KABANATA 17

1.6K 77 1
                                    

ANAIS / ATARA P.O.V

"What are you doing?" Kahihiyan ang inabot ko nang bigla akong matapilok habang naka sunod kay Izaak. Papunta siya sa emperyo ng Han. Kung saan pinamumunuan ng isang Duke na hindi ko pa kilala.

Sa pagkaka-alam ko kaibigan ni Izaak. Nawala bigla sa isip ko ang pagiging tanga ko, naka hawak lang naman ako sa kanyang damit upang hindi ako tuluyang matumba.

Hinila niya ang kamay ko upang maka tayo ako ng maayos. Agad naman akong napayuko dahil sa kahihiyan na 'yon.

"Pasensya na, hindi ko sinasadya." Mahinang dahilan ko.

"Be careful next time, I hate stupidity." Tumalikod 'to at nag lakad ulit.

"Stupid, ang pangit naman," mahinang bulong ko at inambahan pa ng suntok habang naka talikod na naglalakad.

"I heard that," napatahimik ako at sumunod na lang sa kanya ng tahimik.

Sumakay 'to sa karwahe at akmang susunod ako ng nag salita 'to.

"A maid cannot ride with the Emperor, so ride a horse instead." Nakagat ko na lang ang labi ko sa inis. Bwesit may panahon rin ang isang 'to.

Kahit inis ay sumakay na lang ako ng kabayo, gulat rin ang isang kawal dahil sa hindi man lang niya ako naalalayan dahil bigla akong sumakay ng walang kahirap hirap.

Nagsimulang umandar ang kalisa. May isang kawal na ang maamneho sa harap ngunit hindi 'to ganon ka bilis tama lang ang paglarga nito, habang ako ay tahimik lang din, hindi ako malayo sa kalisa ni Izaak malapit ako rito habang nakasakay ako ng kabayong mag-isa.

Naka-sunod lang ang ibang tauhan niya sa'min.

"I did not know that you can ride a horse easily." Narinig kong saad ni Izaak sa loob ng karwahe.

"Hindi mahirap matutunan kung paano sumakay ng kabayo, halos ata ng kababaihan alam kong paano." Walang gana kong tugon sa kanya habang nanatiling nasa unahan ang tingin ko.

Mukhang malayo ang tatahakin namin papuntang Han Empire.

"Kakaiba ka sa lahat ng babaing nakilala ko, you remind me of her." Sino naman ang tinutukoy nito?

"Who?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Nevermind, saang bayan ka nag mula?" Akala ko nakatakas na ako kanina sa tanong na 'yan. Anong bayan naman ang sasabihin ko? nakakainis naman 'to.

"Hindi mo kailangang malaman mahal na Emperor, galing lang ako sa pinaka mahirap na bayan, sumugal mag-trabaho sa Emperyo n'yo para mabuhay ang sarili," tugon ko rito.

"Kung ganon galing ka sa bayan ng ching?" tanong nito habang nasa loob ng karwahe.

Kahit naguguluhan kung ano ang sinabi niyang ching na bayan ay sumagot parin ako. "Oo kamahalan," napipilitan kong sagot sa kanya.

"Sakripisyo nga ang ginawa mo, dahil lubhang nahihirapan ang bayan ng ching, balak kong mag bigay ng tulong sa kanila kung amy panahon ako," hindi ko alam na may bait pa-pala ang Emperor na 'to.

Kung sa bagay nakaya n'ya akong isakripisyo kapalit ng kanyang nasasakupan which us the best decision he did.

Natanaw ko ang malaking tarangkahan. Nang makaabot kami sa harapan ng tarangkahan ay unti-unti 'tung bumukas. Pagbukas nga tarangkahan ay suma lubong sa'min ang napakalawak na emperyo. Maraming tao. Kung hindi ako nagkakamali para 'tung isang bayan. Maraming tao, mga street vendors. Kung ganon hindi pa namin nararating ang bahay ng Duke.

Pagpasok namin maraming nagsiyuko, dahil nakita nila ang mga royal guard, at ang karwahe ng Emperor.

Bawat nadadaanan namin ay yumuyuko. Hindi ko alam na kilala na pala ng buong lugar na 'to ang Emperor.

Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang emperyo ng Han.

"Pwedi kang maglibot sa buong lugar kung gugustuhin mo at dederitso naman ako sa bahay ng Duke." Narinig kong saad ni Izaak sa loob ng Karwahe.

