KABANATA 18

1.8K 84 9
                                    

ANAIS / ATARA P.O.V

"Pasensiya na ginoo," paumanhin ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya hindi sinasadyang mabangga ko siya.

"Saan ka papunta, binibini, ngayon lang kita nakita." Tanong nito sa'kin.

"Tagapagsilbi lang ako ng Emperor, pinayagan ako ng Emperor na mag libot sa bayan na 'to habang siya ay papunta sa kanyang kaibigan na isang Duke." Saad ko rito.

"Kung ganon, hayaan mo akong samahan ka at ilibot sa bayan na 'to upang hindi ka mawala, sasamahan rin kita papunta ng Han mansion pagkatapos nating mamasyal." Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang likod habang nag sasalita.

"Sige." Sagot ko rito, dahil mukhang maganda kong may kasama akong mamamasyal sa buong lugar.

"Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Tawagin mo akong Hector, 'yan ang unang pangalan ko. Ngayon ako naman ang magtatanong, ano ang pangalan mo binibini at bakit naka takip ang kalahati ng mukha mo?" Tanong nito.

"Ako si Clementine at nakatakip ang mukha ko dahil pangit ako." Deritso kong tugon sa kanya para wala na 'tung matanong pa.

"Palabiro ka pala binibini, hahaha," subrang expensive ng tawa nito.

"Hindi ako nagbibiro, Hector." Seryuso kong saad sa kanya.

"Pasensiya na, natatawa lang ako dahil ngayon lang ako naka encounter ng babaing deritsong sasabihin sa harap ko na pangit siya." Saad nito.

"Tingnan mo 'to baka may magustuhan ka," hinila niya ako sa may nagtitinda ng mga bracelet. Kakaiba ang kanilang mga bracelet rito pero ang gaganda.

"Hindi ako mahilig sa bracelet," saad ko rito.

"Pero mahilig ako sa bracelet kaya dapat pumili ka, kung gusto mo ako ang pipili para magkapareho tayo." Hinyaan ko siya sa gusto niya dahil 'yon ang gusto niyang gawin. Nakakapagod ng makipag arguement pa sa kanya.

"Ito maganda, bagay at mukhang 'tung dalawa lang ang natitira sa bracelet," masaya nitong saad at pinakita sa'kin ang sempling bracelet na gawa sa rattan, it's like a rattan bracelet.

"Magkano 'to?" tanong nito sa tindero.

"Limang pilak isa n'yan ginoo," kanina pa ako nagtataka sa isang 'to. Laging natatabunan ng suot n'yang sumbrero ang mukha niya para hindi siya makita ng iba. Kung pagmamasdan ko naman 'to ay paramg normal lang siyang mamayayan ng bayan na 'to dahil sa sempling suot nito.

Binigay niya ang sampung pilak sa tendero at kinuha ang kanang kamay ko. Siya mismo ang nag suot ng bracelet sa kamay ko.

"Tingnan mo ang ganda diba?" May kislap ang kanyang mata ng sabihin 'yon habang pinagtabi niya ang kamay naming may parehobg suot na bracelet.

"Ang babaw naman ng kaligayahan mo." Saad ko at hinila ang kamay ko sa pagkakahawak sa'kin.

"Hehehe, ang ganda ng kamay mo bagay sa'kin." Tumaas ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi.

"Seryuso? tao ka pa ba?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.

"Oo, syempre," maligayang saad nito.

"Halika na pumunta na tayo sa Han mansion, dahil panigurado galit na ang Emperor." Hinila na naman niya ang kamay ko at nag simulang mag lakad.

"Teka nga, akala ko ba lilibot pa tayo?" tanong ko rito.

"Nagbago na ang isip ko, sa susunod na lang tayo pumasyal, sa ngayon pumunta muna tayo sa Emperor dahil maikli ang pasensiya ng isang 'yon," Nagmamadali n'yang saad.

"Pano mo nasabi? kilala mo ba ang Emperor?" Kuryuso kong tanong rito.

"Hindi lang kilala binibini, kilalang kilala." Tumigil kami sa isang puting kabayo. Sumakay siya ro'n kaya nagtaka ako kung saan ako sasakay. "Saan ako sasakay?" Tanong ko sa kanya.

"Sa'kin binibini," hindi pa man ako nakakasagot ng hinila niya ako. "Wahhh!" Gulat kong sigaw dahil sa biglaan n'yang ginawa. Walang hiyang hudas!

Pinasakay lang naman niya ako sa harapan niya, ngayon nasa likod ko na siya.

"Hiyah!!!" Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang braso dahil sa biglaang pag takbo ng kabayo sa kagagawan n'ya.

"Bwesit! sasapakit talaga kita mamaya!" Sigaw ko rito dahil sa hindi ako comportable sa situation ko at ang bilis pa ng pagtakbo ng kabayo.

"Kung kaya mo binibini," sagot nito sa'kin.

Hindi ata inabutan ng tatlumpong minuto ay nakarating kami sa isang malawak na village. May malaking bahay at mukhang mansion ng mga Han. Nakita ko ang karwahing sinasakyan ng Emperor nasa gilid.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar ang ganda ng lugar pang ancient talaga ang lugar parang nasa chinese era lang ako.

"Bumaba kana binibini, dahil kailangan kong puntahan ang Emperor," nilahad niya ang kanyang kamay sa'kin.

Tinanggap ko 'yon at tinulungan niya akong makababa sa kabayo.

"Halika na." Hawak parin niya ang kamay ko habang naglalakad 'to. Pumasok kami sa isang bahay at bumungad sa'min ang isang malawak na bulwagan.

Bawat gulid ay may kanya-kanyang mesa habang naka upo ang Emperor at dalawang matandang babae at lalaki sa lapag.

May nakahain naring pagkain sa kanilang harapan, napansin ko rin na may isang babae at dalawang lalaki na kasing edad lang ng Emperor. 'yong babae naman ay hindi nalalayo sa edad ko kung hindi ako nagkakamali.

"Anak mabuti at nakarating kana, kanina kapa hinihintay ng Emperor," saad ng babaing matanda.

"Ina pasensiya na, hindi ko alam na darating ang Emperor kung hindi dahil sa kanyang tagapagsilbi na si Clementine hindi ko malalaman." Paumanhin niya.

"Patawad sa aking pagkahuli kaibigan." Kusang bumitaw ang kamay ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Kaya pala ang lakas ng loob n'yang sabihin an hindi ko siya kayang sapakin dahil isa pala siyang Duke ng Han.

"Pasensiya na sa aking pagiging mapangahas na tagabagsilbi dahil hindi ko man lang nakilala ang Duke ng Han Empire." Yumuko ako upang humingi ng paumanhin sa kanya.

"Kaya ayaw kong sabihin sayo kung sino ako dahil hindi mo na ako tatratuhin gaya ng kanina." Saad nito habang nakayuko parin ako.

"Huwag ka ng humingi ng pasinsya, halika tatabi ka sa'kin." Hinila niya ang kamay ko at wala na akong naging angal ng hilahin niya ako pa upo sa kanyang tabi nga pumunta 'to sa naka assign na table sa kanya.

"Emperor Cassian, kamusta? bakit napadalaw ka ata ngayon?" Tanong nito kay Izaak na ngayon ay ang sama ng tingin sa'kin.

"Masama bang kumustahin ang kaibigan ngayon Hector?" Malamig niyang tugon.

"Hahahaha, hindi naman Cassian masyado kang seryuso, by the way ang cute nitung tagapagsilbi mo, maaari ko ba siyang kunin at sa'kin siya manilbihan?" Tanong nito. Gusto ko pa sanang mag salita ng muntikan na akong mapatalon sa kinauupuan ko ng biglang hampasin ni Izaak ang kanyang lamesa.

"No!" sigaw niya ng mabilisan. Halos lahat kami nagulat sa kanyang sigaw pati sa paghampas ng palad niya sa mesang kaharap niya at may natapon pang pagkain dahil sa kanyang ginawa.

The Blind Blade: A Merciless Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now