[5] - "Kaya nga siya naging Ball Captain, diba?"

13.1K 170 4
                                    

NOON.

Hinawakan niya ako sa aking balikat at mahina akong itinulak pababa. He gently gripped my elbows and positioned it upward.

"Sure kang ma-i-sho-shoot ko 'to?" Tanong ko habang nakatungo parin sa ganung position. Medyo nangangalay na nga yung tuhod ko e

"Estimately, yes." He answered.

"So, what should I do next?"

"Defy gravity." He smiled.

I frowned at him. "Stop being creative, Rap. I'm learning how to play ball, not fly."

He rolled his eyes. "Jump, shoot and let go. Chicken feed."

"Easy for you to say, Captain." Sagot ko sa kanya bago ko siya sinunod. I bent my knees and slightly pushed myself upward para pumasok yung bola sa ring.

Pero mukhang nabitin ata yung pagtapon ko ng bola.

"Sht!" Sigaw niya sabay hawak ng kanyang ilong. "Nananadya ka ba, Ambrosia Mandolin ha?"

"Hala Sorry!!" Tumakbo ako papunta sa kanya at nilevel ang mukha ko sa ilong niya. "Masakit?" Hinawak-hawakan ko pa.

"Oh Fck!" He swatted me. "May galit ka ba sa akin ha?"

"Eto naman! Sorry ha. Di ko naman sinasadyang maging lampa sa sports 'no!" I crossed my hands in front of me. "Besides! Wag ka ngang bumakla dyan! Nasapul ka lang ng bola, kung makareact ka dyan akala mo naman sasarat na yang ilong mo."

OA talaga siya todamax. May tumulo lang na dugo mula sa ilong niya... bigla ba namang himatayin?

Yung totoo, bakla tong isang to, ano? No wonder. Masyado na kasi siyang gwapo para sa isang normal na tao.

NGAYON.

Palabas na sana ako ng gate ng eskwelahan nang may biglang humablot ng aking siko. Sinalubong ko siya ng iritadong tingin.

"Ano ba talagang kailangan mo ha?!" Inalis ko ang pagkahawak niya sa akin.

He gave me a grin. "Lakas mo pala tol. Kung natatandaan ko pa dati, ni pagdodge ng bola di mo magawa..."

"Wag mo na nga ako bwisitin, Angelo Valdez. Di kana nakakatuwa." Minalditahan ko siya.

He raised both of his hands up in surrender. "Okay. Fine. Sorry. Gusto ko lang naman kasi magpasama sa'yo manood ng informal basketball game dun sa court, ayoko kasing magmukhang loner. Maaga kasing sinundo si Harry e. Si Rap naman nandun sa game."

Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan nya, dali-dali ko nang hinigit si Angelo papuntang court.

**CU Basketball Court

And as expected, nandun nga siya. Nakikipag-agawan, nakikipag-talunan, nakikipag-rakrakan para ma-i-shoot ang bola at makapuntos.

"Ang galing talaga ni Rap." Sabi ko, half-dazed.

Ba't ganun? Pag siya ang pinagpapawisan, mas lalo siyang gumagwapo?

"Kaya nga siya naging Ball Captain diba?" Sambit ni Angelo pagkaupo niya sa bleachers. "Uy, umupo ka nga. Hinaharangan mo ang view."

Umupo naman ako sa tabi niya. Nagkoconcentrate pa rin kay Rap. Inaamin ko, hindi ako pasado sa paglalaro ng kahit anong sports. Sa pagdribble pa nga, nakakahiya na ako. Pero pagdating sa basketball scoring and identification of well-known special moves, mahihiya ang lahat ng players sa akin. Mwahahaha.

Bagsak ako pagdating sa mga practical exams, but when it comes to the written ones-magdamag akong nag-aaral, pati mga trivia minemorize ko na para lang makabawi sa grades ko.

"Huy, anong ningingiti mo dyan? Na-benchers na po yung Rap mo." Pag-iistorbo ni Angelo sa akin.

"Ha? Bakit?" Napatayo ako bigla at hinagilap siya. Nung natuntun na siya ng aking radar, bigla namang uminit ang ulo ko.

Highschool Crush Life [fin❤]Where stories live. Discover now