko nang may kamay na humawak roon. Si Maia... Nakangiti siya. Sumunod naman si Adir na tinanguan lang ako.

Tinutulak nila ako para hindi magpatuloy ang pag-atras ko dahil kung magpapatuloy iyon, paniguradong tatama ang likod ko sa pader.

Napatingin ako kay Captain Kallik. Napapangiwi rin nitong itinutulak ang sarili habang hindi matapos-tapos ang kuryenteng dumadaloy sa kamay niya.

Parang ayaw niya talaga kaming pumasa, ah!

Napatingala ako nang tumunog na ang bell sa itaas. Natigil na rin ang kuryenteng kaninang sinasalag ko.

Inalis na ng mga kasama ko ang kamay nila sa likod ko.

Tapos na ba? Tapos na, hindi ba?

"Tapos na ang laban! Tumigil na kayo!" Rinig kong sambit ni Sir Ahilan.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Tuluyan ng nanghina ang katawan ko at nanlalabo ang paningin ko kaya nawalan na ako ng balanse, mabuti at may nakasalo sa akin.

Napangiti pa ako nang makita ang mukha ng taong sumalo sa akin. Hindi na talaga siya galit.

Nagising ako dahil na ingay. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pamilyar na kisame. Na'ndito na naman ako sa hospital.

Bumangon na 'ko at natigilan sa nakita. Akala ko ay ang mga kaklase ko lang ang na'ndito kaya maingay pero hindi. Kasama nila ang mga magulang nila at si Tero.

Agad na lumapit sa akin si Maia at yumakap sa akin. Napaamang ako at napakurap nang marinig na ang hikbi niya.

"Salamat, salamat. Salamat, Aella. Salamat," paulit-ulit niyang sinasabi iyon.

Reach For The MoonWhere stories live. Discover now