"Maraming salamat sa pahintulot." Agad akong tumalon pababa ng kabayo, hindi na ako tumnaggi sa alok niya dahil gusto kong ma explore ang bayan na 'to.

Naglakad ako palayo sa kanila. At tumingin-tingin sa mga tinitinda ng paligid.

May lumapit sa'king isang lalaki na may dalang pagkain na mukhang tinitinda niya.

"Hija baka gusto mong bumili, dalawang pilak lang 'to." Nakangiti niyang saad sa'kin.

Tiningnan ko ang kanyang tinda. Isang bilog na pula at naka tusok sa isang stick. Kung hindi ako nagkakamali, limang bilog na pula ang naka-tusok sa isang stick. Kasing laki ng fishball. Ano kaya ang lasa nito? ngayon lang ako makakakain ng ganitong klaseng pagkain.

"Isa lang po," saad ko at binigay ang dalawang pilak na kinuha ko sa bulsa ng aking dress.

"Salamat po." tumango 'to at umalis. Agad kong tinikman ang binili ko at subrang sarap nito. Matamis at lasang strawberry kaya pala pula.

Habang kumakain ako ay patingin, tingin lang ako sa mga tinda ng iba.

"Magpahula na kayo! para mahulaan ang inyong hinaharap." Sigaw ng isang lalaki. Tiningnan ko ang pwesto na 'yun at madaming taong nandu'n.

Lumapit ako at nakisiksik sa mga tao. May hinuhulaan ang isang matanda. May malaking bilog na nasa harapan at magkaharao ang matanda at ang kanyang hinuhulaan habang nasa gitna nila ang malaking bilog na glass.

"Ang 'yong hinaharap ay magkaka-anak ka ng isang magandang babae at siya ang magaahon sa inyo sa kahirapan." Saad ng matanda. Totoo ba 'tung hula niya? paramg hindi, linoloko lang nila ang mga sarili nila.

Tumalikod ako at magsisimula na sanang umalis ng biglang nag salita ang matanda.

"Hija, aalis kana agad? hindi ka man lang ba mag papahula?" humarap ako sa kanya at ngumiti kahit nakatakip ng tela ang kalahati sa mukha ko. "Hindi na po, wala akong dalang pilak upang ipang bayad ko sa inyo." Dahilan ko kahit meron naman akong pilak na dala.

"Huwag kang mag-alala, kahit huwag mo na akong bayaran." Dahil ayaw kong mapahiya siya dahil maraming tao ang nakatingin sa'min ay napipilitan akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang harapan.

"Ibigay mo sa'kin ang mga kamay mo hija," binigay ko sa kanya ang dalawang kamay ko, hinawakan niya 'to at pumikit. 'di nag tagal ay nag salita 'to na ikinagulat ko.

"Namatay ka sa unang buhay mo tama ako hija, hindi ba?" hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya dahil totoo ang kanyang anging hula.

"Kahit huwag mo ng sagotin hija," saad nito na nagpatahimik sa'kin lalo.

"Nakita ko ang nakaraan mo, at ngayon nakikita ko ang hinaharap mo," saad nito.

"Hindi ka basta-bastang prinsesa lamang, isa kang tagapagmana ng isang makapangyarihan na Espada sa buong mundong 'to, makukuha mo 'yon sa takdang panahon. Ngunit ang sandatang 'yon ang tatapos sa lalaking mahal mo at sa batang iniluwal ng katawan na 'yong kinalalagyan," agad akong napabitaw sa kanyang kaamy kasabay ng kanyang pagmulat.

"Hija, hindi ka nababagay sa mundong 'to subalit nakatadhana 'to sa 'yo. Maging dilim man ang mararanasan mo sa mundong 'to, sisiguraduhin ng tadhana sa susunod mong buhay ay magsisimula ka ulit sa umpisa.*" Huling saad nito bago ako sinyasan an umalis na. Hanggang ngayon hindi ko alam kong totoo ba ang kanyang naging hula.

Tulala akong naglalakad at iniisip parin ang sinabi ng matanda ng bigla akong mabangga sa isang matangkad na lalaki, sa mismong dibdib pa niya tumama ang noo ko.

"Mag-iingat ka binibini, at lagi mong tingnan ang daan upang hindi ka makabangga ng iba pang tao." Umangat ang ulo ko sa kanya at nakita ko ang kanyang napaka gwapong mukha. Naka suot 'to ng sumbrero ng mga sinaunang tao.

The Blind Blade: A Merciless Assassin's Reincarnation Where stories live. Discover now