Kabanata 23 - Paalam

1 1 0
                                    


Nagkatinginan kami ni Heneral Tero nang bahagyang yumanig ang lupa sa lakas ng pagsabog mula sa Piitan. Ang mga mamamayan na lumalikas ay napahiyaw. May ilang natumba at mas nag-panic.

Ang Piitan ay nasa dulo ng bayan. Malayo ito sa mga taong bayan at napapalibutan ng kagubatan. Ngunit sa lakas ng mga palitan ng atake ay dinig hanggang dito ang labanan.

"Malakas 'yong isang may peklat galing sa espada," biglang sabi ni Heneral Tero. Nilingon ko siya at nakita ang seryoso niyang mukha. "Nais ng pinuno na manatili kang kalmado at malutas ito nang maayos, ng walang nasasaktan mamamayan. At nang hindi ka rin nasasaktan, Aella. Sa anumang pangyayari na maaaring makasakit sa iba o sa sarili mo, pilitin mong kumalma. Pilitin mong kalmahin ang sarili mo."

"Ano bang sinasabi mo?" Inis na tanong ko. Parang ingat na ingat ito. Nakakairita.

Matagal bago siya nakasagot, nakatitig lang ito sa akin. "Narito si Aldo."

Natigilan ako at agad naikuyom ang mga kamay ko, ramdam ko rin ang pag-igting ng panga ko.

"Narito ang iyong tiyuhin upang iligtas ang kaniyang mga miyembro. May kasama pa itong isa na Aquilla ang pangalan, dati itong sundalo ng Tan ngunit nagtaksil. Mayroon itong dalawang kaisang elemento, ang kidlat at apoy."

"At si Aldo... Tanging elemento ng liwanag ang kaisa niya ngunit... siya ang sunod sa pinakamahusay sa paggamit noon."

Nag-iwas ako ng tingin at pinakalma ang sarili ko. Napapikit ako. "Sino ang una sa pinakamahusay sa paggamit ng elemento ng liwanag?" Pag-iiba ko.

"Si Silas."

Muli kong naikuyom ang nga kamao ko. Ngunit hindi rin naiba. Si Silas, ang ama ng aking ina.

"Mag-iingat ka, Aella. Ingatan mo ang iyong sarili at ang mamamamayan... ang bayan," huling sabi nito bago maglaho.

Nilingon ko ang Piitan. Naroon sina Captain Kallik, Adir, at Maia. Ang alam ko, nasa misyon ang Team 1 at 2 kaya wala sila rito. Ngunit nasa labanan din sina Neeko, Agacia, at Haco kasama ang iba pang mga sundalo. At si Sir Ahilan na nasa gilid na lamang at hindi muna maasikaso.

Muli ay naramdaman ko ang kuryente mula sa singsing ni Ina kaya nangunot muli ang noo ko. Ano bang nais nito kay Sir Ahilan?

Ngunit bago iyon, pansin ko na ang kawalang laban ng lahat sa nag-iisang kalmadong nakatayo sa gitna, si Aldo. Tulad ng paglalarawan ni Tandang Orson ng Bayan ng Mei, may peklat ito mula sa hiwa ng espada na nabubuo ang letrang A.

Ang Lightning Man ng bayan, kahit ang White Palm ay walang talab dito. Sugatan na rin ang mga ito. Lahat ay sugatan maliban sa kaniya.

Muli ko namang nilingon si Master Tobi na nanonood lang mula sa malayo.

Napayuko ako at napapikit. Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao ko at mabilis ang paghinga ko.

Gusto kong magwala...

Ngunit hindi maaari.

Nagtungo ako sa Piitan. Tahimik na naglaho sa itaas ni Aldo dala ang dagger ko. Ngunit bago pa iyon tumama sa kaniya ay nasangga niya na ito gamit ang isa pang dagger. Mabilis naman akong kumuha ng isa pa bago hiniwa ang bandang tiyan niya at tumalon patalikod, paatras dito.

Agad tumabi sa akin sina Captain Kallik at Neeko na siyang kanina pa nakikipaglaban dito.

Inis itong napahawak sa tagiliran niya na nagalusan ko. Iyon pa lang ang nag-iisang tama nito sa gabing 'to. "Sino ka?!"

Ngumisi naman ako at pumwesto, hawak ang dalawang dagger sa kamay ko. Ang isang dagger ay may bahid ng dugo mula sa kaniya. "Bakit hindi mo kilalanin?" Hamon ko rito at sumugod, sinabayan naman ako nina Captain at Neeko.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 06 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Reach For The MoonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang