KABANATA 12

2K 86 4
                                    

ANAIS / ATARA P.O.V

Hindi ko alam na ganon na pala siya ka addicted sa natural kong amoy, dahil agad n'yang nahulaan kung sino ako habang pumipili siya sa amin.

"Let's move on to the next game." Narinig kong saad ng dating Empress. Nasa tabi ko lang si Izaak habang hawak ang kaamy ko ng mahigpit na parang ayaw na n'yang bitawan.

"The next game will be called Cupid's Quiver Shot," agad akong nagtaka dahil hindi ko alam ang palarong 'yun.

"Alam kong lahat kayo ay nalilito sapagkat hindi n'yu pa alam ang ang larong 'to," narinig kong saad ng dating empress na alam kong nasa gitna naming manglalaro.

"Hayaan n'yu akong ipaliwanag 'to, ang larong ito ay patungkol sa pagpana, kung saan ang mga kababaihan ang siyang papana at ang mga kalalakihan ang hahawak sa target na mansanas, ngunit naka patung 'to sa ulo." Kung ganon lang rin pala ang kanyang palaro madali ko lang 'tong lagpasan.

Ang pagpana ang isang napaka-daling laro sa buong buhay ko, kahit naka pikit ako kaya kong taam kung ano ang dapat kong tamaan.

"P-paano na 'yun? hindi ako marunong pumana." narinig kong saad ng isang babae na alam kong kasali sa laro.

"Baka ito ang ikamatay ko," bulong ng isang lalaki na hindi malayo sa kinatatayuan ko sa tsyansa ko.

Sino naman ang hindi kakabahan kung alam mong hindi marunong pumana ang napili mong kapartner.

"I trust you, wife." Narinig kong sambit ni Izaak  sa tabi ko. Can he really say that? Could he still believe me if I couldn't shoot an arrow?

"I don't know how to use and arrow, you mighy die in my hand," pagsisinungaling ko.

"I still believe in you and I know you can do it, I would rather die in your hands than in anybody else's hand." tsk. Napa facepalm na lang ako wala man lang akong naramdaman na pagkatakot at pagdadalwang isip sa naging sagot niya.

"Handa na ba ang lahat? may tatlong palaso ang bawat babae kailangan maubos ninyo ang mga 'yan, sunod-sunod kayung titira." Naramdaman kong umalis sa tabi ko si Izaak na alam kong pupunta sa magiging pwesto niya. Sa harapan ko lang 'to pero malayo sa akin.

Naka-linya na ang lahat at sinuutan rin kami ng lalagyan ng palaso sa likod habang hawak namin ang pamana na paglalagyan ng palaso.

"Simulan na ang laro!" narinig ko ang isang putok na nagsisilbing sign na magsisimula na ang laro.

"Ahhh damn!"

"Fuck shit!"

"Hala sorryyy!!!"

"Nako po!"

Narinig kong sigaw ng mga lalaki at humihingi naman ng patawad ang mga babae, napa-iling na lang ako.

Agad akong tumayo ng maayos and I take a step back with my right foot, gather the three arrows behind me, prepare them to release their hold, and aim for my target.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko bago ko bitawan ang palaso at naging tahimik ang paligid.

"Did I hurt him?" tanong ko sa sarili ko dahil tumahik ang lahat at wala akong marinig kahit isang ingay.

"Nakakamangha! clap! clap!" narinig ko ang pagpalakpak ng MC.

"Nakita n'yo ba 'yun? isang tira gamit ang tatlong palaso natamaan niya ang mansanas sa taas ng ulo ng Emperor! nakakamangha! 'to palang ang kauna-unahang babaing hindi nagkamali sa pagpana!" manghang saad ng MC. Narinig ko rin ang sunod-sunod na singhapan ng lahat na parang nakabawi sila sa pagkagulat.

"Hindi na natin kailangan pang pumili ng mananalo sa dalawang laro na 'to dahil may nanalo na!" Anunsyo ng MC.

"Kyyaaaa!!!!" Napukaw ang lahat ng attention ng mga tao dahil sa sigaw na 'yun.

"Inaaa! may-nangangain ng tao rito!" Muntik na akong matawa dahil sa naging term na yun.

"Paanong may nakapasok na Zombrine rito?!"

"Hindi na tayo ligtas!"

"Walanghiya!"

Naging seryuso ako dahil halos ng tao ay nag sigawan. Ang mga babaing naging kalaban ko sa palarong Archery kanina ay halos banggain na ako dahil sa pagtakbo rin nila, narinig ko rin ang pag bagsak ng mga palaso sa harapan ko na alam kong kagamitan ng mga babaing nagsitakbuhan sa harapan ko.

"Augkkk, Augkk agmuhh" Kakaiba ang ungol an 'yun, parang nahihirapang magsalita.

"May nakagat na! kakalat na ang virus!" aigaw ng isa.

Nang maramdaman kong wala na ang mga babaing nagsitakbuhan sa harapan ko ay, agad kong pinulot ang mga palaso na alam kong galing sa naging kakumpitinsya ko kanina.

Inasinta ko, pinakiramdaman kong nasaan ang narinig kong umungol kanina. Kung saan naruru'n ang Zombie.

"Aughhk..." Sunod-sunod ang tunog na 'yun kaya binitwan ko ang palaso na alam kong tatamaan ang zombie.

Titira pa sana ako ulit ng maramdaamn ko na lang na lumutang ako sa hangin.

"Damn! I should get you out of here," alam kong si Izaak 'yun. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa akin habang buhat niya ako, na para bang natatakot siyang mabitawan ako.

"As the emperor, it's important not to flee. You should help your people, especially since many are getting infected." Paalala ko sa kanya, ang bilis ng kanyang mga hakbang.

"Your safety is my priority right now." Malamig niyang saad.

"Release me. An emperor who abandons his people doesn't deserve me. I seek a man who won't forsake his people, even if it means risking his woman's safety." Naramdaman ko kung paano siya tumigil sa mabilis n'yang paglalakad dahil sa aking naging pahayag sa kanya.

"If that's your wish, then I'll comply." Ang mga salitang 'yun galing sa kanya ang huling narinig ko bago niya ako ibaba at nag lakad paalis. Hindi ko alam kung saan siya nag tungo sapagkat kakaiba siya sa lahat. Hindi ko maramdaman ang kanyang aura sa paligid.

Habang nakatayo ako ay may mga tumatakbong tao sa paligid ko na aking nararamdaman.

"Mama..." Ganon na lang ang gulat ko ng may maliit na kamay na humawak sa kanang kamay ko.

"Nagkakamali ka," malamig kong saad, hanggat maari ayaw kong maging malapit sa kahit sino man sa mundong 'to. Binaklas ko ang maliit na kamay niya sa aking kamay at naglakad palayo sa kanya pero bigla akong kinabahan ng bigla 'tong umiyak.

"Ma-ma huhuhu..." Mahina ang iyak na 'yu  galing sa kanya, parang may kung anong bumulong sa aking tainga upang maglakad pabalik sa batang 'yun.

"Ackkk." Agad kong binilisan ang paglalakad ko at agad na hinaralang ang braso ko sa bata para mayakap ko 'to kasabay ng isang kagat na naramdaman ko sa braso ko na galing sa isang Zombie.

I didn't feel the pain, all I could focus on was the little girl in my arms, clinging tightly and crying, as if she'd just received a hug from her mom. Hanggang ngayon kagat parin ng Zombie ang braso ko.

Agad akong tumayo at binuhat ang bata sa bisig ko bago ibalibag ang Zombie na kumagat sa braso ko. Wala akong naramdaman na kahit anong kakaiba. Hindi ko naramdaman ang pagdaloy ng virus sa akin.

"Mama...mama ko.." Sambit ng batang nasa bisig ko habang nakayakap ang maliit n'yang braso sa leeg ko at nakasubsob ang mukha leeg ko.

"Huwag ka ng umiyak, nandito na si mama, your mom will protect you, you're safe now." Mahinang bulong ko sa kanya habang hinihipo ang kanyang likod upabg pakalmahin 'to.

"You got a bite from a Zombrine Elixir," ang boses na 'yun ay napakalamig.

"Izaak." Mahinang bigkas ko na alam kong narinig niya.

"You advised me to prioritize my people's safety. You've been infected; I have no choice but to kill you. Put the little girl down." Naramdaman ko na lang ang malamig na metal sa kabilang leeg ko, alam kong tinutukan n'ya ako ng espada. Hindi ako nagkakamaling may araw rin na siya mismo ang kikitil ng buhay ko sa mundong 'to.

The Blind Blade: A Merciless Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now